Chapter 5: The Piece of Truth

708 32 2
                                        

PARA akong binuhusan ng nagyeyelong tubig nang marinig ang mahaba kong pangalan sa isang malamig ngunit pamilyar na boses. May nagtutulak sa'kin na huwag buksan ang mata ngunit nais kong ikumpirma ang hinala ko. Huwag naman sana.

Unti-unti kong dinilat ang mata at mukha agad ni Xyron ang sumalubong sa'kin. Ilang sentimentro lang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Sa pagtitig lang sa kaniyang mata ay para na akong nahuhulog. Isang maling galaw kulang nalang maghalikan kami. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng pamumula sa mukha.

"Trying to escape?"

Doon lang ako natauhan nang siya ay lumayo at tumayo ng maayos. Nilibot ko ang tingin sa paligid, mas lalo akong nakaramdam ng hiya dahil sa rami ng matang seryosong nakatingin sa'kin. Tanga mo Ireen.

Mabilis akong napabalikwas sa pagkakahiga sa mahabang mesa at napaharap sa mga kasama niyang mga pirata. Sakto talagang nahulog ako sa harap ni Xyron at sa kanilang lahat.

"Tingnan mo nga naman, ang taong pinag-uusapan ay nasa ating harapan."

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang kaniyang paghaplos sa mahaba kong buhok. Nasa likuran ko lang siya pero ramdam ko ang pamatay niyang tingin. Bakit ba kasi ang malas ko? Nahulog pa talaga sa harapan nila, at na huli talaga sa akto. Isusumpa ko na talaga ang sarili ko.

Hindi na ako makaalis sa mesa at masakit ang balakang ko. Nag-indian sit akong umupo at binalewala ang mga tingin ng mga kasama ni Xyron. I already humiliated myself, so be it. Nadidistrak ako sa ginagawa ni Xyron, si Lolo Esteban lang at ang mga kaibigan ko ang may karapatang humawak sa buhok ko. I want him to stop touching my hair but I can't say the right word. Ang sarap kasi sa pakiramdam nakakaantok tuloy.

"Answer me, Precilla. Balak mo bang tumakas?" Nakakapantindig balahibo ang pagbulong niya sa kaliwa kong tenga. Nakaramdam ako ng kiliti at mahina napangiwi.

"Hindi ba halata." Pinilit kong hindi mapiyok sa malamig at nakakatakot niyang boses. Boses niya palang ay sapat na para hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

"Falling in front of us is a sign that you can't escape, kahit bubong hindi nakisama sayo." Nagsitawanan ang lahat ng kaniyang kasama na ikanayuko ko. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya at sakit sa sinabi niya. Napakasakit niyang magsalita. Isusumpa ko talagang walang magmamahal sa lalakeng 'to, ang sama ng ugali.

"Isang pagtangkang pagtakas mo pa." May hinila siya sa kaniyang bewang at isang malamig na bagay ang naramdaman kong nakadikit sa aking ulo. "Ang bala mismo ng baril ko ang papatay sayo." Halos lahat ng dugo ko sa mukha ay nawala na parang bula, walang halong biro niya iyong sinabi sa harapan ng lahat. Napapikit ako ng mariin at napansin ang mahinang panginig ng mga kamay.

"Huwag mo siyang takutin Xyron. Kapag malaman niya ang ginawa mo, hindi ka na sisikatan ng araw." Napatingin ako sa isang babae na nagsalita. May eyepatch siya sa kanan niyang mata, nakasuot ng itim na bandana sa ulo at tulad ng iba ang damit niya ang pampirata. Ang ganda niya, at may magadang katawan. Sino naman ang tinutukoy niya na tao?

"I'm not scared, Zion. Mula ng makuha namin ang babaeng ito puro sakit sa ulo lang ang dala."

"She won't do that if you treat her better."

"She's not worth it." Para akong sirang papalit-palit ng tingin sa kanilang pag-uusap, gayunadin ang iba. Ramdam ko na nga ang tensyon sa pagitan nila. Parang may kuryenteng dumadaloy sa kanilang pagitan mula sa kanilang mga mata.

"She is, and always be worth it. Ikaw ang binigyan ng misyon na kunin siya and that is a great honor. Pero halatang napilitan kalang, kung sinabi mo sana sa kaniya agad marami naman sa'min ang gustong pumalit sayo and I'm sure hindi mangyayari ito," sabi ng babae na tinawag ni Xyron na Zion. Tumititig siya sa'kin at sa mga sugat ko.

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon