PADABOG kong sinara ang pinto, at napasandal sa dito. Unbelievable! I'll be the next Pirate Queen? Hindi ko nga gusto ang kalakaran nila!"
Hindi ko na kinaya ang isiniwalat nila kaya umalis ako agad. Isa pala 'yon sa dahilan kung bakit nila ako kinuha. Tsk, kung nais makuha ng iba ang trono niya ako pa mismo ang sasaksak sa baga nila. Hindi ako sakim sa kapangyarihan at wala akong balak na maging kapalit niya.
Tumakbo ako sa kama at humiga. "Ughh!" Nagpagulong-gulong ako para mawala ang pagkairita ko. I can't imagine myself being a Pirate Queen and commanding the pirates. Hindi ko kayang magnakaw! Hindi ko kayang pumatay!
Matapos kong mabuhos lahat ng galit ko sa kama at unan, ay napagdesisyunan kong libutin ang buong kastilyo. Nakakabagot na manatili sa kwarto. Hindi rin ako makatakas, bawat kanto nakapaligid ang mga kawal at nakakairita ang tingin nila na napakaalerto parang sa isang iglap lang mawawala na ako bigla. Sa dami nila, makakatakas pa ba ako?
Isa-isa kong binubuksan ang bawat silid na nadadaanan, nagugulat pa ako dahil palagi akong inaabutan ng pagkain ng mga tagasilbi. Napatigil ako nang magkasalubong kami ni Alia. Ang ngiting palagi niyang pinapakita sa lahat ay naglaho sa harap ko.
"Ireen, akala ko magkukulong ka buong araw."
"Akala mo lang 'yan." Lalagpasan ko na sana siya pero muli siyang nagsalita. "Unang kita ko palang sayo ay hindi nakita gusto," biglang giit niya. Aba! May pagkaprangka rin pala ang babaeng 'to. Mabuti narin, para walang plastikan.
Lumingon ako sa kaniya at ngumiti ng nakakaloko. "Our feelings are mutual; I don't like you too."
"Mabuti naman nagkakaintindihan tayo."
"Hindi naman ako manhid at tanga at hindi mapansin ang tingin mo."
"You don't belong here, and you don't deserve to be the next Pirate Queen."
"Tama nga hindi ako nararapat dito, pero tatanungin kita. At sino ang nararapat sa trono? Ikaw? Tsk, sorry to tell you but you don't deserve it either." Ngumisi ako ng napakalaki bago siga iniwang nakanganga sa sinabi ko. Inaakala niya yatang magiging tuta ako sa harap niya, mawawalan ng silbi ang lahat ng natutunan kong kamalditahan kay Celeste kapag hindi ko gagamitin.
Napailing nalang ako habang iniisip ang sinabi ni Alia. Sakim pala sa kapangyarihan ang isang 'yon. Isaksak ko kaya sa bibig niya ang golden chair na nasa hall para damang-dama niya.
Lahat ng galit ay parang napawi nang marating ko ang isang garden. Napaganda ng mga bulaklak at halatang alagang-alaga. Napako ang tingin ko sa asul na rosas. "Pwede kayang mamitas kahit isa lang?" bulong ko.
"Pwede naman." Napalingon ako sa nagsalita at walang iba kundi si Captain Cordell.
"Sorry, huwag nalang." Mabilis akong umatras papalayo sa rosas.
Ngumiti siya at pinitas ang asul na rosas. "Pag-aari ng ina mo ang garden na ito" Inabot niya sa'kin ang kinuha bulaklak.
"Talaga?" Kinuha ko ito sa kaniya at inamoy ito.
"Before she passed away, she ordered me to take care of it. Gusto niyang makita mo ito."
Napatahimik ako at nakaramdam ng pangungulila sa isang ina. "Bakit siya namatay?"
"Noong araw na ibinigay kita kay Esteban iyon din ang araw na kinuha ang ina mo sa Mainland. They captured her as bait, para mahuli ako." Tumalikod siya at tinitigan ang buong garden. "Nahuli ako ng dating, binitay na siya ng Mainland." Napakuyom ako nang marinig 'yon, napakasama talaga nila.
Pagharap niya ay mababakas sa kaniyamg mata ang lungkot. "Nais ko mang makasama ka ay hindi pwede dahil maaaring ikaw naman ang isusunod nila."
"Hindi ba pwedeng magkasundo ang Mainland at mga Pirata?"
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomansaPirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...