ILANG araw ang lumipas ang nanatili lang ako sa loob ng cabin. nakakadismaya kasi si Xyron, pinagbawalan niyang umapak si Zion sa Argon. Kaya tuwing magkakasalubong kami ay binibigyan ko siya ng pamatay na tingin. Kahit si Jael ay pinagbawalan niya rin na lumapit sa'kin. Natapos ko na nga ang lahat ng libro na nandito at wala na akong ibang magawa.
Nanatili lang ako sa gilid ng bintana. Sa paraan lang na ganito pwede kaming magkita ni Zion. Pilit niyang hinahabol ang bilis ng Argon para makita lang ako sa bintana. Hindi ko man marinig ang sinasabi niya dahil sa ingay, alam ko naman na galit na galit siya kay Xyron. Ano bang meron sa lalakeng iyon, parang kay lalim ng galit sa'kin? Wala naman akong ginawa na ikinagagalit niya. Naging mabait naman ako sa kanilang lahat, kahit sa kaniya. Nasanay ako sa San Carlo na walang kaaway.
Tumingin muli ako kay Zion sa kaniyang bintana ngunit wala na siya. Napatayo ako sa aking kinauupuan nang marinig ang mga sigaw.
"May paparating na bagyo!"
Patakbo akong lumabas ng cabin, nadatnan ko ang lahat na abala sa paghahanda sa bagyo. They tied-up the cannons, the barrels, and the other things. Tumingala ako sa langit, umaabon na at napakaitim na ng ulap.
"Miss, stay in your cabin. Hindi ka ligtas dito sa labas," sabi ni Jael.
"No, sa tingin ko kakailanganin niyo ng tulong." Napatingin siya sa kaniyang kasama na abala rin at may ilang dapat gawin bago bumuhos ang ulan.
"Okay, pero pwedeng tulungan mo nalang si Roman sa paglagay ng lahat ng pagkain sa storage room?"
Ngumiti ako ng malawak. "Walang problema."
Agad akong naglakad papuntang lower deck at nadatnan ko na si Roman lang ang nandito. Isa siya sa mga crew na naging malapit sa'kin, may kalakihan ang katawan niya at nakakatakot makatitig. Sa una nga naming pagkikita ay napaatras ako sa takot pero tinawanan lang niya ako. Mabilis ko naman siyang natandaan dahil sa malaking peklat niya sa mukha.
"I'll help you."
"Huwag baka mapagalitan ako ni Captain."
"Nah, I'll explain myself if he caught us."
Nilibot ko ang tingin sa storage room, mapapansin na mas marami ang kahon ng alak kaysa sa pagkain. Ganito ba sila kahilig uminom na mas marami silang imbak na alak? Isa yata ito sa rason kung bakit iilan sa kanila malaki ang tiyan.
Hingal na hingal ako nang matapos tulungan si Roman. Ang lakas nga niya, ilang kahon ang nalilipat niya habang ako isang kahon lang pahirapan na. Unang pagkita ko sa kaniya ay hindi halatang marunong magluto, sa katawan niya kasi parang mas nababagay sa labanan. At siya ang head cook dito sa Argon.
"Roman, pwede mo ba akong turuan magluto ng mga putahe mo?" Hindi mapagkakaila na masasarap ang mga luto niya, tuwing lulutuan niya ako ay palagi kong nauubos. Hindi na ako magugulat kung tataba ako.
"Walang problema basta huwag mo lang susunugin ang buong kusina."
"Hindi no! Marunong akong magluto pero sa mga luto mo ang sasarap. May mga dishes ka na hindi ako pamilyar kaya gusto kong malaman kung paano lutuin."
"Thank you, Miss, isang karangalan na turuan kang magluto." Sumilip siya sa itaas at muling tumingin sa'kin. "Sa tingin ko ay kailangan mo ng bumalik sa iyong cabin, lumalakas na ang alon at bumubuhos na ang ulan."
Tama nga siya, iba na ang galaw ng barko. Napansin kong nasanay na ako sa galaw nito at kahit ganito ito kalikot ngayon ay hindi na ako nahihilo. Nagpaalam na ako kay Roman, pagkarating ko sa taas pero sinalubong agad ako ng malaking alon, at saktong tumama sa'kin, basang-basa tuloy ang suot kong damit.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...