Chapter 16: The Truth

491 18 0
                                        

NAPAATRAS ako palayo sa kaniya. "Xyron,"

Masamang tingin ang pinukol niya sa'kin habang nakapamewang. Hindi ko akalain na mahuhuli niya ako ng walang kahirap-hirap. Sana pala hindi nalang muna ako sumakay at hinintay na makaalis sila.

Humakbang siya papalapit kaya umatras naman ako, pero bigla nalang niya akong hinila at niyakap. Napakahigpit nito na parang ayaw niya na akong pakawalan pa. Narinig ko ang mabibigat niyang paghinga at malakas na pagtibok galing sa kaniyang dibdib.

"Running away again Ireen?" bulong niya.

Natauhan ako sa nangyari at mabilis pa sa alas kwatrong umalis sa kaniyang yakap. Napaiwas agad ako ng tingin sa hiya, muntik ko ng itugon ang yakap niya.

"Come with us," madiin niyang giit ngunit umiling ako.

"I want to go home," sabay tingin sa kaniya ng diretso.

"This is your home now, Ireen." Kailan pa naging tahanan ko ang Barbosa?

"San Carlo lang ang alam kong tanging tahanan ko," malamig kong wika na mas ikinainis niya. Sa San Carlo ako lumaki, nagkamulat, at nandoon ang mga kaibigan ko na tinuring ko ng pamilya.

"Don't be stubborn and come with us!" Napaatras ako sa sigaw niya.

Lumunok muna ako ng ilang beses bago nagsalita. "Ayaw ko, gusto ko ng umuwi. Ang rami ng nangyari, at ayaw kong maulit at maranasan pa ang mga 'yon."

"We will protect you," wika niya na ikinangiti ko ng mapait.

"Protect? Hindi niyo nga ako na protektahan kay Monger!" Muntik na akong magahasa, at muntik na akong mamatay na wala man lang kalaban-laban.

Biglang lumambot ang tingin niya sa'kin at napaiwas ng tingin. "I'm sorry, we failed to protect you from him. But I won't let it happened again. So, come with us now."

Umiling ako, "I won't, let me go home Xyron. Tama na 'yon at pagod na ako, mali yata na dinala niyo ako rito. I want to have a simple and safe life. You don't know how painful it is fighting on my own at the hands of those crazy pirates! Ang naranasan ko ay sapat na at hindi ko na gustong madagdagan pa." Hindi ko na napigilang umiyak, wala akong pake kung maraming nakatingin sa'kin. Habang sinasabi ko ang mga iyon, bumabalik ang mga alaala ko sa kamay ng mga rebeldeng pirata. Hindi ko inakalang mabubuhay ako sa lahat ng nangyari.

"Ireen, mas delikado sayo kung wala ka sa Barbosa. Marami mga pirata ang magkakainteres sayo at mas malala pa ang gagawin nila."

"Iyon na nga eh! Hindi naman ganito buhay ko kung hindi niyo ako dinakip. Hindi nila ako makikilala kung hindi ko kayo nakilala. Kung hindi niyo sana ako hinuli edi sana masaya ako ngayon!" Napalingon ako sa likuran ni Xyron kung saan nakatayo sina Roman, Stefan, Jael at ang iba na kararating lang. Halata sa mukha nila na nasaktan sila sa sinabi ko.

Humakbang si Xyron papalapit sa'kin kaya agad ko siyang pinigilan. "Take another step hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Nakinig naman siya at hindi na humakbang pa ulit.

Bakit ba kasi ayaw akong paalisin? Gusto ko na ngang umuwi, kung magtatagal pa ako mas maraming delubyo ang darating. Tama na ilang beses na nasa harap ako ni kamatayan habang kasama sila. Ilang pakiusap ba ang gawin ko para hayaan niyong makaalis? Pirate world is not part of me, I belong to San Carlo, my only home.

"Ireen."

"Ilang pakiusap ba ang gawin ko para hayaan niyo na ako? Kailangan ko bang lumuhod para hayaan niyo akong makaalis? Kailangan bang magbigay ako ng ginto?"

"We can't and I can't."

Napakunot ang noo ko nang humakbang siya palapit. Nakadikit na sa railings ang likod ko, wala na akong maaatrasan pa. Napakagat labi ako, nagtatalo ang isip ko sa planong nabubuo sa isipan ko. Wala akong takas sa kanila, alam ko namang mga tuso ang mga ito. I can't run but I can jump to the sea. Kung hindi ako makakauwi, mas mabuting mamatay nalang.

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon