"BILISAN mo!"
Umalingawngaw ang malakas na boses ni Xyron. Hingal na hingal na akong pabalik-balik sa pagtakbo. Sa laki ba naman ng training ground sino ang hindi mapapagod? Tapos one hundred laps ang gusto niyang matapos ko. Hindi pa nga ako nangangalahati hihimatayin na yata ako.
"Pwede pahinga muna?"
"No." Nakasimangot akong muling tumakbo. Ang unfair lang siya ang sarap-sarap na nakaupo habang ako unti-unting namamatay. Hindi pa lumalabas ang haring araw at wala kaming kasamang ibang tao. May kawal kanina ngunit pinaalis niya.
Bigla akong natisod at napahiga sa lupa. "Hindi ko na kaya!" malakas kong sigaw.
"Kaya pa?" Nakalapit na siya at nakatingin sa'kin.
"Nagtanong ka pa, halata na nga masyado." Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong kargahin. Para akong nakuryente sa pagkakahawak niya.
"Ibaba mo ako!"
"Masama ang pakiramdam mo."
"Basta ibaba mo ako." Dali-dali akong tumakbo papalayo nang maibaba niya ako.
"Anong problema mo?" Tumakbo niya siya para habulin ako.
"Wala!"
"Baliw!"
Umupo ako sa kinauupuan niya kanina at nilagok ang nakita kong lalagyan ng tubig. "Tha..." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang malasahan ko na ang ininom ko at mabilis pa sa alas kwatrong napasuka.
"Anong klaseng inumin ba 'to?" Pilit kong inaalis ang lasa ng ininom. Ang anghang at ang alat.
"Isang klase ng alak." Kaya pala iba ang lasa.
"Bakit hindi mo sinabi agad!" Kainis, pinaypayan ko ang bibig dahil sa anghang.
"Hindi ka naman ng tanong, pinigilan kita pero huli na."
Ang malas ko ngayon, ang aga-aga. May inabot siyang isa na namang lalagyan.
"Ano naman 'yan? Alak?" Bigla niya akong binatukan. "Somosobra ka na!"
"Tanga, tubig 'yan." Mabilis kong binuksan ang inabot niya at nilagok ito. Tubig nga, akala ko alak na naman. Makatanga naman siya.
Pinagpahinga niya lang ako ng konti at balik naman kami sa training, tinuruan niya lang ako ng ilang stratehiya sa pakikipaglaban. May iilan pa kasing hindi ko alam.
"Hello!" Biglang lumitaw si Azman habang abala ako pag-iwas sa suntok ni Xyron.
"Anong ginawa mo rito Azman?" Nakaramdam ako ng kakaibang lamig sa tanong ni Xyron at sa masamang tingin niya. Ako naman ay kumaway sa kaniya at ngumiti, plastikan lang baka atakihin naman siya sa pagkabaliw.
"Dinalaw ko lang si Ireen," nakangising sagot ni Azman at hindi man lang natakot. Lumapit pa siya sa'kin at biglang hinawakan ang kamay ko. "Ang date natin huwag mong kalimutan." Kunot noo ko siyang tiningnan ngunit bago pa siya masuntok ni Xyron ay kumaripas na siya ng takbo.
"Date?" Tumindig lahat ng balahibo ko sa sama ng tingin ni Xyron sa'kin. At bigla nalang nagwalkout, iniwan akong nakanganga at pilit na inaalala kung nagyaya ba talaga si Azman sa'kin ng date. Teka, wala talaga akong maalala na nagyaya ang gunggong na 'yon. Lalong hindi naman ako papayag, baliw 'yon.
"Xyron!" Kumaripas ako ng takbo para habulin siya, walangya!
Hindi ko na nahagilap si Xyron kaya nagpahinga nalang ako sa kwarto. Ang laki talaga ng pagkatopak ng dalawa, ang hirap basahin.
Muli kong naalala ang napag-usapan namin ni Alia. Sa susunod na linggo ay may kaunting pagtitipon ang mga dalagang tulad namin. Siya na raw ang maghahanda sa lahat. Nakapagtataka nga at naging mabait ang babae sa'kin sa oras na 'yon. Nakasama ko siya sa hapunan kahapon at bumalik ang sungay niya. Mga baliw talaga ang mga taong nakatira sa palasyo, nagsimula kay Azman, sumunod na si Xyron at hindi na ako magugulat kung baliw rin si Captain Cordell.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...