Chapter 7: Pieces of Eight

621 24 0
                                        

NAKATITIG lang ako kay Zion na walang takot na nakatingin kay Heneral Lorenzo. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Siya ba ang tinutukoy niyong babae?"

"Opo, Heneral."

Natatakot ako sa maaari niyang gawin kay Zion, ngunit hindi naman mapagkakailang malakas ang mga pirata kahit babae siya. Hindi siya magiging kapitan kung mahina siya tulad ko.

"Sumagot ka ng totoo, kung ayaw mong makatikim ng masakit na latigo." Napaatras ako palayo nang iwinasiwas niya bigla ang hawak na latigo. "Tell me your name?"

"Ireen, my name is Ireen." Natigilan ako sa sinagot ni Zion. She's pretending to be me. She doesn't have to lie to save my life.

"Tha-,"

"Kasama ako ng mga pirata." Pinigilan ako ni Zion na magsalita.

Tumaas naman ang kilay ng Heneral at sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. "Saan ka galing?"

"Sa San Carlo."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng aking damit. Manganganib ang buhay niya, hindi ko kaya na mamamatay siya ng dahil lang sa'kin, at hindi kakayanin ng konsensiya ko.

"Ikaw na nga ang tinutugis namin na babae." Dumagundong ang halakhak ng Heneral na parang baliw.

Bumaling ang tingin ni Zion sa'kin at siya'y ngumiti ng makahulugan. Napakunot ang noo, ngunit kinindatan lang niya ako. Bakit ang hirap intindihin ng mga pirata? Pero halatang may plano siya at wala akong karapatang sirain 'yon.

Matapos tumawa ng buong lakas ang Heneral dinala kami ng kaniyang mga tauhan sa isang selda. At mabilis kong dinamba ng yakap si Zion nang kami nalang ang naiwan.

"Bakit mo iyon ginawa? Manganganib ang buhay mo kapag nagkataon."

"They can't kill me, and they won't."

"Bakit naman?" Nagpanggap siyang ako pero bakit nakakasiguro siya na hindi siya papatayin?

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo." Tumango nalang ako, alam ko naman na 'yan parin ang isasagot niya sa'kin. Ngunit mapapansing ang raming sikreto ng mga pirata mula noong kinuha nila ako.

"Ang iba, ligtas ba sila?"

"Oo nagtaago sila ngayon, pero nang nalaman ko na huhulihin ka nila ay agad akong lumitaw sa pinagtataguan para malito sila kung sino ang totoo nilang hinahanap."

"Pwede naman na iba ang paraan na gawin mo." Ayaw kong may tao na namang magbubuwis ng buhay para sa'kin tulad ni Emmanuel.

"Masisira ang plano."

Teka, anong ibig niyang sabihin? Tinitigan ko siya ng makahulugan ngunit ngumiti na naman siya na walang takot na nararamdaman.

"You don't need to worry; everything is under control." Pirates are confusing but, at the same time, amusing. They can still smile and laugh even their life is at stake.

KAUMAGAHAN ay nanakit ang likod ko sa tigas ng sahig, si Zion naman halatang sanay na sanay siya na humiga sa lapag. Ang sarap ng tulog niya kagabi na may mahina panghilik. Ako nga halos hindi makatulog sa kakaisip sa mangyayari sa'kin ngayon, ngunit siya walang bakas man lang na kaba o takot.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang guwardiya. "Gusto kang makausap ng Heneral," wika nito kay Zion. Ano naman ang gusto ng Heneral? Niyakap niya muna ako at may binulong bago sumama sa dalawang guwardiya. Naging palaisipan sa'kin ang kaniyang iniwang mensahe.

"Trust the Pieces of Eight."

Ano ang ibig niyang sabihin? Frustrated akong humigang muli sa matigas na lapag. Simula noong kinuha ako ni Xyron palagi nalang akong nasa bingit ng kamatayan. At ngayon nahuli na ako ng Mainland, at malaki ang posibilidad na maaari nilang akong patayin. Ngunit bakit? Ano ba ang meron sa'kin na nais nila? Wala namang espesyal sa'kin maliban sa mata ko. Wala akong maipagmamalaking kayamanan na maari kong ibigay para palayain ako. Maliban nalang kung kukuha ako ng kayamanan sa Argon.

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon