◎Chapter Nineteen; Twins

95 27 5
                                    

"Multo ka ba?" Gulat na tanong ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"Ha? Sa gwapo kong ito multo ako."

"Bakit hindi ba?"-Me

"Wow dahil lang sa nangyari kanina tinuri mo na kaming patay."

"Eh? So totoo ka?"-Me

"Tulog ka ba ah? Aalis ka na nga nang walang paalam tulog pa ang utak mo."

"So ikaw talaga ang totoo."-Me

"Eh kung hindi ako ang totoong Astrix, sino ako."

Oh thats right di ko pa pala sinasabi na ang kaharap ko ngayon ay si Astrix. Akala ko multo siya kasi sabi nang voice na yun tulog na daw ang lahat.

'Sinungaling Voice!'

Eh? Di pa rin siya nagsalita di kaya nababaliw na ako kanina pa.

"Hello! Nandito ka pa ba?"

"Ha?"

"Tsk, ano bang nangyayari sayo shin? Halika na bumalik na tayo sa bahay." Pupunta na sana siya sa akin at hihilain ang kamay ko nang lumayo ako.

"Ayoko! Uuwi na ako!" Nasigaw ko na lang yun bigla.

"Teka nga! Uuwi ka nang ganitong oras tapos wala pang kain are you insane!-" Sigaw niya pero di ko narinig yung huli niyang sinabi kasi pabulong na.

"Im not insane ok! Uuwi na ako, even if you guys want it or not uuwi na ako! Ka lalakeng tao ko di ko kayang umuwi pag gabi grabe naman yun!" Sigaw ko at aalis na sana kaso sumigaw siya.

"Wait!" Hayy bat ba napapatigil ako pag nagsasalita siya.

"What?" Nasabi ko na lang.

"I want to say sorry."

"Para saan?"

"Sorry kasi di kita pinakinggan kanina. It is Sophia's fault di ko alam kung anong nangyari sa kanya pero I know that it is her fault."

"Ha? Paano mo naman nalaman na kasalanan niya."

"Dahil sa kapatid ko."

"Kapatid mo?"

"Oo may kapatid ako actually kakambal."

"Kakambal!"

"Oo."

"Teka kung may kakambal nga ikaw na saan siya ah." Taas noo kong tanong.

"Im here." Napalingon ako sa nagsabi nun at kaboses niya si voice could it be she's voice!

"Voice!" Gulat na sabi ko.

"Magkakilala kayo?"

"Eh? Voice ba talaga name mo."

"Well yes ang galing mong manghula di ko pa naman sinasabi sayo name ko."

"Eh kasi di ka pa nagpapakilala sa akin at boses mo lang naririnig ko."

"Siguro kasi invention ko lang kausap mo kanina, ito yun oh. Well ako naman kausap mo dun trinatransmit lang nang butterfly na ito yung boses ko sayo para marinig mo ako." Sabi niya at lumabas ang isang napaka gandang butterfly di ko toh napansin ah.

"Wait dont tell me sinadya mong sabihin na tulog ang lahat para mapalabas ako?"

"Bingo! Effective naman diba? Pero dont worry si Astrix lang talaga ang gising yung the rest tulog na."

"Yung mga sinabi mo kanina."

"Haha, forget about it." Sabi niya sabay ngiti.

"Ano bang pinag uusapan nyo diyan?" Biglang singit ni Astrix.

"It's nothing my twin brother. Mukhang bati na rin naman kayo kaya its time na yung iba naman ang makipagbati kay shin, diba?" Sabi ni voice sabay tingin sa akin.

"Ah oo." Nasagot ko na lang.

Kaya hinila ako ni voice at bumalik kami nang mansion. Hayy sinaktan ko pa ang sarili ko babalik rin pala ako nang mansion pero mas mabuti na ngang magbati na kami tutal malapit na rin naman ang paglisan ko unting araw na lang ang natitira.

Nang nakabalik na kami nang mansion ay nagulat ako nang makita na nandoon silang lahat sa may sala maliban na nga lang kay Sophia.

"Wag mo nang asahan na mag so-sorry si sophia matigas din yun eh kakapanibago nga ang ganun eh." Bulong ni voice sa akin.

"Shin! Buti na lang at nahabol ka ni Astrix." Sabi ni Karin sabay yakap sa akin at bulong na "Sorry sophie dahil di kita pinaniwalaan nung una."

"Ehem, ehem mukhang close na close talaga kayo ah." Sabi ni Noah

"Ah ganun ba, masama ba yun?" Tanong ni karin sabay tingin sa kanya.

"Ah hindi naman, sorry pala shin." Sabi Noah tapos iwas tingin.

"Sorry sa ginawa ko shin." Biglang sabi naman ni Ariz.

"Hayy... Ewan ko ba pero sorry." Sabi naman ni Shun.

"Pero dapat di ka ganun nagmumukha kang babae eh." Sabi naman ni Gerald.

Haha, actually babae talaga ako gerald.

"So would you accept their sorry."

Syempre ako ayoko naman magmatigas ngumiti at tumango ako syempre ngumiti sila at inakbayan ako ni shun at ginulo gulo naman ni gerald yung buhok ko. Ganun ang nangyari kaya nagkabati kaming lahat.

Kinabukasan ay nagsorry na rin sa akin si Sophia pero di niya sinabi ang dahilan kung bakit niya yun ginawa basta nagsorry siya at umalis di ko nga alam kung papatawarin ko siya o hindi.

Days had passed na tapos na ang vacation namin, bumalik na kami sa dorm at natulog na sila nang kinagabihan. I think nakalimutan na nga nila na ngayon ang alis ko. Naghintay pa ako nang ilang hour nun para masiguradong tulog na tulog sila at kinuha ko na ang gamit ko. May iniwan akong note sa lamesa na may nakasulat na

'Sorry and thanks for everything guys, masaya akong nakasama at nakilala ko kayo.'

Nagpaalam na ako sa head nang dorm at pagkatapos nun umuwi na ako. Sa monday ay balik nanaman ako sa all girl school. Parang gusto ko pang manatili sa all boys school.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon