NGUMITI ako ng napakalapad sabay sigaw. "Fire!" Sunod-sunod na kanyon ang natanggap ng barko nila. Nakakapagtaka na hindi man lang sila kumilos. Nanatiling nakatayo si Xyron habang nakatitig sa'kin. I'm once blinded by that green orbs and today I didn't even hypnotize to its beauty, not anymore.
Walang tigil ang pagtira namin sa kanila. Muntik na nga siyang masabugan, at hindi man lang napaatras sa kaniyang kinatatayuan. Anong ginagawa niya? Hindi ba siya lalaban? Pinaglalaruan yata ako ng lalakeng 'to. Kung inaakala niyang maawa ako sa kaniya, never!
Tanging pinatatamaan lang nila na barko ay ang kay Captain Gustavo. Para yatang nilalait niya ang kakayahan ko! "Fight me Xyron! Fight me!" Kahit sinigawan ko siya hindi parin siya kumikilos at nanatili paring seryoso ang mukha habang nakatitig sa'kin.
"Captain." Lahat ng crew ang nakatitig sa'kin, mababakas sa kanilang mukha ang pagdadalawang-isip kung patuloy nilang pupuntiryahin ang barko ni Xyron. Ramdam ko ang takot nila sa'kin dahil hindi na makatingin ngdiretso sa mata ko. I'm known as the Ruthless Queen of the Seven Seas, lahat ng nakakalaban ko walang naiiwang buhay.
Alam kong napapasukan na ng tubig ang barko nila, at malamang kung patuloy namin silang patatamaan wala lang isang oras lubog na ang kanilang barko. I'm the Queen now, and I don't know the word mercy.
"Continue," malamig kong utos sa kanila.
"Cap..."
Alam kong gusto rin nila itong mapabagsak pero dahil sa nararamdaman nilang galit ko, alam nilang dapat na akong pigilan dahil wala akong kinikilala sa ganitong sitwasyon. Muntik ko ngang mapatay kahit sarili kong kasamahan dati.
"Do what I say! Remember he's a traitor and the one who killed the Pirate King." Wala na silang nagawa at sinunod ako. Pirates and the Mainland will never be one, forever.
Ilang tira lang unti-unting lumulubog ang kanilang barko, nagsitalunan na nga ang mga sundalo sa tubig. Napansin ko naman na naibagsak narin ni Captain Gustavo ang dalawang barko at nakuha na ang mga dalagita.
A very wonderful sight, seeing him sinking because of me. Napatitig ako kay Xyron na kasali na sa kaniyang kasamang tumalon sa tubig. Hindi na kaya pa ng barko at lubusan na itong nababalot ng sunog.
"Shoot them." Nilapabas ko ang pistol at tinutok kay Xyron. Sa tagal ng pagsasanay na ginawa ko kahit kaliit-liitang mapapatumba ko. Hindi siya lumaban ng patas, hindi man lang ako nag enjoy. Pinaglalaruan niya lang ako na mas lalo kong ikinaiinis, gusto kong lumaban siya hanggang magkamatayan. Gusto kong isa lang sa'min ang tatayong buhay. Gusto kong magmakaawa siya sa harapan ko at lumuhod.
"Are you really sure?" Napalingon ako sa sinabi ni Roman, dapat nasa lower deck siya ngayon ngunit nagtungo talaga siya sa pwesto ko para tanungin ang bagay na 'yan.
"Yes."
"Sa tingin mo ito ang tamang oras para wakasan ang buhay niya? You can't satisfy savoring his death by killing him right now. Halatang hindi ka kontento sa ginawa mo ngayon sa kaniya." Napatitig ako sa mata niya at bumalik kay Xyron na natingala sa'kin. Mahigpit ang hawak ko sa pistol, walang salitang awa ang nararamdaman ko ngayon kundi galit. Pero tama naman si Roman, mauuhaw parin ako sa hustisya kung papatayin ko siya agad.
Imbes na patayin siya ay binaril ko siya sa balikat, at least nasugatan ko ang trayador na 'yan. Indikasyon na kaya ko siyang sugatan at patayin na walang bahid na lungkot at pangungulila o pagmamahal man lamang.
Ibinaba ko ang pistol na ikinataka ni Xyron. Nagkatitigan kaming dalawa, pinapakiramdaman ang isa't-isa. We both change and he's my enemy now not an ally. Ako na ang pumutol sa titig naming dalawa at tumalikod sa kaniya palayo. Ngunit nakakaisang hakbang palang ako nang marinig siyang nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
