TRIGGER WARNING!
DINALA nila ako sa isang pintuan at mula sa kinatatayuan ko ay maririnig ang sigawan ng mga pirata. Pagbukas nito una kong nakita si Monger na nakaupo sa gitna at gulat na gulat nang makita ako.
"Blimey! Oh, my dearest capture. You're so gorgeous tonight." Palihim ko siyang inirapan at nagsimulang naglakad papasok. "Come and sit beside me." Hindi pa nga ako pumapayag hinila na ako ng dalawang pirata papalapit sa kanilang kapitan. Wala man lang respeto sa desisyon ko. Padabog akong umupo, at pilit na iniiwasan ang tingin ni Monger.
"Very stunning, nagustuhan mo ba ang mga damit?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "What do you think? Do I look happy?"
Imbes na magalit sa sinabi ko ay mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti. "Feisty. Don't do that again, or I'll be very harsh to you tonight. I know you won't like it." Biglang nagtaasan ang balahibo ko sa ibulong niya. I wish something came up to end this nightmare.
Kahit masarap ang nasa hapag ay nahihirapan akong lumunok o sumubo kahit isang hiwa ng manok dahil sa malaswang mga titig nilang lahat. Ang kamay naman ni Monger ay pilit na gumagapang sa ilalim ng mesa patungo sa hita ko. Pilit ko siyang pinipigilan gamit ang mata at pagpalo sa kaniyang kamay na malikot.
Nilalaro ko lang ang pagkain habang walang ganang nakikinig sa kanilang balak sa buhay. Ngunit napunta ang usapan sa natanggap na liham ni Monger galing sa Pirate King.
"Alam niyo bang, sa liham palang ay ramdam ko na ang galit ng Pirate King." Damang-dama ko ang kaniyang titig sa'kin na para bang sinasadya niyang marinig ko ito. "Ibibigay niya ang trono, at bukas na bukas ay mapupunta na sa atin ang buong Barbosa at ako na ang mamumuno."
Bakit ipinagpalit ng Pirate King ang kaniyang kapangyarihan ng dahil lang sa'kin? Sino ba ako para iligtas niya?
"Ang nais niya ay ligtas at walang sugat na dadalhin natin ang babaeng ito. Payag ba kayo?" Hinila niya bigla ang buhok ko, napapikit ako sa sakit
"Hindi!"
"Hindi maaari!"
Kaniya-kaniya silang sigawan. "Kung gano'n, ay pagsawaan natin ngayong gabi ang babaeng 'to bago ibigay sa kanila na madumi at wala ng kwenta!" Nagsitawanan sila na umalingawngaw sa buong silid. Ito na yata ang tinutukoy ni Xyron noong nag-usap kami.
"Kung pagpipiliin ka, mas nais mo bang bumalik sa San Carlo o manatili sa'min?"
"Sa ngayon, nagugustuhan ko ang kakaibang paglalakbay kasama niyo. Simula pagkabata ay hindi ako pinayagan ni Lolo na umalis man lang o sumama sa kaniya sa ibang isla. Para akong ibon na nakakulong sa hawla. At bakit ko naman sasayangin ang pagkakataong ito? Minsan lang 'to, wala pangbayad sa pamasahe."
"Kahit mapanganib?"
"Sabi ni Lolo, kapag gusto mong gawin o makuha ang isang bagay, grab it. As long as it makes you happy, and you know the risk, and you're willing to take it too."
Kakayanin ko bang tanggapin ang panganib na ito? Para kasing hindi ko kakayanin, mas nanaisin kong itapon sa dagat kaysa pagsamantalahan ng iba't-ibang lalake. Ganito rin ba ang naramdaman ng mga babaeng? Nakaupo kasama nila habang taimtim na nagdadasal na sana mawala nalang na parang bula. Ganito rin ba ka kaba habang nakatingin sa orasan, na pilit mong dinadasal na sana umatras ang oras o tumigil na lamang?
Xyron, iligtas mo ako sa ganitong sitwasyon kahit ngayong gabi lang ay dumating ka.
"Xyron, kung may mangyari man. Nandoon ka ba para iligtas ako?"
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...