◎ Chapter Eleven; The Girl in Painting Childhood Past

172 40 17
                                    

Is this Me?

Or

Is this Sophia?

Si Sophia ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Sigurado akong si Sophia nga itong nasa painting at kasama niya si Astrix.

Ang saya nilang dalawa sa painting. Its like they are lovers.

Bakit bigla akong nakadama nang kirot sa puso ko?

Nagseselos ba ako?!

Hindi... Impossible.... Wala naman akong gusto kay Astrix. So bakit ako mag seselos?

Binalik ko na ang tela sa painting sa tingin ko maliliwanagan lang ako kung tatanungin ko si Astrix.

Lalabas na sana ako ng Painting/Statue room nang bigla itong bumukas at si Astrix ang nilabas nun.

"Oh Shin! Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Umm... Naglilibot?" Patanong na sabi ko. Na kinastart nang pagkabog nang dibdib ko.

"Nakita mo na ba lahat nang painting dito?" Tanong niya ulit.

"Oo?" Patanong na sabi ko ulit. Tapos kumakabog parin si heart ko.

"Eh yung nasa pinaka dulo. Yung may tela?" Tanong nanaman niya.

"Oo?" Patanong ko ulit na sabi. Grabe talaga puso ko sa kada salita niya mas bumibilis nang bumibilis.

"So nakita mo na pala siya." Biglang malungkot na sabi niya.

"Sino ba yung babae sa painting?" Tanong ko sa kanya. Now its my time to meet her. Kasi naman pag si Ariz tinatanong ko lagi niyang sinasabi ewan.

"Hindi mo yun kilala? Si Sophia yun kapatid ni Ariz at pinsan mo rin." Sabi ni Astrix at nagsimulang maglakad papunta sa painting. Syempre sumunod naman ako sa kanya.

"Kung recently ko nga lang nakilala si Ariz, si Sophia pa kaya." Sabi ko naman sa kanya.

"Kung sabagay." Malungkot na sabi niya ulit.

Bakit ganun. Pag nagsasalita siya kakabog puso ko. Pagmalungkot siya feeling ko malungkot din ako. Pagnakikita ko siya yung puso ko ang bilis nang tibok. Kanina pa itong nararamdaman kong toh ah. Mas malakas pa ang kabog nang dibdib ko ngayon kaysa nung unang nakita ko si Ariz.

Nakarating na kami sa painting at tinanggal niya ang tela na kakabalik ko lang.

"Ito si Sophia at syempre yung kasama niya diyan ay ako." Sabi ni Astrix habang nakatingin sa painting at hinahawakan ang mukha nito na para bang ang tagal na niyang hindi nakikita.

"Ka ano-ano mo ba si Sophia?" Tanong ko sa kanya. Na parang ayaw kong marinig ang sagot niya kaso natanong ko na.

"Siya ang bukod tanging mamahalin nang puso ko dahil si Sophia ang Girlfriend ko."

Parang milyong palaso ang pumana sa dibdib ko. Ewan ko ba. Bakit ganito kasama ang nadarama nang puso ko at para bang anytime luluha na ako. Bakit ganito nadarama ko? Bakit?

"Ga-ganun ba. Pa-paano kayo nagkakilala." Kahit ganun ang nadarama ko tinuloy ko pa rin ang pagtatanong tungkol kay Sophia.

"Kung iisipin ko bata pa kami nun."-Astrix

*Astrix Flashback*

"Astrix maglaro kayo ni Ariz oh." Sabi sa akin ni mama na ngayon ay kadaldalan ang nanay ni Ariz.

Matagal ko nang kakilala si Ariz dahil magkaklase kami nung NKP pa lang kami at ngayon close na ang magulang namin. Kaya nga ngayon bumisita kami sa kanila kung kailan patapos na ang bakasyon.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon