◎ Chapter Seven; Where Cousins!

204 51 25
                                    

*BEEEP*

"Ano ba!? Gusto mo bang magpakamatay!" Sabi nung driver.

"Naku! Pagpasensiyahan nyo na po yung kasama ko." Sabi ni Ate sabay hila ng kamay ko para itayo ako tapos bumulong siya na "Bilisan mo mag sorry ka rin."

"Ahh.... Sorry po."

"Tsk, kung gusto mo magpakamatay wag kang mangdamay ng iba." Pagkatapos sabihin yun nang driver ay umalis na siya.

"So- I mean Shin! Anong bang ginagawa mo at bigla bigla ka magpapakabagsak diyan sa lapag ah!"

"Hindi ko naman sinasadya may biglang tumulak sa akin."

"Hah? Sino naman tutulak sayo. Ahh.... Baka kasi nagsisiksikan tayo dito at naghihintay mag green ulit yung ilaw kaya di sinasadya na matulak ka."

"Grabe naman makatulak yun parang sadya. Kasi nakita ko siya tinulak niya ako!"

"Mamaya ka na sumigaw greenlight na oh."

Nagpout na lang ako. Tapos tumawid na kami at pumunta sa may mall.

"Di talaga ako makapaniwala kanina ate. Sino naman ang mananadyang manulak sa akin? Atsaka anong ginawa ko sa kanya para tulakin niya ako?"

"Pwede ba SHIN magpaka boy act ka nga."

"Hoy! Lalakeng act toh. Di nagpapatalo baka bugbugin ko yung taong yun pag nalaman ko kung sino siya."

"Ewan ko sayo. Tulungan mo na lang ako hanapin yung Apple store."

"Gusto mo bang kumain ng apple? Kung gusto mo dapat sa palengke na lang tayo pumunta edi mas nakamura pa tayo."

"Ingot! Apple store ang tinutukoy ko tatak ng phone."

"Ayyy iphone pala. Sorry naman akala ko kasi apple shop na literal na apple talaga yung binibili. Sa taas yung tindahan ng mga cellphone sa may third floor. Teka nakuha na natin phone mo ah."

"Edi tara na. Atsaka wag mo na ngang isipin pa yung nangyari kanina na i-ingot ka tuloy. Atsaka ibebenta ko na lang itong phone ko."

"Oo na kakalimutan ko na. Kahit muntik na akong mamatay doon." Naka cross arms na sabi ko.

Si ate nag change na simula nang banggitin ko yung name na yun.

Pumunta kami sa may 3rd floor ni ate at nakita namin yung app store. Dapat kasi app store na lang sinabi niya. Tapos mga ilang minuto ang lumipas bumili na siya ng bagong phone at iphone 5s ang napili niya. Ang yaman ng ate ko paano kasi worth 48,990 ang binili niya na may 64 Gb. Mukhang kakasweldo lang niya ah.

"Ate yaman mo. Manlibre ka naman."

"Wala na inubos ko na pambili nitong cellphone."

"Tsk ang duga mo."

"Anong maduga eh bibilhan pa nga kita nang mga bago mong gamit diba."

"Nagugutom na ako."

"Edi bumili ka nang pagkain."

"Punta tayo greenwich. Gusto kong kumain ng pizza eh."

"Ok kung yan ang gusto mo ikaw naman magbabayad eh."

"Oo na."

Kumain kami ni ate at kinuha ko na yung bagong number niya, nang matapos na kaming maka kain ay pumunta muna kami ng arcade bago bumili ng mga gamit ko. Pumunta ng videoke saglit si ate kasi nandoon yung katrabaho niya kaya pumunta naman ako dun sa basketball. Tutal I love this sport yung nga lang bawal sa all girl school kasi daw di mukhang babae pag naglaro ka nun.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon