TANGHALI na ako nagising ngunit agad kong napansin na hindi gumagalaw ang barko. Napabalikwas ako sa aking kama at dali-daling lumabas sa cabin. Nakadaong kami sa isang maingay at magulong isla. Ito ba ang Barbosa? Maraming tao sa daungan lalo na ang nagkukumpulang mga kababaihan na halos lumuwa na ang mga dibdib, at naliligo sa palamuti. Mula sa kinatatayuan ko ay rinig na rinig ang mapang-akit nilang tawa at hagikgikan.
"Ahoy! Magandang umaga, Miss." Napalingon ako sa bumati sa'kin at walang iba kundi si Eglin.
"Nasa Barbosa na tayo?" Umiling naman siya, akala ko narating na namin ang Barbosa.
"Anong isla ito? Bakit tayo dumaong?"
"Ito ang Gabola, isa sa mga islang tanggap ang mga pirata. Pero doble ingat dahil hindi lahat ng pirata na nandito ay sakop ng Pirate King. Nagkakaubusan na ng pagkain kaya napilitan si Captain na dumaong dito."
"Bakit hindi lahat ng pirata ay kakampi niyo?"
Nilagok muna niya ang kaniyang kape bago sinagot ang tanong ko. "May mga piratang hindi gusto na pamunuan sila ng Pirate King. Ayaw nilang inuutusan sila, at sakim sila sa kayamanan at kapangyarihan. "
"Bakit kayo hindi?"
Tumawa siya ng malakas. "Mas malala sila. Nais nilang kunin at agawin ang trono ng Pirate King, nagrerebelyon sila laban sa kaniya. Pinagbubuntungan nila ng galit ay ang mga mamamayan ng iba't-ibang isla at ang sisi ay napupunta sa Pirate King."
"Ibig sabihin hindi lahat ng mga balitang pag-atake ay kasalanan niyo?"
"Tumpak!"
Mas lalo ko ng naiintindihan ang mga pirata at naiintindihan ang kanilang prinsipyo. "Maaari ba akong bumaba at magliwaliw?" tanong ko habang nakangiti.
"Delikado, alam nila ang tungkol sayo. Maaari kanilang kunin at ibenta sa Mainland kung sakali o humingi ng ransom sa'min. Ayaw naming humantong sa gano'n kaya mas mabuting dumito ka muna at huwag ng sumama pa."
Bagsak ang balikat kong bumalik sa aking silid at hindi na nagpumilit pa. Bakit ang raming gustong makakuha sa'kin? Hindi ko mahagilap si Xyron at ilang crew, malamang nagsimula na silang nagpakalasing o 'di kaya'y pumili na ng mga babaeng nasa ibaba. At ako naman iniwan nila rito na nababagot dahil walang magawa.
Pagsapit ng tanghali ay napatalon ako sa kama nang marinig ang isang katok. Pagbukas ko ay mukha ni Xyron ang sumalubong sa'kin.
"Bakit?" taas kilay kong tanong.
"Kaya mo na pala akong taasan ng kilay. Sige hindi nalang kita ipapasyal sa isla."
Umaksyong tatalikod na sana siya pero agad kong hinila ang kaniyang braso dahil sa huli niyang sinabi. "Totoo bang ipapasyal mo ako?"
"Oo ngunit..."
"Hoy, wala ng bawian. Biro lang iyong pagtaas ng kilay ko, practice lang 'yon," depensa ko. Inayos ko ang suot na coat at hihilahin na sana siya paalis nang bigla niya akong hinila pabalik.
"Bakit na naman?"
"Mukha ka ngang pirata pero babae. Naipaliwanag naman sayo ni Eglin diba?" Tumango ako. "Pwes bibigyan kita ng limang minuto para magmumukha kang lalake." Iniwan niya akong nakanganga.
Aish!
Tinirintas ko ang aking buhok at nilagyan ng damit ang ilalim na suot para magmukhang malaki ang katawan, pero katawan ko lang ang nagbago. Ano pa ba ang pwede kong gawin? Napangiti ako ng ilang segundo nang may maalala.
Lumabas ako at nakita si Xyron na nakasandal sa gilid ng poste. "Saglit lang may kukunin lang ako."
Bumaba ako sa lower deck at hinanap si Roman. "Roman!" Napangiti ako nang makita siyang abala sa pag-aayos ng gamit.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
