Chapter 9: Our Obligation

472 22 0
                                    

NAKAHINGA ako ng maluwag nang makabalik kami na ligtas sa Argon. Agad naman kaming sinalubong ni Kinston. "Nasaan siya?"

"Nasa kaniyang silid at nagpapahinga, kakatapos lang niyang gamutin."

"Gano'n ba, mabuti naman."

Napalingon ako sa aking mga kasama at mapapansin na agad nilang itinaas ang angkla para makaalis na agad.

"Ano mang oras ay darating na ang mga kalaban, narinig kong nakatakas si Heneral Lorenzon at ang iba niyang kasama." komento niya.

"Hahabulin parin ba nila tayo?"

"Oo, hindi sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang nais nila." Tuluyan na siyang umalis at nagtungo sa lower deck. Naramdaman ko na papalayo na kami sa isla, lumingon ako roon at napag-alaman na tao nga talaga ang nakatarak sa pole. Nadaanan kasi namin kanina habang paalis sa isla.

Nadaanan ako ni Jael na may hawak na maliit na palanggana na naglalaman ng tubig at may nakasabit na bimpo. "Saan mo 'yan dadalhin?"

Napatigil naman ito at hinarap ako. "Kay Captain, nilalagnat kasi siya kaya inutusan ako ni Roman na lagyan ang noo nito ng basang bimpo."

"Maaari ba akong sumama."

"Oo naman." Naglakad kami patungo sa cabin ni Xyron ngunit ilang hakbang nalang nang may tumawag kay Jael.

"Jael!"

"Maaari po bang ikaw nalang ang maglagay ng bimpo kay Captain?"

"Sige."

Nang siya ay makaalis lumapit na ako sa pinto ng cabin. Kumatok ako ng tatlong beses ngunit wala namang sumagot. Wala akong nagawa kundi ang pumasok na walang pahintulot. Naalala ko ang una kong pagpasok sa kaniyang silid, isa 'yon sa pinakamasakit na ginawa ni Xyron ngunit heto parin ako, buhay at tinutulungan siyang gumaling. Dumapo ang tingin ko sa higaan kung saan siya nakaratay, balot na balot ang katawan niya ng kumot habang nanginginig. Binaba ko ang planggana sa malapit na mesa at nilapitan. Hinawakan ko ang kaniyang noo at napakainit nito.

"Ang taas ng lagnat mo." Dali-dali akong inabot ang planggana at binasa ang bimpo. Matapos kong mapiga nilagay ko ito sa kaniyang noo. Napansin ko na hindi niya ginalaw ang sopas at tableta ng gamot sa isang tray.

"Hindi ka pa kumakain." Nakapikit parin siya at halata namang gising.

"Busog pa ako," mahina niyang wika.

"Hindi ka gagaling kapag hindi ka kakain." Kinuha ko ang tray at nilagay sa hita ko, kumuha ako ng konting sabaw gamit ang kutsara at iniharap sa kaniyang bibig.

"I'm full, just leave." Napabuntong hininga ako sa tigas ng ulo niya. Bakit kahit may sakit wala paring kapuso-puso ang kapitan na ito?

"Full ang mukha mo, halos dalawang araw kang nasa kamay ng kalaban. Kung hindi kakain hindi ka gagaling." Pananakot ko ngunit wala paring epekto, nakapikit parin ang walangya. "Ang tigas talaga ng bungo mo. Kung hindi ka gagaling malamang si Zion o isa sa mga kapitan ang hahawak pansamantala sa barko mo." Nang marinig niya ang sinambit ko ay walang pagdadalawang-isip siyang napagising at humarap sa'kin.

"Ako lang ang kapitan at wala ng iba."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung gano'n kumain ka." Muli kong nilapit ang kutsarang may lamang sopas at agad naman niyang ibinuka ang kaniyang bibig.

"Very good."

"Just shut-up and feed me."

Siya na nga ang pinapakain, galit pa. Nang matapos siyang kumain ay pinainom ko agad ng gamot. Niligpit ko na ang lahat at inayos ang kaniyang kumot bago umalis ngunit ang ikinagulat ko ang huli niyang sinambit bago ako makalabas.

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon