Napatitig ako sa dagat habang nakaupo sa dalampasigan, pero habang tumatagal iba na ang nakikita ko, barko ng mga pirata. Isinasara ko muna ang mga mata bag ito mawala. Miss na miss ko na sila, pero gusto kong manatili rito sa San Carlo. Naging tahimik ang buhay ko kasama ang mga kaibigan ko. The outside world of San Carlo is very chaotic that I can't try to go out again. But I never regret that I tried once. I met a lot of people, and at the same time, it opens my eyes to reality. I found a treasure that is priceless better than a bar of golds and jewels, and that is learning to love, discovered my true identity, my father and my older brother, having a close bond to my beloved pirates and the whole Barbosa.
"Ireen!" Lumingon ako sa malakas na boses ni Emmanuel. Hawak niya sa isang kamay ang kaniyang anak at sa kabila ay isang sulat. "May sulat ka na naman."
Mabilis akong tumakbo sa kaniyang pwesto at kinuha ang sulat na hawak.
Simula ng umuwi ako rito palagi akong nakakatanggap ng sulat at tanging laman lang naman ay ginuhit na larawan ko. May ideya ako kung sino ang may gawa, pero hindi ako sigurado. Tulad din ito sa nakuha kong sulat noon sa bagong isla ng Barbosa.
Binuksan ko ang sulat at tumambad ang panibagong larawan ko.
"Nababahala na kami ni Celeste dahil di'yan."
"It's okay, I like the drawing."
"Nagtanong ka na ba sa post office tungkol sa sulat na 'yan?"
"Oo, pero ang sabi lang nila ay iniiwan lang daw sa tapat ng kanilang opisina."
"Hindi ka ba nababahala kung sino ang may gawa?"
"I said it's okay, Emmanuel," sabay ngiti sa kanya. "Kung gusto niyang magpakita edi okay pero kung ayaw niya, hindi ko siya pipilitin. May tamang oras naman sa lahat. Pakiramdam ko lalaki ang may gawa nito."
"Paano ka nakakasigurado?"
"Prediction ko lang."
Nilagpasan ko siya at pumasok ng bahay.
"Iniisip mo bang galing 'yan sa Mainland?" Napatigil ako sa sinabi niya. Alam nila lahat ang nangyari sa'kin. At tama siya umaasa ako na galing ito sa kaniya. Gusto kong maniwala na kahit papaano hindi niya ako kinalimutan matapos ko siyang talikuran. Kahit ito lang ang makuha ko, sapat na para maramdaman na mahal niya parin ako. Kahit hindi man kami magkasama, nais kong maramdaman ang presensiya niya sa pamamagitan ng mga larawan na natatanggap ko.
Pumasok na ako sa kwarto at hindi pinansin ang tanong ni Emmanuel. Pagkasara ng pinto naramdaman ako ng panghihina at napasandal nalang. Nilibot ko ang tingin sa dingding ng buo kong kwarto, kung saan nakadikit ang bawat guhit na natatanggap ko.
Sana nga siya talaga ang may gawa, wala man kasiguraduhan pero panghahawakan ko. Minsan na niyang nabanggit na para hindi niya ako makalimutan, palagi niya akong ginuguhit.
NAGKAROON ng maliit na salo-salo rito sa bahay, ilang buwan na ang lumipas matapos akong makauwi pero ngayon lang naisipan ni Celeste na magkaroon ng welcome party. Hindi ako pumayag sa una pero napilit niya ako. Inimbitahan namin ang mga taong naging malapit sa'kin. Napuno ng tawanan at saya ang munting bahay ni Lolo Esteban. Sa dami ng nangyari, pero sa huli heto ako kasama na sila.
"Ireen, alis na kami at baka gabihin pa kami sa daan. Mag-ingat ka, ikaw lang ang mag-isa rito. Maingay pa naman sa bayan ang pagnanakaw ngayon," saad ni Celeste na abala sa pagsuot ng sapatos ng kaniyang anak.
"Ano naman ang mananakaw nila, wala naman akong ginto na pag-aari."
"Wala nga, pero pwede kanilang pag interesan."
"Tingnan lang natin kung saan sila pupulutin," sabay ngiti ng nakakaloko. Gusto kong may pagpraktisan. Ayaw ko namang mangalawang ang natutunan ko bilang pirata.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
