Chapter 24: Wedding Contract

396 20 1
                                    

NAPAG-ISIP-ISIP ko na pumuntang bayan. Simula nang marating namin ang bagong isla ay hindi na ako nagpakita sa mga mamamayan. Alam ko namang naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Mas minabuti kong magsuot ng balabal para makakubli. Malaki ang pinagbago pagdating ko, may iilang kabahayan na ang natapos at sinunod nila napag-usapan namin. Napadaan ako sa mga nagtitinda ng sari-saring gamit.

"Bili na po kayo!" Napalingon ako sa batang babaeng sumigaw. Wala siyang tindahan at tanging hawak lamang ay isang basket ng mansanas. Lumapit ako sa kaniya at inabutan siya ng pera.

"Ilan po ang bibilhin niyo?"

"Dalawa." Binigyan niya ako ng dalawang mansanas. Susuklian na sana niya ako ngunit hindi ko tinanggap.

"Huwag na, keep it."

"Salamat po." Ngumiti siya sa'kin bago tumakbo paalis.

Kumakagat ako ng mansanas nang mapadaan sa grupo ng mga kababahian.

"Narinig niyo ba ang kumakalat na balita?"

Napakunot ang noo ko sa kanilang pinag-usapan. Hindi naman ako katulad nilang chismosa pero parang gano'n na nga. Nais ko lang makilala ang ang sinasakupan ko. Pasimple akong tumitingin sa pinakamalapit na tindahan ng mga alahas para makarinig.

"Maraming nagsasabi na hindi sila kumbinsido sa pamumuno ng anak ni Captain Cordell dahil babae ito at hindi lumaki sa Barbosa."

"Talaga?

"May punto naman sila. Malamang mahihirapan siya."

Napakuyom ako nang marinig mismo sa bibig nila. Hindi pa nga ako opisyal na nasa trono hinuhusgahan na agad.

"Ano naman ang alam niya sa kalakaran natin? Malamang mas nababagay pa tayo dahil alam at kilala natin ang Barbosa."

Nagsitawanan sila, ang kapal naman ng mukha.

"Kung ako sa kaniya, mas mabuting hindi nalang niya ituloy at bumalik nalang sa lugar kung saan siya nanggaling."

Pilit kong pinipigilan ang sarili na hindi umalma at naalala ko ang aral na tinuro ni Lolo Esteban.

Ang edukadong tao hindi pumapatol sa walang asal na mga bibig na tanging alam lang ay pagchismisan at laganapin ang walang kwentang balita.

"Tingnan mo nga, hindi man lang siya nagpakita o kahit nagparamdam man lang sa'tin."

"May punto ka, kung responsable siya sa trono dapat sa simula pa lamang ay nagpakita na siya sa lahat at kilalanin tayo. Mas maganda ngang maging bukas siya sa'tin"

Napapikit nalang ako sa inis. Paano nila nasasabi ang mga ganyang salita? Nawalan din sila at hindi lang ako, alam nila kung gaano kahirap mawalan ng minamahal.

"Look at her, Hindi siya kagandahan. Sa totoo lang dapat tayong magalit eh, niloko tayo ng Pirate King, itinago niya sa'tin ang katotohanan. Hindi pala ang babaeng pinakilala niya sa kasiyahan ang totoo niyang anak."

"Tama ka, gulat na gulat din ako sa balitang 'yan. Paano nila nagawang lokohin lahat ng kaniyang sinasakupan? At isa pa hindi man lang pinaliwanag kung bakit nila 'yon nagawa."

"Oo nga pala, kahapon kumakalat na si Miss Ireen ang dahilan ng lahat. Siya raw ang nais makuha ng Mainland. Kaya dapat siyang ipatapon sa Barbosa. Kung wala siya edi sana hindi nangyari ang lahat ng ito."

"Ano ka ba naman, Gracela. Hinay-hinay at baka may makarinig sayo. Kung wala siya sino ang papalit? Ikaw?" Nagsitawanan naman na nakakairita sa tenga.

"Edi ang pamilya ni Captain Azman."

"Oo nga, sila ang isa sa pinagkakatiwalaan ng buong Barbosa."

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon