HABANG abala ako sa pagtingin sa labas ng bintana biglang bumukas ang pinto. Kagabi pa kami walang imikan matapos ang pagtatalong 'yon, wala yatang panahon na hindi kami magkasama na hindi nagbabangayan. Pataasan nalang kami ng pride. Pero buong gabi ay napatanong ako kung ano ang dahilan ng Mainland na kunin ako noon? Nais ko mang magtanong pero may bagay na pumipigil sa'kin.
Kung makakatakas ako rito, wala namang problema sa'kin na maglayag gamit lang ang maliit na bangka, pwede na lumangoy kung mawawalan na ako ng panahon. Sa dami ba naman ng pagsubok na ibinigay ng Council sa'kin bago ako naging opisyal na reyna ng mga pirata, sisiw lang sa'kin ang lahat.
Napalingon ako sa kaniya na may kinakalkal sa kabinet. May nilabas siyang ilang damit at nilapag sa kama. Isinabit niya ang towel sa kaniyang balikat sabay pasok sa CR. Sa paglipas ng ilang minuto na nakatulala lang ako sa kawalan, biglang bumukas ang pinto ng CR at napanganga nang makita siyang lumabas. Tanging towel lang sa nagtatakip sa ibabang parte ng kaniyang katawan. Shemay! Hindi pa ako kumakain ng agahan may pandesal ng nakahain. Nakangisi siyang tumingin sa'kin kaya mabilis akong umiwas pero pasimple ko siyang sinilip. Mas lalong gumanda ang katawan niya kaysa sa dati.
"Nagustuhan mo yata ang nakikita mo, wala ka man lang balak tumalikod para makabihis na ako." Napamulahan ako sa sinabi niya, walangyang lalakeng 'to. Sino ba ang may kasalanan? Ibandara ba naman ang katawan niya, babae parin ako natutukso rin, kainis.
"As if namang magpagnanasaan ko ang katawan mo, ang rami kong nakitang katawan na mas maganda pa kaysa sa meron ka."
Napatigil siya sa pagdampot ng damit na nasa kama at masama akong pinukulan ng tingin. "Nawala lang ako sa paningin mo, marami na agad umaaligid sayo..." May ibinulong pa siya ngunit hindi ko marinig.
"Anong binubulong mo?"
"Wala...," muli siyang bumulong kaya agad kong tinapon sa kaniya ang boots na suot ko sa kanang paa.
"Bakit bulong ka ng bulong? At magdamit ka nga, may babae rito at naaalibadbaran ako katawan mo."
"Hindi pinagnanasaan? Nakita ko ngang napalunok ko." Napairap nalang ako at dali-daling kinuha ang unan sa kama para itapon sa kaniya pero ang gunggong ang bilis nakapasok sa CR.
Napapansin kong parang hindi si Xyron ang kaharap ko. Iba ang galaw niya ngayon kaysa dati, mas nagiging madaldal siya at nagpapakita ng emosyon.
Paglabas niyang muli ay inabutan niya ako ng damit na ikinataka ko. Pagtingin ko ay isang simpleng puting dress.
"Papalayain kita saglit." Grabe makapagsabi ng palayain ako saglit, siya ang pinakawalang modong kidnapper. Kahit labag man sa loob ko, naligo at nagbihis nalang ako. Malagkit na kasi ang pakiramdam ko sa suot na damit.
Binalikan niya ako pero bago niya binuksan ang pinto para makalabas pinosasan niya muna ang isa kong kamay at kinabit sa kaniya, "Naninigurado ka talaga?"
"Kilala kita Ireen, napakagulo ng utak mo at maraming naiisip na kabaliwan lalo na ang pagtakas." Napasimangot ako sa lawak ng kaniyang ngiti sa mukha at ipinakita pa sa'kin ang susi ng posas. "Hangga't pareho tayong nakaposas sa isa't-isa wala kang takas sa paningin ko."
Kaya kong tanggalin ang posas na ginamit niya at tumakas, pero maaaring makakuha ako ng impormasyom kung manatili ng ilang araw para may magamit ako upang pabagsakin ang Mainland. Hawak niya ang kapatid ko, at malamang marami na silang plano na hindi nakalap ni Eight, kailangan kong malaman ang lahat ng 'yon.
Sinalubong kami at binati ng ilan niyang sundalo na abala sa paglilinis at pagbabantay. Kung noon maingay at mabaho na pirata ang kasama niya ngayon mga sundalo na ng Mainland. Ibang-iba na ang mukha niya ngayon sa kilala kong kapitan ng barkong Argon na kinikilalang 'Beast of the Seven Seas'. Halatang gawa ang barko sa mamahaling kahoy at bakal, may disenyo pa at pintura. Ngunit mas nanaisin kong nasa piratang barko kaysa rito. Masyadong kakaiba at nakakapanibago. Walang kantahan at asaran, parang lahat nangingiramdam.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
