HINDI na nasagot ni Zion ang tanong ko dahil muling bumukas ang pinto, at nakabihis na si Xyron. Bago ako pumasok sa silid ay nagpaalam na si Zion pabalik sa kaniyang barko.
"Ano ang pag-uusapan natin?" May halong kaba akong nararamdaman habang nakaupo sa kaniyang harapan.
Ngunit habang nakatitig ako sa kaniya iyong hubad na katawan ang nakikita ko, mahabaging panginoon patawarin niyo po ako. Kung may magandang katawan dapat lang naman dapat ilantaran at hindi itago. Mahina akong umiling at muling tiningnan si Xyron na nagtataka sa kinikilos ko.
Ngumiti ako ng maliit at narinig ang ang malalim niyang buntong hininga. "Yesterday, you stayed in her ship," tumango ako bilang pagsang-ayon. "Then you didn't ask my permission." Napangiwi ako sa sinabi niya, ito na ng aba ang sinasabi ko.
"Sorry, biglaan kasi tapos natutulog ka. Ayaw kong maistorbo ka ng dahil sa alok ni Zion."
"That's nonsense! Kung may mangyari sayo sa'kin itatapon ang sisi dahil responsibilidad kita! Ang laking problema kapag mangyari 'yon at masisira ang imahe ko ng dahil sayo!" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Sabi ni Zion hindi raw galit ang lalakeng 'to, kay tanghaling tapat nabubugahan ako ng apoy. "And change your clothes it doesn't suit you."
Ang sarap sampalin ng lalakeng 'to, ang taas ng pride at hindi nakikinig ng rason. Alam ko naman 'yon pero parang pinapakita niya na wala siyang tiwala sa mga kasama niyang kapitan. At lalong nakakainis kahit suot ko ikinagagalit niya. Lahat ng bagay na gagawin ko napaka big deal sa kaniya. "If you're scared that I might damage your image then dapat hindi niyo na ako kinuha! I'm living peacefully on that island but everything change when you came! You take me away to my friends and to the place I call home. And who are you to question on the clothes I'm wearing? Kahit ba naman ito papakialaman mo? Ang babaw mo naman. I trying to be good Xyron, hindi na ako nagbalak na tumakas at hinayaan kayo na dalhin ako. Pero hindi naman yata tama na tratuhin ako ng ganito! Alam kong ayaw mo sa'kin pero huwag namang harap-harapan, nakakasakit na kasi!" Hingal na hingal ako matapos isigaw iyon at masama tingin ang pinukol sa kaniya. "This talk is over." Malakas kong isinara ang pinto para damang-dama niya ang galit ko. Akala ko ba hindi siya galit sa pagsama ko kay Zion sa kaniyang barko. Men are very unpredictable, mabuti nga wala akong boyfriend baka nasa kulungan na ako pagnagkataon.
Nanatili lang ako sa crow's nest kasama si Stefan na binugbog ko pagkaakyat niya. Hindi ako nagtatanim ng galit pero nakakaalala lang. Natatawa akong umupo sa harap niya nang makita ang pasa sa kaniyang bibig. Ang lakas ko palang manuntok. Bigla nalang kasing umakyat at nanggulat kaya ang naiwang galit ko na kinikimkim nabunton ko sa kaniya.
"Kung sinabi mong kailangan mo ng punching bag, meron naman sa lower deck. Naghanap ka talaga ng buhay na pwedeng umaray." Inirapan ako ng gunggong at walang nagawa kundi hayaan akong suntukin siya ng ilang beses.
"Masarap palang manuntok?" Ma-try ko nga sa mukha ni Xyron hindi ko pa kasi iyon nasusuntok. Parang ang sarap sirain ng maganda niyang mukha at paputukin ang maganda niyang labi. Tapos lagyan ng black-eye sa magkabila niyang mata.
"Tsk, napakasadista mo talaga. Bakit lahat nalang ng babaeng nakikilala ko, kung hindi naninipa nanununtok naman?" May pahawak-hawak pa siya sa kaniyang bigote.
"Mahirap bang magpatubo ng ganyan?" May ganyan si Lolo Esteban ngunit hindi ganyan ka perpekto. Ayaw ko siyang nakikitang may balbas dahil mas lalo siyang nagmumukhang matanda, takot lang na tawagin kong tanda.
"Oo, ilang taon ko itong pinaghirapan."
"Ilang taon mo ngang pinaghirapan ngunit hindi mo pinaghirapan na tumaba ka kahit konti."
Bigla siyang tumayo at itinaas ang dalawa niyang kamao. "Nanlalait ka na eh, suntukan nalang tayo!" Napatawa nalang ako sa inakto niya at mahina siyang binatukan. "Iyan, tumawa ka rin ng totoo at hindi pilit, mas bagay sayo."

BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
Storie d'amorePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...