DALAWANG taon ang dumaan at ngayon nagkalakas ng loob akong bumalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Hindi man madali na iwan ang mundo ng pirata ngunit kahit nandoon ako ay may kulang parin akong nararamdaman. Sakay sa maliit na barko galing sa Barbosa, umuwi akong ng San Carlo. Sa ilang taon nalumipas hindi ko akalain na makakabalik pa ako rito. Ang laki ng pinagbago nito, at lalong umasenso.
Dala ang maliit na lalagyan ng damit tinahak ko ang pamilyar na daan, muling umapaw ang mumunti kong mga alaala sa bawat kanto ng isla. Napapatitig sa'kin ang iba, nakakunot ang kanilang mga noo at halatang inaalala kung sino nga ba ako. Nagsitigil ang paglalaro ng mga bata at mapapalingon sa direksyon ko. May nakangiti at nakilala agad ako at ang iba ay nagbulong-bulungan pa. Sa tagal na hindi ako nakabalik inaasahan ko na may iilan na hindi ako makilala.
Muling naglaro sa isipan ko ang pag-alis sa Barbosa, nagpaalam at tinapos ko na lahat ng dapat kong gawin bilang Pirate Queen. Ilang taon ang proseso bago ko tuluyang naipasa kay Eight ang trono, at ang pagsubok na pinagawa sa kaniya. Sa simula ay ayaw niya ngunit nagmakaawa akong nais kong bumalik sa San Carlo at mamuhay ng payapa. Ang buhay pirata ay hindi para sa'kin, kahit ano mang pasasanay ang ginawa nila sa'kin ako parin ang babaeng anak ng Pirate King na hindi lumaki sa kanilang mundo, at ako parin si Ireen na taga San Carlo. Nagmakaawa ang aking crew na manatili ngunit hanggang dito nalang talaga ang pagiging pirata ko. Inisip ko nalang na nasa isang mahabang paglalakbay ako na may maraming pagsubok na hinarap. Masaya akong nakasama sila sa mahabahabang panahon at ang pamumuno ko sa pangalawa kong tahanan.
Napatitig ako sa hawak na punyal, kahit balik-baliktarin man ang mundo, isa parin akong Cordell. Kahit hindi na ako isang pirata, dumadaloy parin sa'kin ang pagiging isa. Nakakatawa nga dahil bago pa man ako nagdesisyon na bumalik muli akong inalukan ng kasal ni Azman. Kailan man ay hindi magbabago ang ihip ng hangin at mananatiling pareho ang isasagot ko. Masyado siyang mabait at masayahin na maaari kong masaktan sa huli. Alam kong nagmahal lang siya pero hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal na 'yon. Gaano man ka tagal ang taon na lilipas hindi magbabago at walang papalit sa taong mahal ko.
May mga bagay na dapat mong bitawan, lisanin at kalimutan upang makabuo ka ng panibagong yugto sa buhay. Ang mga nangyari sa'kin ay dadalhin ko at magiging magandang alaala na lamang. Tulad nalang sa huli naming pag-uusap ni Xyron at napatitig sa singsing na sinabit ko sa kwintas.
Flashack
"Will you marry me? Be the next Queen of the Mainland?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang tanong, napalingon ako sa buong Mainland. Paano ang Barbosa? Balik-baliktarin man ang mundo isa parin akong pirata, isang Cordell nakilala bilang Pirate Queen. Kahit ipapasa ko ang trono kay Eight malaking kataksilan ito sa angkan at sa Barbosa.
Napahakbang ako paatras na ikinawala sa ngiti ni Xyron, naramdaman ko ang pag-aagos ng aking mga luha at napahagugol na lang. Nais ko siyang makasama pero sa pagkakataon na ito hindi kami simpleng mamamayan lamang, isa akong pirata, rebelde sa mata ng lahat habang siya ay isang Prinsipe at magiging Hari.
"Ireen." Nais niya akong abutin ngunit humakbang ako palayo sa kaniya.
"Hindi ito tama, magkaiba tayo. Hindi ko kayang talikuran ang totoo kong pagkatao. Mahal kita pero kahit ano mang pilit nating maging masaya na magkasama palagi akong sinasampal ng katotohanang hindi tayo para sa isa't-isa." Pilit kong inaalis ang mga luha ko. Ang sakit sakit na nais ko mang sagutin siya pero hindi maaari, hindi pwede.
Parang tinarak ng milyong beses ang dibdib ko sa bigat habang nakatitig sa kaniyang nasasaktan sa mga salitang binitawan ko. "Alam mong maraming maapektuhan kapag gagawin natin ang ating nais. The risk Xyron, think about it, ayaw kong humantong na naman sa gulo ang ating pagsasama. We are not in a perfect situation, we could hurt the people around us, the people that we lead."
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
