MALALIM akong bumuntong hininga habang nakatitig sa buong isla. Everything turned into a dark dust. May mga bangkay na nakalutang at makikita sa daan. Sila ang mga taong hindi naging mapalad na makaligtas, at hindi naabutan ng mga pirata para dalhin sa ligtas na lugar. Biglaan ang nangyari, kahit handa sa lahat ng atake ang Barbosa hindi naman masisigurado na magiging ligtas ang bawat isa, lalo na't may sibilyan din.
Paano kami makakabangon? Wala na lahat ng pinaghirapan ng aming angkan sa ilang henerasyon. Wala na ang maingay na bayan, wala na ang nagagandahang mga kabahayan at imprastraktura. Kailan man ay hindi na mabubuo pa ang Barbosa na minsan ko ng naging tahanan.
Napakuyom ako sa aking palad, sa isang gabi lang nawala na ang lahat. Isang pag-atake lang naging ganito na ang kahihinatnan. Madaling nagtiwala ang ama ko at naging ganito ang kahihinatnan. Kung sino pa ang pinagkakatiwalaan niya ng lubos sila pa ang kaya siyang saksakin patalikod.
Pinulot ko ang isang manika na kalahati nalang ng katawan ng naiwan. Ang maliit ba na piraso ay kayang makabuo ng bago? Ang nakaligtas ba ay makakabangon ulit?
"Sorry Papa, ngunit hindi ko gagayahin ang ginawa niyo noon. Naging bukas kayo sa iba na hindi niyo napansin na tinatraydor ka na pala. Ang tiwala ang napabagsak sa Barbosa pero sisiguraduhin ko hindi na ito mauulit pa."
Pagtalikod ko ay sinalubong ako ni Eight na nakayuko. "Tama lang ang dating mo, may bago akong iuutos sayo." Tumingala siya at sa unang pagkakataon nakita ko ang demonyo niyang ngiti. Alam kong nangagalaiti siya sa galit, at uhaw na uhaw siya sa dugo. Hindi pa nga siya nakontento kay Alia at pinatay ang naiwang mga kalaban na nahulog sa tubig. Ni isa wala siyang binuhay.
Naging abala kami sa pangongolekta ng mga gamit na pwede panggamitin. Tumulong narin ang mamamayan, alam nilang magsisimula kami sa wala.
"Queen."
Napalingon ako at nakita ang lahat ng pirata na nakayuko sa aking harapan. Iilan lang sila ang nakatayo dahil ang iba ay malubha ang kalagayan.
The way they look at me is someone worthy to be a Queen. Someone can lead them despite this situation. But I'm not happy, the way we take them down one by one until they flee on their own. And until he left me dumbfounded and his last smirk that means everything. That how this world works, cruelty and power. To protect my people, I need to be like them and avenge my father.
"We can't stay here," I announced.
Ilang henerasyon na silang nakatira rito ngunit gustuhin man naming manatili ay mas malaki ang tiyansang babalik ang mga sundalo ng Mainland. Natunton na nila ang Barbosa at hindi na ito magiging tahimik kapag mananatili rito. Walang nagsalita at walang nagtangkang komontra. Alam kong naiintindihan nila ang sitwasyon namin, kailangan gumawa ng pagbabago para manatiling nakatayo ang buong grupo.
"Saan naman tayo pupunta?" Napalingon ako kay Azman.
"Maghahanap ako. Alam kong mahirap iwan ang islang ito, ngunit wala na tayong ibang paraan. Kung aatake sila sa ikalawang pagkakataon ay hindi na natin kakayanin. Kailangan nating humanap ng bagong isla na malayo at mahirap hagilapin."
Nagkatitigan muna silang lahat, wala ang Council para tulungan ako sa desisyong ito. Napag-alaman ko lang kay Azman na kasama sila sa iniligtas sa panahon ng bakbakan. Kung nandito naman sila malamang ay hindi sila aangal. They are smart though, wala sila sa kanilang posisyon kung hindi sila matatalino at nababagay sa kanilang kinauupuan. Pero hindi ko nagustuhan ang pag-iwan nila sa mamamayan at isinalba ang sarili. Hindi pa nga nila alam na patay na ang Pirate King at walang pagdadalawang-isip na ipinasa sa'kin ang trono.
"Ikaw ang Pirate Queen at naniniwala kami sa'yo."
Tumango ako at mabuti naman at sumang-ayon sila.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
Roman d'amourPirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...