Someone *Point of View*
"Princess gumising na po kayo at kailangan nyo pa pong i-take ang entrance exam for transferees ngayon." Sabi ni Manang Kris.
"Sige babangon na ako, nakahanda na ba ang paligo ko?" Tanong ko naman.
"Yes princess at naka handa na rin po ang breakfast in bed nyo." Sabi naman niya.
"Ok, you may leave." I said and went to bathroom.
After 1hr of taking a bath, dahil nagbabad pa ako sa bathtub ay lumabas na din ako nang cr pagkatapos ay kinain ko ang breakfast in bed na inihanda sa akin ni Manang kris.
Today I wear my reddish shirt and black shorts. Then sinuot ko ang boots ko na hanggang tuhod ang haba and went downstairs.
"Si ate bumisita na ba?" Tanong ko kay Manang kris na inaayos ang gamit sa lamesa.
"Hindi pa po." Sagot naman niya.
Hmp, what kind of a sister is she? Ang tagal na niya akong di binibisita ah!
"Ok, nakahanda na ba ang kotse?" Tanong ko naman.
"Naku po! Ganyan po ba ang susuotin nyo sa pagtake nang exam?"
"Why? May problema ba sa suot ko?" Taas kilay na tanong ko.
"Ah wala naman princess." Napayukong sabi naman nito.
"Buti, so ano nakahanda na ba ang kotse?" I calmly ask.
"Opo nakahanda na ang inyong reddish car." Sagot niya pa habang nakayuko pa rin..
"Perfect! Just perfect with my clothes today. Give me the keys."
"Ito na po."
"Nasa kotse na ba ang bag, wallet and phone ko."
"Opo."
"Good!"
Kinuha ko na ang susi na hawak ni Manang Kris parang ayaw pa nga niyang ibigay sa akin yung susi ko, pagkatapos kong makuha ang susi ko ay lumabas na ako at sumakay na nang kotse at pumunta na sa magiging new school after kong maipasa ang isang napaka walang kwentang entrance exam.
Pagdating ko nang school ay pinark ko agad ang kotse ko at pumunta na nang faculty.
"Oh hello, are you the one who will take the exam?" Tanong nung babae na nakaupo sa may desk. Na halata naman na isa siya sa mga teacher sa school na ito.
"Yes ma'am" Sagot ko naman sa kanya.
Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo and I just let her see may beautiful smile.
"Ok, kunin mo na ito." Sabi niya na may medyo pagkataray na boses.
Pagkasabi niya nun ay nilabas na niya ang test ko at sinagutan ko na ito. Hmp, as easy as pie naman itong test nila. Binigay ko na agad ang papel at sinabi ko na tumawag sa bahay for the results of the test.
Nandito nalang din naman ako I should pay a visit at Ariz dorm. I think he will be shock to see me.
*Boys Dorm*
"Na saan sila Ariz?" Tanong ko sa president nang dorm.
"Naku! Nagbakasyon sila ngayon. Kasi vacation namin ngayon eh." Sagot naman nang president nang dorm.
"Kailan ang balik nila?" Tanong ko ulit.
"Next week siguro. One week vacation kasi kaya siguro lulubusin na nila yun." Sagot naman ni President.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...