Nakangiti akong nakatingin sa kanilang lahat, dinala ako ni Zion sa isang silid na parang nasa resto bar. Nandito pala ang mga piratang kaniyang tinutukoy. May kaniya-kaniya silang ginagawa. Hindi ko alam na may tambayan pala na ganito sa kastilyo. Nakita ko sa 'di kalayuan si Azman at kinawayan niya ako. Dumapo ang tingin ko sa lalakeng nasa kaniyang likuran na masamang nakatitig sa kaniya. Kulang nalang patayin siya patalikod. It's guy that I'm thinking awhile ago. Tatakbo na sana palapit sa'kin si Azman pero hinila siya ni Xyron sa kwelyo, nagulat pa siya sa ginawa nito. Masamang titig ang pinukol ni Xyron sa'kin. Anong nangyari? May ginawa ba ako?
"Halika ka," hinila ako ni Zion sa isang grupo.
May biglang humila sa'kin na lalake at pinaikot ako gamit ang kaniyang kamay, tapos ay lumuhod siya at hinalikan bigla ang likod ng palad ko. "A beautiful maiden, that capture my eyes." Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Pero sa isang iglap napasalampak na siya sa sahig dahil sa pagsipa ni Zion.
"Tumigil ka nga Martin, tinatakot mo siya eh!" Mahina ako napatawa. Umupo ako sa bakanteng upuan at tumabi kay Zion.
"Madalas ba kayo rito?"
"Hindi naman, kapag may pagpupulong lang."
Nilapagan ako ng bartender ng juice. "Thank you."
Naging maingay na ang paligid nang magtungo sa maliit na stage si Martin.
"Ahoy, pirates! Let me sing a song to confess my love to the beautiful Lady sitting at the counter," sabay turo niya sa'kin. Napayuko ako sa kahihiyan na ginagawa niya. Napalingon tuloy ang lahat sa gawi ko, nakakahiya.
"Pasensiya ka na, ganyan lang talaga siya pero lahat biro lang," bulong ni Zion. Uminom nalang ako ng juice at tahimik na pinapakinggan ang kanta ni Martin.
May pasayaw-sayaw pa siyang lumapit sa direksyon ko. Hindi na ako nakaangal nang hilahin at isayaw niya ako habang kumakanta. He's crazy but funny. Hindi ko na napigilang mapangiti at sumabay sa kalokohan niya. May kinuha siyang rosas sa isang mesa at ibinigay sa'kin. Inikot-ikot niya ako hanggang sa matapos ang kanta. Napuno ng asaran ang buong paligid.
"Nagustuhan mo ba ang kanta ko?" tanong niya at ibinalik ako sa pwesto namin ni Zion sa counter. Sasagot na sana ako nang may humila sa kaniya papalayo sa'kin, walang iba kundi si Xyron. Kanina si Azman ang hinila ngayon naman si Martin. Sino naman ang isusunod niya?
"Ilang lalake ba ang dapat kong hilahin papalayo sa kaniya, kainis." Nakakunot ang noo ko nang marinig 'yon galing kay Xyron habang papalayo. Ang lakas yata ng saltik ng utak niya ngayon.
"Can you sing?" Napalingon ako kay Zion.
"Hindi," mabilis kong sagot. Kumakanta lang ako noon kapag wala kaming magawa ni Lolo Esteban. Muli kong tinanaw ang direksyon ni Xyron ngunit wala na siya roon.
"I know you can sing." Hinila niya ako papunta sa maliit na entablado.
"Nakakahiya." Pilit ko hinihila palayo ang sarili ngunit lintik lang ang lakas makahila ng babaeng 'to. Nasa amin na ang atensyon ng lahat.
"Kakanta na 'yan!" Nagsigawan na sila na mas lalo kong ikinahiya.
"Come on, don't be shy." Inabutan pa ako ng ukulele sabay tulak sa'kin paharap sa maraming tao. Napalingon pa ako sa kaniyang pwesto pero ang gaga nakangiti lang. It's my first time singing in front of many people.
Nakatitig silang lahat sa'kin, dumapo ang tingin ko kay Xyron na ngayon ay nakaupo sa harapan. Kailan pa siya nandiyan? Si Azman naman nasa 'di kalayuan na malawak ang ngiti. Huminga ako ng malalim, wala ng takas 'to. Lahat nakatingin at nag-aabang.
![](https://img.wattpad.com/cover/178342061-288-k444838.jpg)
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...