PARA akong natuod at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko habang siya'y may ngiti sa labi. Ito ang plano niya, makuha ako sa ikalawang pagkakataon sa paraan kung saan siya magaling.
Humakbang siya palapit at sabay bulong sa tenga ko. "Pumili ka na, sasama ka o papahirapan ko si Eight."
Hindi ako makagalaw para itulak siya palayo, sinabayan pa na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa kilabot ng boses niya. Si Eight nalang ang pamilya ko at ayaw kong kahit siya mawala. Maaaring nagsisinungaling lang siya, sa galing ni Eight mahihirapan silang hulihin siya. Ang nakakapagtaka lang ay paano niya nakilala ito? Paano niya nahuli si Eight? Kaya nga napakahirap paniwalaan. Simula pagkabata naman ay tinago siya ni Papa sa kaniyang anino, kaya nga walang nakakakilala at nakakakita sa kaniya.
"Halatang hindi ka naniniwala." May nilabas siya sa kaniyang bulsa. At napabagsak ako sa sahig nang makita ang punyal ko na ibinigay ko kay Eight bago siya umalis. Napakuyom ako sa galit, pinaglalaruan talaga ako ng lalakeng 'to. Kahit gaano man ako katapang, sa oras na gamitin ang kahinaan ko, babagsak at babagsak parin.
"Walangya!" Nanginginig na ako sa galit na hindi ko na kayang pigilan. Mabilis akong tumayo at binigyan siyang ng suntok sa mukha pero hindi ko inasahan ang nangyayari nang walang kahirap-hirap niyang sinangga ang kamao ko at hinila ito.
Nakatitig kami sa isa't-isa na ilang sentimetro lang ang layo ng aming mukha. At bigla nalang niya akong niyakap. "Can we go back?" bulong niya na may malalim na paghinga. "To the time we're happy together?" Naramdaman ko nalang ang pagbagsak ng kamay ko.
Kung hanggang ngayon tanga parin ako at mahal parin siya malamang maniniwala at kililigin pa ako, ngunit hindi. Sa haba ng panahon na dumaan, natuto na ako sa sakit at pagkakamali na nagawa ko dati, ang labis na pagmamahal at pagtitiwala. Sa mga katagang nilabas niya, hindi man lang bumilis ang tibok ng puso ko, at hindi man lang ako nakaramdam ng awa o pagmamahal habang nakatitig sa kaniya. Sinaktan niya ako ng sobra nawalang katiting na naiwan man lang sa'kin.
Tinulak ko siya palayo at sa wakas na igalaw ko narin ang katawan ko. Nagtataka siyang napaatras. Malamig na titig ang pinukol ko sa kaniya. "Hindi na maibabalik ang nasirang kahapon, lalong-lalo na ang winasak mong tiwala at pagmamahal na ibinigay ko noon. "
"Ireen."
"Wala ka ng babalikan sa'kin Xyron, wala." Tumalikod ako at maglakad papalayo sa kaniya pero may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.
"I'm sorry." Tinakpan niya ng panyo ang bibig ko at unti-unting nandilim ang paningin ko.
"I promise this will be the last."
NAALIMPUNGATAN ako sa uhaw. Sa pagmulat ko isang hindi pamilyar na kwarto ako nakahiga. Napabalikwas ako ng wala sa oras at nilibot ang tingin. Nasaan ako? Lahat ng gamit halatang mamahalin, at may ilang gawa sa ginto.
Lumapit ako sa bintana at napansing nakasakay ako sa isang barko. Teka, naalala ko ang nangyari kagabi. Walangyang Xyron na 'yon! Tinungo ko ang pinto at pilit itong binubuksan, pero walang epek. Kinandado niya pa talaga sa labas.
"Hoy, Xyron ilabas mo ako! Walangya ka!" Buong lakas akong sigaw at pinagsisipa ang pinto.
Dapat pala pinatay ko na siya, tsk.
"Ilabas mo ako rito!" Saan na naman ako dadalhin ng lalakeng 'to? Sa Mainland ba? Aasa pa ba akong mapagkakatiwalaan siya, isa siyang dakilang traydor at manloloko. Sa oras na malaman ng Pirate World na nawala ako, ihanda nalang niya ang higit isang batalyong sundalo.
"Ilabas mo ako!" Hingal na hingal na akong sinisipa ang pinto pero walang nangahas na lumapit at buksan ito. Anong akala niya? Madali niya lang akong makukuha? Oo naging tanga ako sa kaniya, pero hindi na ngayon.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...
