"Sophie! Anong ginawa mo sa buhok mo!"
"Ha? Pinahair extension ko, binalik ko lang sa normal na may unting pagbabago nga lang."
"Anong unting pagbabago! Malaking pagbabago yan! Bakit mo pinakulayan buhok mo ah!"
"Tsk, wag ka ngang sumigaw ate. Gusto kong pakulayan eh anong magagawa nila atsaka perfect nga ako sa exam na binigay mo sa akin eh kaya dapat pwede kong gawin ang gusto ko."
"Alam mo naman na bawal yan sa school!"
"Ate naman bago na ang rule nang school, nabasa ko na kaya ang bagong rule book nang school dahil di na siya all girl school you should remember that Ms.Mcgrace." Sabi ko sabay smirk, hehe ang sarap asarin ni ate.
Oh hi guys! Nandiyan na pala kayo ^^ Tama naman ang mga nabasa nyo kanina, nag pa hair extension nga ako at pinakulayan ko ang buhok ko ^0^ syempre masayang lubusin ang bagong rule nang school na pwede nang magpakulay nang buhok ang mga student ganun kasi sa all boy school. Kasi naman starting from now ay magkasama na ang girls at boys so di na tatawagin na all girl school ang school namin. Kakaexcite naman!
Oh nabasa nyo rin siguro kanina na tinawag kong Ms.Mcgrace si ate, hehe siya talaga yung teacher na nagparusa sa akin nun magkaiba kami nang apelyido kasi di naman kami magpinsan sa ama, magpinsan kami sa ina. Hehe, pangasar ko sa kanya yun pag nasa bahay kasi kami ayaw niyang tinatawag siyang Ms.Mcgrace gusto niya tinatawag siyang ate o kaya shaina.
Hehe, grabe galit na galit si ate di niya kasi alam na pinakulayan ko buhok ko kahapon gabi na kasi ako umuwi. Eh natulog na siya nang maaga kaya ayun di niya nakita ang bago kong buhok.
"Hoy sophie malalate na tayo bilisan mo na nga diyan!" Sigaw ni ate na nasa labas na pala siya nang bahay.
"Wag mo nga akong tawaging Ms.Mcgrace pag nasa bahay tayo." Iritang sabi niya.
"Sorry naman ate shaina." Sabi ko, pero kahit ang totoo ine-enjoy ko ang pangbabadtrip sa kanya mamaya kasi ako naman ang mababadtrip kasi teacher ko na siya mamaya.
Eh di pa naman alam nang buong school except kay Karin na pinsan ko si ate shaina kasi ayoko naman na sabihin nila na mataas grade ko dahil pinsan ko si ate shaina.
*******
Ngayon ay nasa school na ako at ang daming estudyante ang nagsisipasukan ngayon. May mga babae at lalake tapos nagkakaguluhan na rin sila sa bulletine board.
Hayy... Na miss ko itong school ko. Hehe, ang highschool department kasi ay ang dating all girl school at ang elem department naman ang naging all boy school kasi mas malaki ang all girl school kaysa sa all boy school.
"Hello karin?" Sabi ko pagkasagot ko nang tawag bigla kasing tumawag si Karin.
("Oh sophie na saan ka na ba? Nandito na ako sa auditorium ngayon at sinave na rin kita nang seat. Magkaklase pa rin tayo.")
"Oh talaga, grabe naman ang big coincedence na yan. Sige pupunta na ako diyan, na saan ka ba?"
("Umm, nasa section 3 ako, letter A, seat number 18")
"Eh bakit sa harapan tayo."
("Kasi tayo ang mga nakakuha nang mataas na marka kaya dapat lang sa harap tayo.")
"Ah sige na nga, pupunta na ako diyan kaya i-end ko na ang tawag." Sabi ko sabay end nang tawag.
Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at pumunta na ako ang auditorium, grabe yung mga tao dito ngayon parang nakakita nang kung ano grabe kasi ang tingin sa akin siguro inggit lang sila sa bago kong hair.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...