TANGING ako lamang ang inalagaan ni Lolo at wala ng iba. Napakagat labi ako at pilit na hindi ipakita ang takot na namumuo. Ano ang kailangan nila sa'kin? Wala naman akong ginawang masama, at lalong wala akong kilala na tao sa labas ng isla.
"Paano niyo siya makikilala kong hindi niyo pa nakikita ang kaniyang pagmumukha?" tanong ko, maaaring nagkamali lang sila.
"Simple lang, ang tanging babae na may asul na mata tulad ng karagatan, tulad ng mata mo."
Napakuyom ako at napakagat labi, ako ang kanilang sadya. Pinaliwanag ni Lolo Esteban noon na espesyal ako dahil sa ganda ng kulay ng aking mata. "Nais kong malaman ano ang kailangan niyo sa'kin?"
"Sumama ka sa'min at masasagot ang lahat ng tanong mo."
"Ayaw kong sumama sa inyo!" sigaw ko. Anong akala nila sa'kin tanga?
"Wala kang magagawa, sasama ka sa'min sa ayaw o sa gusto mo."
"Kahit anong gawin niyo, hindi ako magdadalawang isip na lumaban." Hinila ko ang punyal sa mesa at tinutok sa kaniya. Pareho na kaming nakatayo sa isa't-isa at nakikiramdam kung ano ang susunod na mangyayari. "Huwag kang magtangkang lumapit dahil hindi ako magdadalawang-isip na isaksak ang punyal na ito sa'yo."
"Kaya mo ba?" Tumaas ang gilid ng kaniyang labi.
"Babae ako ngunit kaya kong makipaglaban sa mga taong tulad mo."
"Nais kitang dalhin na hindi ka man lang nasusugatan Ireen Maria Precilla."
"Paano mo nalaman ang buo kong pangalan?"
"Malalaman mo kapag sasama ka sa'min."
"Hindi ko na kailangan ng sagot, wala naman akong pake."
Umaksyon siyang lalapit kaya agad kong iwinasiwas ang punyal. "Sabi kong huwag kang lalapit!"
"Ireen!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, sigurado akong kay Emmanuel 'yon.
"Emannuel!"
Sa isang iglap ay hindi ko namalayan na nakalapit na ang lalake sa'kin at pasimple lang na hinila ang dala kong punyal at kinarga ako na parang sako.
"Ibaba mo ako!" Pinagsusuntok ko siya sa likod ngunit parang wala itong epekto. "Bitawan mo ako!" Sinabunutan ko ang kaniyang buhok kaya nahulog ako sa lupa.
Napaimpit ako sa pagkakabagsak, at nadala niya talaga ako papalabas. Nilibot ko ang tingin at nakitang pinapalibutan na nila ako ngayon. Dumapo ang tingin ko kay Emmanuel na hawak ng dalawang armado.
"Bitawan niyo siya!" Tumakbo ako kay Emmanuel pero humarang ang dalawang armado, hindi naman nakatakas sa mata ko ang mga natamo niyang mga sugat na mas lalo kong ikinainis.
"Bitawan niyo ang kaibigan ko!" Pilit kong mkalapit kay Emmanuel ngunit pasimple lang nila akong tinutulak palayo. Hindi ko na napigilan mapasalampak sa lupa at umiyak. Hindi ko na kayang maging matapang, pagod na ako. Kung hindi ako lalaban mga kaibigan ko ang susunod na mawawala. Napatigil ako nang may dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan ko at walang iba kunndi ang misteryosong lalaking kausap ko kanina.
Tinayo niya ako ng walang kahirap-hirap, pilit kong makawala sa mahigpit niyang pagkakahawak. "Papakawalan ko siya, pero sa isang kondisyon, sasama ka sa'min."
Natigilan ako at napatitig muli sa esmeralda niyang mata. Kung sasama ako, magiging ligtas ang buong isla, walang masasaktan at mabubuhay ang mga kaibigan ko.
"Ireen, huwag kang makinig sa kaniya. Huwang kang sumama, at huwag mo kaming iwan ni Celeste."
"Tumahimik ka!" Umalingaw-ngaw ang boses niya sa buong kagubatan. Muli niyang ibinalik ang tingin sa'kin at ngayon galit na galit na. "Nawawalan na ako ng pasensiya sa iyo Ireen at sa kaibigan mo."
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomansaPirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
