Chapter 14: Survive

462 21 0
                                        

NAGISING ako sa hindi pamilyar na silid. Napapikit ako sa kirot sa aking tiyan, hita at likod. May mga halamang nakalagay sa iba kong katawan. Nilibot ko ang aking tingin, sa isang gilid ay may mesang naglalaman ng mga gamot at ilang telang naliligo sa dugo. Kapansin-pansin ang bintana na malapit sa aking hinihigaan, mula rito tanaw na tanaw ko ang dagat.

Nasaan ako? Hindi ako makaupo o makatayo man lang, konting galaw kumikirot agad ang mga sugat ko. Hindi ko inakalang buhay ako, muntik ng magahasa, may malakas pa na pagsabog naging dahilan na may sugat ako sa tagiliran, at hita, at ang mas malala ay may bumaril sa'kin mula sa likod. Sigurado akong nahulog ako sa tubig, pero paano ako nakarating sa lugar na ito.

Napalingon ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Isang hindi pamilyar na babae ang pumasok, may katandaan na ito. at mapapansin ang puti niyang buhok. Napansin ko agad ang balat niya sa leeg.

"Mabuti naman at gising ka na."

Napaatras ako sa paglapit niya, at umupo sa gilid ng kama.

"Sino ka? Paano ako nakarating dito?"

"Ako si Bettina, dalawang linggo na ang nakakaraan nang makita kitang palutang-lutang sa tubig habang nag-aani ako ng halamang dagat. Akala ko nga ay patay ka na dahil sa mga natamo mong sugat, at nag-aagaw buhay."

Napakagatlabi ako nang marinig ang kwento niya.

"Salamat po sa tulong niyo, at sa pagligtas sa'kin."

"Masaya ako, at naging maayos na ang kalagayan mo."

Tumayo siya, at sinimulang maglinis sa paligid. Tiningnan niya ang mga sugat ko, at pinalitan ng bagong tela.

"Ang ikinababahala ko ay ang mga sugat mo, hanggang ngayon ay hindi parin masyadong humihilom, at lalo ang nasa iyong likod na natamaan ng bala."

"Huwag na po kayong mag-aalala, napakalaki na po ang naitulong niyo sa'kin. Utang ko po ang buhay ko sa inyo."

Mahina siyang umiling, at hinawakan ang kamay ko. "Hindi parin ako panatag kailangan kitang maidala sa manggagamot."

Ngumiti ako, at muling nagpasalamat.

"Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Ireen po."

"Nagagalak akong makilala ka Ireen."

Ngumiti ako, at nabaling ang tingin sa labas. "Pwede po bang magtanong kung nasaan ako ngayon?"

"Nasa Barbosa ka ngayon iha." Napatigil ako sa kaniyang isinagot, Barbosa. Nandito na ako sa Barbosa!

"Si-gurado po ba kayo?" Bigla siyang tumawa, at tumango nang makita ang naging reaksyon ko.

"Halatang gulat na gulat ka. May problema ba?"

Mabilis akong umiling.

Ibig sabihin ba nito ay makikita ko na ulit sila. Hindi na ako mahihiwalay, may halong galak at saya ang naramdaman ko. May konting kaba rin, ngunit paano ko sila mahahanap kung ganito ang kalagayan ko? Nandito rin kaya sila? Pero paano kung maulit ang nangyari sa'kin? Mula noong umalis ako sa San Carlo, palagi nalang akong napapahamak.

"Hindi ba kayo natatakot na mga pirata ang namumuno sa Barbosa?"

Bigla siyang napatigil, at lumingon sa'kin. "Paano mo nalaman 'yan? Hindi ko binanggit sayo na mga pirata ang namumuhay sa islang ito."

Ngumiti ako sa kaniya."May nagsabi sa'kin na ito ang isla ng mga pirata."

"Iilang tao lamang ang nakakaalam niyan, ang naninirahan dito, at ang mga pirata. Napaimposibleng isang dayuhang tulad mo ay alam ang impormasyong iyan."

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon