Chapter 25: We Meet Again

397 20 2
                                    

4 Years Later

MARAMING nagbago, at lalo na ako. Noon, nakasuot ako ng dress at mahigpit na corset, pero tingnan mo nga naman piratang damit na ang suot ko, maliban nalang kapag nasa Barbosa. Kung takot ako noon, ngayon ay hindi na, mas malakas na kaysa dati, at payapa kong pinamunuan mag-isa ang Barbosa sa tulong narin ng Council. Ang hindi lang nagbago ay ang sakit na iniwan niya, at hanggang ngayon ay pilit ko paring pinipigilan pero patagal ng patagal lalong lumalala. Ngunit ang pagmamahal noon ay napalitan na ng puot at paghihiganti at 'yan ang nakatulong sa'kin para manatiling nakatayo kahit isang hamak na babae lamang.

"Captain!" Napalingon ako nang marinig ang malakas na katok sa pinto ng cabin. Ibinaba ko ang tasa ng kape para buksan ang sumigaw.

Mababakas sa kanilang mukha ang pagkabalisa at nerbiyos. Inabot ni Jael sa'kin ang spyglass at tinulak ako paakyat sa upperdeck. May paparating na dalawang barko, at halatang galing ito sa Mainland.

Palihim akong napangiti. "Alam niyo na ang gagawin, kill them!"

Nag-ingay ang lahat ng crew at walang kahirap-hirap naming napabagsak ang dalawang barko. Kasalukuyan nilang kinukuha ang mga mamahaling gamit para paghatian sa mga islang walang nakukuhang suporta sa monarkiya.

"Captain, babalik na ba tayo sa Barbosa?"

"Not yet," sagot ko sa tanong ni Stefan. Ang atat niyang umuwi para makita ang kasintahan niyang ilang buwan ng buntis.

"Cap. naman, nais kong makitang manganak ang mahal ko."

"Para anakan mo na naman?" Namula siya at tumawa ang lahat.

"Hindi mo pa nga siya pinapakasalan." Muntik ko na siyang mapatay nang malaman na nabuntis niya ito. Malapit kasi sa'kin ang kasintahan niya si Selena, na isa sa nagtatrabaho sa'kin. Mabuti sana kung pinakasalan niya ito bago nabuntis, pero inuna pa ang kalandian at pagkatigang.

"Nahihiya lang akong magpropose." Nakayuko niyang giit kaya nagsitawanan ang lahat dahil sa katorpehan.

"Tsk, torpeng pirata."

"Ikaw Cap., wala bang naghihintay sayo sa Barbosa? Kaya wala kang balak umuwi," tanong ni Peter sabay apir sa mga crew. May ngiting nakakaloko ang kanilang mga mukha at panunuksong tingin.

"Nais niyo bang isang taong hindi uuwi?" Mabilis pa sa alas kwatro silang tumayo at nagtulakan paalis.

"Sinong magliligpit nito!" Sa lakas ng boses ko aligaga silang nagsibalikan at naglinis sa mga naiwang gamit.

"Sabi nga namin Cap. maglilinis." Napailing nalang ako sa kapilyuhan ng mga crew. Iilan lang sa kanila matinong nakakausap ko. Tanging sila lamang ang nakakapagbiro sa'kin habang ang iba ay pirata ay hindi, takot na takot na nga kahit marinig lang ang pangalan ko.

Inabutan ako ni Roman ng alak, sa ilang taon ay natutunan kong uminom nito at unti-unting nasasanay. Bahagi na talaga ang alak sa buhay ng mga pirata. Pirates without rum are nothing. In the vast blue ocean, rum is the best gift to avoid missing our home. It helps us to endure the heat of the sun and the heavy rains.

Sabay-sabay kaming kumain sa lower deck at nakikipagsabayan sa mga biruan at kantiyawan. Apat na taon na ng ako ang naging Pirate Queen, maayos ang pamamalakad ko sa buong Barbosa, maglilimang buwan narin noong huli naming uwi.

"Cap, may dumating na sulat kanina." Inabot ito ni Eglin sa'kin.

"Salamat."

"Nga pala Cap, wala parin ba kayong balak umuwi?"

Sinamaan ko ng tingin si Peter. "May babae ka rin bang naiwan doon?"

Mabilis siyang umiling. "Ang tagal na po natin dito sa karagatan, uwi-uwi rin tayo minsan."

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon