◎ Chapter Nine; Topic of the Day

209 48 17
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang nangyari sa bar.

Nagkakausap na rin kami ni Ariz mas naging mag close na nga kami lalo na at magpinsan kami. Di nga daw niya napansin na magpinsan kami kahit dumating na si tito. Hindi niya tito si tito ko. Kasi magpinsan kami sa nanay. Eh si tito ay kapatid ni papa. Kaya di niya talaga inakalang magpinsan kami.

As for Astrix walang awkward scene ang nangyari kasi nakalimutan niya ang nangyari sa bar. Ang naalala lang niya ay pumasok siya ng bar at pinilpiit siyang uminom tapos wala na.

Pero ako. Di ko talaga makakalimutan ang ginawa niya.

Imbis na first kiss ko lang ang kinuha niya pati second kiss ko kinuha niya. Naka alis na ako nun pero bigla siyang nagsalita na "Ang sarap mo pala halikan." Brrr nakakanginig pag naaalala ko pag katapos niyang sabihin yun niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan kaya ayun sinapak ko ng sobrang lakas kaya nahimatay. Eh halikan ba naman ako ulit kahit lasing yang Astrix na yan syempre di pa rin pwede na palagpasin ko yun diba kiss yun ang kiss ay isa sa importanteng bagay para sa akin!

Pero bakit ganun. Bakit feeling ko di na ito ang first kiss ko. Haha, masyado ka atang inasume ang muntik na pag kiss namin ni Ariz na si Andy lang pala ang ka kiss ko.

Di na ako umiwas sa kanya at kukulitin lang niya ako tapos dun lang niya maaalala. Mas magandang maalala niya mag isa niya. Weird nga lang kasi masyado siyang close sa akin. Tapos lagi niya akong tinatanong kung galit ba ako ngayon. I sense na baka medyo naaalala na niya yung nangyari.

Tatlong linggo na ang nakalipas nang lumipat ako dito sa school na ito. Isang linggo na lang at tapos na ang month na ito. Wait lang matatapos na ang month na toh! Teka isang month lang pala ako dito. So pagkatapos ng isang buong linggong ito aalis na ako. Alam na kaya nila yun? Mukhang hindi.

Nasa school kami ngayon tapos naalala ko na isang linggo na lang ako dito. Kung kailan nasanay na ako sa all boys school. Napipilitan na nga lang ako mag swiming class eh. Buti na nga lang di pa rin nila nahahalata pag nag swi-swiming kami. Ako na nga naiiba sa mga nagswi-swiming kasi ako lang ang naka shorts at T-shirt na may sando sa loob o diba sila naka trunks.

"Mga bro 1 week vacation next week Saan nyo gustong pumunta?" Biglang tanong ni Astrix

Next week! Wala na ako dito next week eh. Ngayon ay nandito kami sa dorm kasama ang buong barkada at kakatapos lang namin mapanood ang 3 Idiots. Kahit alam na naming lahat yun may isa naman di nakakaalam at he will die daw pag di namin pinanood ng sama sama kaya ayun pinagbigyan pero di ko na imemention kung sino yun.

"Waah ); ang ganda ng kwento nakakaiyak. T_T"<---Yung taong di pa nakakapanood (Di ko talaga siya ilalaglag.

"Sus ilang beses na namin yan napanood."-Noah

"Oo nga, pero nakakaiyak naman talaga pag umpisa."-Gerarld

"Tama ka Gerald."

"Talaga di ko ine-expect yun. Pero nakakatawa ang ending."-Yung di pa nakapanood hehe ayoko talaga siyang ilaglag.

"Sus naman Shun. Unang beses mo pa lang napapanood super tears na ang lumabas sayo gusto mo yung......"-Astrix, ayan nalaman nyo na kung sino umiiyak pero atleast hindi ako yung nanglaglag si Astrix yun.

"Yung ano?"-Shun

"Nakalimutan ko na rin, basta tungkol dun sa tatay na baliw atsaka anak niya."-Astrix

"I am Sam." Sabi ko.

"Yun na nga!"-Astrix

"Ano yun! Sunod natin panoorin yun."-Shun

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon