Chapter 29: The Prince's Confession

398 16 0
                                    

NAGISING ako nang marinig ang malalakas na sigawan ng mga sundalo sa labas. Hindi ko naramdaman ang pagkilos ng barko. Mabilis ako bumaliwas sa pagkakahiga at inayos ang sarili. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi na ikinandado ni Xyron ang pinto kaya malaya na akong nakalabas. Napatakip ako sa aking mata sa sinag ng araw na tumatama sa'kin. Unti-unti naging malinaw ang aking paningin, pero hindi ako nakakilos at napatitig sa isla na nasa harapan ko. Bakit kami nandito?

Sa lumipas na apat na taon, walang piratang muling tumapak sa islang ito. Isa itong lugar na naging bangungot ng bawat isa hanggang ngayon at hindi parin maiwawaglit sa aming isipan ang nakaraan, ang islang minsan na naming naging tahanan, ang dating Barbosa. Hindi mapagkakaila na iniwan namin itong hindi na makilala sa natamo noong nagkaroon ng labanan ngunit tinangnan mo nga naman parang walang nangyaring labanan at nakatira noon, nababalutan na ito ng mga puno at naging paraiso.

Napakuyom ako at nais kong umalis ngayon palayo sa islang ito. Aalis na sana ako pabalik sa cabin pero nagkasalubong kami ni Xyron. Walang pagdadalawang-isip ko siyang sinuntok at sinipa.

"Bakit tayo nandito? Ha?" Hindi ko siya tinigilan at nahihirapan narin siyang ilagan ang mga suntok ko. "Sa tingin mo ba nasisiyahan akong makitang muli ang Barbosa?" Sa huling suntok ay nasagang na niya ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"Mahirap din sa'kin na bumalik dito Ireen. Sana isipin mo rin na hindi lang ikaw ang nagdusa. Sa apat na taon lubos akong kinarma at halos patayin ko na ang sarili ko sa labis na pagsisisi. Kaya please lang huwag ka nalang umangal at sumunod nalang." Nagsukatan kami ng tingin at ako nalang ang umiwas at padabog na iniwan siya.

"Bahala siya, basta hindi ako bababa sa barkong ito."

Hindi ko inaasahan na pagkagising ko sa pagkakaidlip saglit ay nasa pamilyar akong silid ngunit hindi ito ang cabin ng barko ni Xyron. Ilang segundo pa ang dumaan bago ko napagtanto kung saan ako ngayon, Argon.

Muli kong naalala ang mga panahon saan ito ang naging silid ko sa ilang buwan sa kamay ni Xyron noon. Para itong mga alaala na kamakailan lang nangyari at naalala ko pa ang maliliit na detalye. Nandito pa ang mga librong ilang araw lang ay natapos ko ng basahin. Ang ilang damit na isinuot ko at ilang kagamitan na naiwan na halos hindi man lang nagalaw at puno na ng alikabok.

"Iniwan pala nila Jael ang barko pero inakala kong sinunog nila ito. Paano naman nalaman ni Xyron na nandito pa ito?" Sana pala inutusan ko silang sunugin nalang ng tuluyan para tapos na ang lahat. Ang daming nangyari sa mismong barkong ito na nais kong kalimutan.

Paglabas ko ay gabi na at sobrang tahimik ng paligid tanging tunog lang ng paghampas ng alon sa baybayin ang bumalot. Wala akong nakikitang sundalo kahit sa lower deck.

"Nasaan sila?" tanong ko sa sarili.

Sa itaas ay nakatayo malapit sa steering wheel si Xyron na may malalim na iniisip. Nakatitig kasi siya sa kawalan at hindi man lang naramdaman ang pagdating ko.

"Nasaan ang mga sundalo mo? Bakit dinala mo ako rito?" tanong ko na ikinalingon niya.

"Patawad at sapilitan kitang dinala rito. Ang tanging nais ko lang naman ay lumayo kung ano ang totoong ako at makasama ka kahit alam kong panandaliang panahon lang." Nakangiti siyang tumitig sa'kin. Ang ngiti na ikinatigil ko noon dahil pamatay at nakakaluwag ng corset. Pero ngayon habang nakatitig ako sa ngiti niya wala akong nararamdamang kahit anong kilig o kagalakan, parang normal lang. Tuluyan na ngang nawala ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Umuwi nalang tayo Xyron, walang patutunguhan ang pananatili natin dito," malamig kong saad sa kaniya na ikinawala ng kaniyang ngiti.

Umiwas siya ng tingin at muling nagsalita sa kawalan. "Naaalala mo pa ba ang una nating pagkikita?"

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon