Chapter 31: Heartless King

362 13 0
                                    

HINDI siya gumagalaw ngunit kapansin-pansin ang malalim niyang paghinga, marami siyang sugat na natamo at may iilang bago. Napakuyom ako, kung hindi lang ako nakatali ngayon nais ko siyang lapitan, nais kong gamutin ang mga sugat niya, at nais kong maibsan ang sakit at pagod na nararamdaman niya. Unti-unti kong naramdaman ang mainit na luhang dumaloy pisngi ko, hindi ko kayang makita siyang nahihirapan, at parang tinarak ng punyal ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya na nag-aagaw buhay. Sa ilang taon na naging bato ang damdamin ko pero sa pagkakataong ito, muli kong naramdaman ang damdamin inakala kong hindi na magigising pa.

"Xyron." Mahina kong tawag sa kaniya. Unti-unti siyang gumalaw at dinilat ang mata. Muli kong natitigan ang mala-esmeralda niyang mata, puno ito ng takot ang pag-aalala.

"Bakit ka nandito? Kailangan mong makatakas."

Kahit siya itong nag-aagaw buhay, kaligtasan ko parin ang iniisip niya. "I can't and I won't. Hindi ako aalis hangga't hindi kita kasama."

"Kailangan, pinaplano na niyang bitayin ka pagkarating sa Mainland at hindi ko kayang mawala ka."

"Hayaan mo siya, wala akong pake kung ano man ang gawin niya sa'kin. Ama mo siya pero kinaya niyang gawin ito sayo na parang kinakatay na baboy." Nilibot ko ang tingin sa mga sugat niya sa katawan. Kailangan niyang magamot agad.

"He can't kill me, and look I can still talk to you." Nakangisi niya wika, pero alam kong nagsisinungaling siya. Maraming dugong nawala sa kaniya, kung hindi siya magagamot agad, hindi ko lang alam kung aabot pa siya sa Mainland.

"Paano ka nakakasiguro? Sa ginawa mong pagtatraydor, hindi ka pa ba niya papatayin? You betrayed the King because of me, the Pirate Queen...the enemy. Alam mo ang batas sa oras na kakampi ka sa isang pirata? Ulo mo ang magiging kabayaran." Naiinis na ako sa kaniya ngayon, pangiti- ngiti lang siya habang ako ay kinakabahan sa gagawin ng kaniyang ama.

"Nag-aalala ka ba sa'kin?" Napaawang ang bibig ko sa tanong niya. May panahon pa siyang magbiro, maaaring hindi ako makapagpigil at ako mismo ang papatay sa kaniya.

Masamang titig ang ipinukol ko sa kaniya. "Wala akong panahon para sa mga biro mo. At para sa kaalaman mo, hindi ako nag-aalala sayo," sabay iwas sa mapanuri niyang tingin.

"Magkaiba ang sagot ng iyong bibig sa sinasabi ng iyong mata."

Napatahimik ako at hindi alam kung paano depensahan ang sarili. Hindi ako nakapagsalita na mas lalong ikinalawak ng kaniyang ngiti. Muli ko siyang tiningnan at hindi parin nawawala ang kaniyang ngiti sa labi.

"Sa ganiyang titig ako nahulog sayo na hanggang ngayon nahihipotismo parin ako. Para akong baliw na nais kong titigan panghabangbuhay. Sa asul mong mata para akong nalulunod sa karagatan at hinahayaan na lamunin ako dahil gano'n kita kamahal."

Paano niya nasabi ang lahat ng 'yan kahit nahihirapan na siya sa kaniyang sitwasyon. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero habang lumalabas ang mga salitang 'yon sa kaniyang labi at ang kaniyang esmeraldang mata na nakatitig sa'kin, may isang pakiramdam na muling namumuo. Sa apat na taong dumaan at sa ilang araw na nakasama ko siyang muli, sa pagkakataon na ito, nalulunod naman ako sa titig niya. Tumatambol na naman ang dibdib ko at parang may paro-paro sa aking tiyan dahil sa sinabi niya.

Hindi ito maaari.

Sa marahas na pagbukas ng pinto ang naputol ang aming tingin sa isa't-isa. Pumasok ang isang kawal at sinundan ng Hari. Nakangiti ito ng malademonyo, habang nakatitig sa aming dalawa.

"Tama lang ba ang ibinigay kong minuto sa inyo para mag-usap? Dapat sinulit niyo dahil wala ng ikalawang pagkakataon, 'yon na ang huli." Lumapit siya kay Xyron at pinisil ang sugat nito sa braso kaya napadaing ito sa sakit. "Dapat nasabi mo na ang lahat sa kaniya dahil hindi mo na siya makikitang muli, anak." Nabalot ng galit ang mukha ni Xyron na parang kaya niyang patayin ang sariling ama.

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon