PAGKASIKAT ng araw naramdaman ko na ang kaba, nagsimula na akong mag-aalala sa kahihinatnan nitong lahat. Sa oras na matuloy ang pagbitay maaaring mapasakamay na ng Mainland ang buong pirate world. Pero bago pa man 'yan mangyari, dadanak muna ang dugo, isang malaking digmaan na magiging makasaysayan.
Hindi pa gumigising si Eight, binantayan niya ako buong gabi. Sa aming dalawa siya ang labis pinagkaitan sa tunay niyang pagkatao, alam kong ginawa lang 'yon ni Papa para protektahan siya. Ngunit siya ang panganay, ang nararapat na ilukluk sa pwestong meron ako ngayon. Sa pagdating ko hindi siya umangal at nanatiling nakakubli sa dilim, at lilitaw sa oras ng kapahamakan. Hindi siya kilala ng buong Barbosa, at kilala bilang isa sa Pieces of Eight. Pagsinabing Pieces of Eight, nagkakahulugan ito na pirata, pero ito rin ang tawag sa grupo nila. Mga pirating hindi ka nakakasigurado kung kaanib o hindi, at tinatawag na mga rebelde. Dahil nga sa koneksyon niya, naging madali sa'kin na makipag-alyansa sa mga ito.
Iginalaw ko ang aking katawan gamit ang naiwang lakas na meron ako, gumapang ako sa pagitan naming rehas at inabot ang maamo niyang mukha. Kapansin-pansin na mas kamukha sila ni Mama. Nakakalungkot lang isipan na pinagkaitan siyang magsalita. Kung bibigyan pa ako ng isang pagkakataon nais kong bigyan siya ng karapatan, nais kong mabuhay pa siya at maranasan ang pagiging isang Cordell.
Tinitigan ko ang singsing na ibinigay ni Papa sa'kin, isang palatandaan na ako ang pinuno ng mga pirata. Hindi ito nababagay sa daliri ko, walang pagdadalawang-isip na tinanggal ko ito at sinuot sa kaniyang palasinsingan. Kasyang-kasya ito sa kaniyang daliri.
"I, the Pirate Queen Ireen Maria Precilla Cordell, announcing to pass the throne to Elizur Aquilla Cordell to be the next Pirate King of the Pirate World," mahina kong bulong kahit hirap na hirap banggitin ang bawat salita. Gagawin ko ang lahat para makaligtas siya upang mapasakanya ang pwestong nararapat na maangkin niya.
DUMATING ang araw ng aming pagbitay, bumukas ang pinto at inaakala kong mga kawal ito, pero di ko inaasahan na makita siya kasama, at nasa likuran niya si Heneral Lorenzo na abot sa mata ang ngiti.
Dumapo ang kaniyang tingin sa magkahawak na kamay namin ni Eight.
"Everything that happened in Barbosa are all lie. I don't love you, lahat ay palabas lamang para mahuli ka." Hindi ko naiwasang mapangisi sa sinabi niya, sa ikalawang pagkakataon muli akong nahulog sa bitag. Pero habang nakatitig ako sa kaniyang mata magkaiba ang sinasambit nito. Alin ang paniniwalaan ko, ang sinasabi ng kaniyang bibig o sinasabi ng kaniyang mata?
"Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang pagbitay, ihanda mo na ang iyong sarili at sa lalakeng 'yan."
Nang tuluyan na silang umalis ay hindi ko napansin ang paggising ni Eight. Nakatitig ito sa pinto kung saan lumabas si Xyron. Nagsulat siya sa sahig gamit ang dugo sa aking braso.
LIE
Pagsapit ng nakatakdang oras ay dumating ang apat na kawal at inilabas kami sa selda. Nilagyan ng sako ang ulo namin. Habol-habol ko ag aking hininga sa kaba. Kaya ko bang mamatay na hindi man lang lumalaban? Isa akong Cordell at mamamatay lamang sa Mainland? Mapapahiya ko ang buong angkan ng pamilya.
Napatigil ako nang marinig ang malakas na sigawan, may malakas na kantahan at tambol pa akong naririnig. Ganito pala kasaya ang buong Mainland sa oras na may mangyayaring pagbitay. Mas lalong lumakas ang ingay hanggang maramdaman kong nasa labas na kami. Tinanggal ang sako ko sa ulo at napatitig sa buong mamamayan ng Mainland. Ang maingay nilang boses ay napalitan ng katahimikan habang nakatitig sa'kin. Silang lahat ay natigilan gayundin ako. Hindi ko inaakalang ganito sila kadami at kapansin-pansin ang magara nilang kasuotan. Unti-unti silang nagbulungan, napalingon ako sa gawi kung saan naka-upo ang Hari kasama ang ibang opisyal at si Xyron. Nakangisi ang Hari at sabay taas ng hawak niyang kopita sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...