Hindi maalis sa isipan ko ang napag-usapan namin kanina ni Captain Cordell. Halatang wala siyang tiwala sa mga piratang pinamumunuan niya. Naalala ko ang huling sinambit ni Emmanuel bago ako nakaalis sa San Carlo
"...dakila silang mapagkunwari."
Pero siya ang Pirate King, malaki ang tiwala ng lahat sa kaniya gayundin dapat ang nararadaman niya sa kanila. Kung dakilang mapagkunwari ang mga pirata, ibig sabihin ay wala akong mapagkakatiwalaan kahit isa sa kanila?
"Thinking again?" Napatalon ako sa gulat nang bumulong si Xyron sa tenga ko. Hindi ko man lang napansin ang pagdating niya.
"Para ka talagang kabute, pasulpot-sulpot kung saan!" Inismaran ko siya at muling tinanaw ang dagat. Naramdaman ko naman ang pag-upo niya sa tabi ko sa buhanginan. Palubog na ang araw, at mas magandang pagmasdan dagat sa ganitong oras.
"Xyron, can I trust you?" Gusto kong makasigurado, hindi yata lahat ng pirata mapagkunwari.
"Nagtanong ka rin sa'kin kahapon ng ganyan."
"Just answer my question," malamig kong wika.
"Ireen, you can't ask someone if you can trust them, it depends on you. Ang tiwala ay nagsisimula 'yan sayo. Lahat naman kasi ng tao kung tatanungin malamang 'Oo' agad ang sagot. You don't need to ask, makikita mo naman 'yan sa mga kilos nila. But it's your loss if your trust a wrong one."
"Ang rami mo alam. Nagtiwala ka ba noon at nilinlang ka lang?"
Mabilis siyang umiwas at tumingin sa kabilang direksyon. Naalala ko ang una naming pagkikita, halos gusto ko siyang patayin gamit lang ang punyal na hawak ko. Akala ko hindi ko siya makakausap ng matino ngunit ngayon ilang pagkakataon na nagkakaroon kami ng maayos na usapan.
"Ilang taon ka na bilang pirata?" Mas mabuting ibahin ko ang usapan. Napakasungit pa naman nito.
"Three years."
Napatayo ako sa gulat. "Tatlong taon pero ang taas na ng katungkulan mo? Ang bilis naman"
"Anong akala mo sa'kin hindi magaling?" Napaawang ang bibig ko nang makita ang kaniyang pag-irap.
"Takte, babagyo yata dahil sa kayabangan mo! Pero seryoso, ang bago mo palang."
"Iyan din ang sinabi ng iba, napakakwestiyonable para sa kanila ang nakuha kong posisyon. Kasalanan ko bang ito ang ibinigay ni Captain Cordell sa'kin."
"May punto ka naman. Sa Barbosa ka ba lumaki?"
"Hindi sa Mainland."
"Kaya pala." Ang sungit niya kasi at ang sama pa ng ugali, galing pala sa Mainland.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot niyang tanong.
"Wala naman." Pilit kong hindi matawa sa mukha niya ngayon na anumang oras ay sasabog na sa pagkairita.
"Hoy, kayong dalawa, hindi pa ba kayo papasok sa loob?" Sabay kaming napalingon ni Xyron sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo sa veranda ng bahay si Captain Cordell.
Sa kalagitnaan ng gabi ay gising parin ang diwa ko, kahit anong pwesto ko ay hindi ako dinadalaw ng antok. Naubos ko na nga ang isang basong tubig sa side table. I tried to closed my eyes but it's useless. Lumabas nalang ako ng kwarto at nagtungo sa kusina ngunit hindi ko inaasahan na maabutan si Captain Cordell na nakaupo habang may binabasang mga papeles.
"Hindi ka makatulog?" tanong niya habang nasa papel parin ang tingin.
Umupo ako sa bakanteng upuan. "Opo."
"Gusto mo ng gatas?"
"Hindi na ako bata para uminom pa ng gatas," natatawa kong giit.
"Hindi naman, ang Mama mo nga noon ay palaging nagpapatimpla sa'kin ng gatas kapag hindi siya makatulog." Binaba niya ang papel at tumayo. Hindi na ako nakaangal nang magtimpla siya ng gatas at nilapag sa harap ko.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
