Chapter 4: Escape Plan

666 27 2
                                    

PAGBUKAS ng mata ko, mukha agad ni Jael ang sumalubong sa'kin. "Miss!"

Napansin ko agad na wala ako sa silid na ibinigay nila. Iba ang disenyo ng loob at mas malaki, mas malambot ang kama na hinihigaan ko at panglalake ang amoy. Ang dingding ay puno ng sandatang nakasabit.

"Ahh!" Napahawak ako sa tagiliran nang makarandam ng sakit.

"May sugat ka sa tagiliran mo at sa ibang bahagi ng katawan."

"Anong nangyari?" Pilit kong tumayo ngunit nangibabaw parin ang pagkirot sa sugat na natamo ko.

"Huminahon ka. Sa kalagitnaan ng bakbakan namin sa kalabang barko ay hindi namin inaasahan na matatamaan ang cabin mo ng kanyon."

"Ang iba? May nasugatan ba sa inyo? Okay lang ba ang lahat?" Hindi ko maiwasang mag-alala. Hindi naman ako gano'n ka samang tao na isumpa silang mamatay dahil sa ginawa nila sa San Carlo.

"May mga sugatan ngunit hindi naman gano'n kalala."

"Kaninong silid ito?" Hindi ko maiwasang magtanong. Malamang wasak na wasak ang cabin ko dahil sa nangyari.

"Kay Captain Xyron." Kaya pala ang laki ng silid.

"Manatili ka lang muna rito at dadalhan kita ng pagkain, malamang gutom kana. Ilang araw ka ba naman na walang malay." Hindi ko na siya pinigilan dahil ramdam ko narin ang gutom. Paano na ako nito? Dumagdag pa talaga sa problema ang sugat na natamo ko.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Xyron na ikinaalerto ko. Hinila ko ang kumot pataas para matakpan ang katawan ko at tanging kalahati nalang ng mukha ko ang makikita.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" malamig niyang tanong habang nakatayo sa harapan ko.

Napatitig naman ako sa kaniya, ang mata niya talaga ang nakakapatigil sa'kin. "Ahh, oo." Nakahinga naman ako ng maluwag na kaya ko pa palang makapagsalita.

"Kung gano'n, maaari kanang lumabas."

Nagulat ako sa kaniyang sinabi, nakaramdam ako ng maliit na pagkirot. Wala ba talaga siyang puso? Kahit gising na ako at maayos hindi naman sigurado na maibabalik ko agad ang lakas ko.

Ayaw ko ng makipagtalo sa kaniya, wala naman akong karapatan na umangal, siya ang Kapitan at bihag lang ako. Pinilit kong tumayo, hindi ko pinahalata ang pananakit ng sugat ko. May araw rin ang lalakeng ito sa'kin. Nang makatalikod na ako sa kaniya ay napatigil ako nang maramdaman na mas dumoble ang sakit at tiningnan ito. Namantiyahan na ang suot kong damit ng sariwang dugo na lumalabas sa sugat. Napakagat labi ako at nagpatuloy sa paglakad papalabas sa kwarto. Ininda ko ang sakit at hindi pinahalata. Pilit kong naglakad ng maayos papalabas sa silid at sinara ang pinto. Parang hinigop ang huli kong enerhiya at napasandal sa malapit na poste. Inakala ko na may kabutihan parin siya ngunit binalot talaga siya ng madilim na pag-uugali.

Mahina akong naglakad muli patungo sa cabin at inaasahan ko na ang madadatnan ko. Walang pinto, nakaawang lang ito at hindi pa naayos. Pumapasok ang hangin at ang tubig dahil sa alon na tumatama sa barko. Kailangan kong magtiis muna ng ganito kahit saglit, maghahanap talaga ako ng tiyempo para makatakas sa kanilang kamay. Hinawi ko ang kalat sa kama, para makahiga. Mas gugustuhin ko pangmamatay sa ganitong paraan. Nang makahiga ay mahina akong napatawa nang makita ang suot kong damit na naliligo sa dugo.

"Miss!" Napalingon ako sa pituan at nakita si Jael na gulat na gulat sa sitwasyon ko. Mabilis siyang lumapit sa'kin. "Bakit po kayo umalis doon? Hindi pa naman humihilom ng tuluyan ang sugat niyo. Maghintay po kayo at tatawagin ko si Ben."

Mabilis kong hinagip ang kaniyang kamay. "Hindi na kailangan," mahina kong bulong.

"Pero magiging malala ang kalagayan niyo kapag hahayaan kita."

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon