Binalik ko na ang mga lupa na hinukay ko at naglakad na ulit pabalik sa bahay. Umakyat ng lubid then bumaba, tapos didiretso na sana ako sa loob ng may nagdoorbell. Kaya pumunta ako sa may gate para tignan kung sino iyon. Nagulat naman ako ng makita na si rens iyon at naka uniform. Di ko tuloy alam kung pumasok siya o nag cutting eh.
"Anong ginagawa mo dito rens!?" Gulat na tanong ko sa kanya.
"Pinuntahan kita kasi di ka pumasok at mukhang tama ang decisyon ko na puntahan ka. Anong nangyari sayo ba't ang dumi ng suot mo parang bumangon ka galing sa hukay." Sabi nito.
"Wag mo ng pansinin itong suot ko, tutal nandito ka naman eh pumasok ka na ipagtitimpla kita ng juice." Sabi ko at binuksan na ang gate.
"Wag pansinin panu ko di papansinin kung ganyan itsura mo." Sabi naman niya at pumasok na kaya sinara ko na ulit ang gate.
Pumasok na kami sa loob ng bahay pupunta sana ako ng kusina kasi nga ipagtitimpla ko siya ng chocolate kaso sabi niya "Ako na magtitimpla mahirap ng malagyan pa ng lupa yung ititimpla mo sa akin atsaka ipagluluto na din kita dahil mukhang hindi ka pa kumakain, maligo ka na sa taas at sabay na tayo pumasok."
Kaya ayun umakyat na nga ako sa taas para maligo kasi may point naman siya doon. Bagong dilig lang ata ang lupa na iyon at mabasa basa pa ng hinukay ko.
Pumasok na ako ng cr tapos nilabhan ko muna ang madumi kong damit bago maligo, after maligo eh nagsuot na ako ng uniform. Then lumabas ng cr kinuha ang bag pangpasok, cellphone at wallet ko then bumaba na ako mukhang hindi ako sa lunch time papasok ah after recess na ako makakapasok nandito si rens eh parang tatay ko yan pag dating sa studies ko.
Pagbaba ay naamoy ko ang napakabangong amoy ng isang almusal kaya bigla ko na lang naramdaman kumulo ang tiyan ko. Gutom na ako simula kasi kagabi eh di ako naka kain ng dinner. Pumunta na ako agad sa may dining area at nakita ko ng nakahain na ang pagkain at dumating na si rens para ilapag sa lamesa ang tinimpla niyang inumin na nasa pitchel.
"Umupo ka na at kumain" Kaya naman umupo na ako at umupo na rin siya. Ang sarap ng almusal pero parang di na almusal itong kakainin namin parang pang lunch na.
"Nga pala ba't ka pumunta dito sa bahay? Nagcutting ka sa kalagitnaan ng klase nuh." Nasabi ko nalang sa kanya sabay kain.
"Hindi nuh, umalis ako nung recess time pero syempre nag paalam ako sa tito mo bago umalis tutal adviser natin siya." Sabi nya napakunot noo naman ako sa sinabi niya. Recess time, eh alam ko mag re-recess time pa lang ah.
"Oh ba't kunot noo ka diyan." Sabi niya sa akin.
"Eh kasi sabi mo recess time ka umalis, mag re-recess pa lang diba." Sabi ko naman sa kanya.
"Baliw." Sabi niya sabay pitik sa noo ko kaya napahawak naman ako sa noo ko.
"Aray ko naman anong mali sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ang masakit kong noo.
"Di ka ba tumitingin sa orasan o dahil sa nagpalangoy langoy ka sa lupa kaya di mo namalayan na mag lu-lunch time na ngayon sa school sa mga oras na ito." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa orasan 11;45 am na pala. Naku di ko namalayan ang oras kala ko naman almusal pa lang kaya pala parang pang lunch na itong kinakain namin so tanghali na nga ako makakapasok ng school naku dapat bilisan ang kain 1 hour pa naman biyaheng bahay papuntang school.
Binilisan ko na ang kain at wala ng sinabi. Kahit nga sinasabi ni rens na bagalan ko lang daw eh binibilisan ko pa rin kaya ayun nabilaukan ako hindi naman malabong mangyari so ano pa bang ginawa ni rens edi syempre inabutan ako ng maiinum at sinabi na "Ayan kasi sabi ko sayo bagalan mo lang ang pagkain."
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...