ANG malamig na simoy ng hangin ang naging dahilan na gusto ko pangmatulog pabalik pero dapat wala kaming sayangin na oras. Pinalibutan namin ang buong sentro ng isla saan mangyayari ang pagpataw ng parusang kamatayan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba lalo na't ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa isang labanan. Napatingin ako sa direksyon ng iba, may nakatago sa gilid ng mga bahay, sa taas ng kisame, at kahit basurahan ay hindi nila pinalagpas. Habang ako at si Jael ay nakakubli sa dami ng tao, ako magbibigay ng sinyales kung kailan sila susugod. Mas dumami ang mga tao na kanina pa sigaw ng sigaw hanggang dumating na ang hindi pamilyar na matanda.
"Siya ang pinuno ng isla na nagngangalang Don Viejo," mahinang bulong ni Jael.
Siya pala ang tinutukoy nila kagabi na malupit at kumakapit sa Mainland, isang uhaw sa kapangyarihan gaya ng iba. Ngunit mapapansin naman na ginagamit lang siya ng mga ito dahil wala man lang akong nakikitang pag-unlad ng isla. Siya lang ang nakikita kong mayaman at lahat ay naghihirap na. Napatitig ako kay Don Viejo na mistulang balyena habang naglalakad pataas sa hagdan. Ngunit napunta ang tingin ko sa taong nakakubli sa isang itim na maskara na may malaking katawan na siyang hihila para pagbitay. Para itong nakatitig sa'kin kahit hindi ko makita ng maayos ang kaniyang mata.
"Ikinagagalak kong makita kayong lahat para masilayan ang mga hampaslupang pumasok sa ating isla na walang pahintulot!"
Napuno ng hiyawan ang buong paligid.
"At ngayon, nais kong magpasalamat kay General Lorenzo at sa buong Mainland dahil sa kanilang kabutihang loob na proteksyunan tayo laban sa mga pirata!"
Napakasakto ang pagdating ni Heneral Lorenzo sa eksena. Mababakas sa kaniyang mukha ang galak, ngunit napatigil ako nang makita ang nakasunod sa kaniya. Hila-hila ng sinasakyan niyang kabayo ang mga taong nais naming iligtas.
"Xyron." Hindi ko maialis ang tingin sa lalakeng nakayuko lang sa unang hilera. Wala na ang magara niyang suot na tanging pang-ibaba niyang pantalon ang naiwan. May bahid ng latigo at mga sugat ang kaniyang katawan.
"Let's start the execution," ananunsyo ni Heneral habang nakangiti ng malapad.
Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni Jael kaya narinig ko ang mahina niyang impit. Nais ko manghumingi ng tawad ay hindi ko magawa, dahil ang nasa isipan ko lang ay kung paano at kailan kami susugod. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, nakakalat ang mga sundalo at iilang guwardiya galing sa Mainland. Dumagdag pa si Heneral Lorenzo sa tabi ni Don Viejo. Malakas ang kutob kong may ideya ang Heneral sa aming planong pagligtas sa mga pirata. Ngunit kung tama ang magiging tiyempo, maaari wala kaming magiging problema.
Humilera ang unang grupong bibitayin at kasali na si Xyron. Hindi man lang siya nag-atubiling mag-angat ng tingin.
"Ang mas ikinasaya ko ngayon ay sa wakas na huli na ang kanang kamay ng Pirate King, si Captain Xyron!" Mas lalong lumakas ang hiyawan. Naglakad papalapit si Don Viejo sa kinatatayuan nito at nakangiting inangat ang mukha ni Xyron. Napasinghap ako nang makitang duguan ang kaniyang noo at halatang hinang-hina na.
"Malaki ang makukuhang pera ng buong isla kapag mailatag ka sa Hari at Reyna na wala ng buhay sa kanilang harapan. Nais mo bang maging una sa pagbitay?" Ngunit hindi pa man nakakasagot ay agad na lumapit ang Heneral at may ibinulong siya. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti.
"Ah! Mas nais ng Mainland na buhay ka at si Heneral Lorenzo ang magdadala sayo sa kanilang palasyo." Hindi man lang siya kinibo nito at wala paring reaksyon ang mukha. "Maswerte ka ngayon."
Nilagpasan niya si Xyron at ibinaling sa ibang pirata ang kaniyang atensyon habang. May humila kay Xyron paalis. Ikinulong siya sa isang rehas na karo. Sabay na umalis ang lahat ng sundalo at guwardiya galing sa Mainland kasama si Heneral Lorenzo, at sumunod ang karo ni Xyron na sinundan dalawang sundalo.
![](https://img.wattpad.com/cover/178342061-288-k444838.jpg)
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomansaPirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...