SA aking pag gising mukha agad ni Stefan ang sumalubong sa'kin, ang lawak ng kaniyang ngiti sabay sigaw. "Gising na siya!" Napatakip nalang ako ng tenga sa nakakarindi niyang boses. Pumasok ang manggagamot at pinaalis muna si Stefan. Hindi ko inakalang buhay pa ako ngayon, hindi nagtagumpay ang Hari na patayin ako.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"
"Masakit lang ang ulo at sa dibdib."
"Ok, that's normal, bibigyan ka namin ng gamot para maibsan ang sakit."
"Ilang araw akong tulog?"
"Mahigit dalawang linggo." Napailing nalang ako, ang haba ng pahinga ko.
SIMULA ng magising ako naging maingay ang buong kwarto. Palagi akong kinukulit at parang sila ang magulang ko na todo alaga ang panenermon sa ginawa ko.
"Saan siya?" Napatigil sila sa kanilang tawanan at napatitig sa'kin. Alam kong kilala nila ang taong tinutukoy ko. Isang linggo na, ngunit wala akong narinig ni isa sa crew na binanggit ang tungkol kay Xyron. Naghihintay akong banggitin nila siya pero wala. Isang linggo na akong nagpapagaling matapos akong magising, ni anino ng lalakeng 'yon hindi man lang nagparamdam.
Lumapit si Roman sa aking gilid at umupo. "Naging abala siya sa pag-aayos sa nangyari. Nagkakagulo pa ngayon sa labas kaya't kahit nais man naming umalis tayo agad dito sa Mainland ay hindi pa pwede. Kailangan lubusan ka ng gumaling."
"Kahit isang beses lang ay hindi niya ako binisita?" Yumuko silang lahat at mahinang tumango.
"Intindihin mo muna ang sitwasyon niya, alam mo namang siya mismo ang kumitil ng buhay ng kaniyang ama." Alam kong hindi madali pero...
"Magpahinga ka muna, at kami ay lalabas para magiging mahimbing ang iyong tulog." Nagsialisan silang lahat maliban kay Eight na walang emosyong nakaupo sa mahabang sofa. Masaya akong nakitang unti-unting bumabalik ang kaniyang kalusugan. Sinabihan ko narin si Roman na doblehin ang pagpapakain kay Eight para mabalik ang kaniyang pangangatawan.
Nakangiti kami sa isa't-isa, sinenyasan ko siyang lumapit at umupo sa tabi ko. Naglakad siya papalapit at hindi umangal na umupo malapit sa'kin. Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at walang rasong humagulgol ako sa kaniyang bisig. His silence eases the pain, I don't need words, and his silence and lending his arms for me to cry on is enough. Naramdaman ko ang kaniyang paghagod sa aking likod at mas lalo kong hinigpitan yakap sa kaniya.
Nang ako ay mahismasan, bumitaw na ako at nahihiyang napayuko. Hinawakan niya bigla ang aking pisngi at itinaas ito. Kami'y nagtitigan, ngayon ko lang napansin ang kaniyang mata, para akong nanalamin. Pareho naming namana ang mata ng aming ina. Pinunasan niya ang natitirang luha sa mata ko at ngumiti, ngunit agad itong nawala at umiling siya. Itinaas niya ang isa niyang kamay at ipinakita an singsing na ibinigay ko sa kaniya ng palihim.
"It's time to pass the throne to the person who is worth leading the Pirates of the Seven Seas." Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "And that person is you. If Papa is here, I know he will do the same. You're his first-born child, and I know you're the best fit for the throne." I touch his lips. "You can't talk, you can't say any words, but I know your action is more important than words. Your disability is not a hinder for you to lead the Pirates." I smile at him, and his tears start to fall from his eyes. "You're a Cordell, and Cordell lead the Seven Seas."
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Zion, ang lawak pa ng ngiti niya ngunit nawala ito ng magtama ang tingin nila ni Eight. Kunot noo kong papalit-palit ang tingin sa dalawa.
"I'm sorry, pumasok ako bigla. Babalik nalang ako mamaya." Mabilis siyang lumabas ngunit ang mas ikinataka ko ang paghalik ng aking kapatid sa aking noo at pagsunod kay Zion.
![](https://img.wattpad.com/cover/178342061-288-k444838.jpg)
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomansaPirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...