AGAD akong napabalikwas nang maramdaman ang pagbuhos ng malamig na tubig sa aking mukha. Isang hindi pamilyar na tao na may hawak na balde ang nakatayo sa harapan na may ngiti sa labi.
"Gising ka na!" Buong galak niyang sambit at kitang-kita kung gaano ka sira ang ngipin na meron siya. Iniwan niya akong nanginginig sa lamig dahil sa ginawa niya.
Nilibot ko ang mata sa paligid, napasimangot ako nang makitang nasa isa akong kulungan. Nakakadiring tingnan ang mga dumi sa gilid at may mga daga gumagapang. Aaksyong tatayo na sana ako pero agad kong napansin nakagapos ang magkabila kong kamay at paa. Nakuha nila ako ng walang ka hirap-hirap. Wala na bang pahingang pagkakadakip sa'kin? Una si Heneral Lorenzo ngayon naman mga masasamang pirata. Noong umulan ng kamalasan sa mundo, balde-balde yata ang nakuha ko.
"Ilabas niyo ako!" Pilit kong sinisipa ang rehas gamit ang paang nakagapos ngunit isang boses ang pumigil sa'kin.
"Itigil mo 'yan, masasayang lang ang lakas mo." Paglingon ko sa kabilang rehas ay nandoon ang isang grupo ng mga kababaihan. Hindi sila nakagapos tulad ko ngunit mapapansin ang sira-sira nilang damit, sabog ang mga buhok at madumi ang kanilang mukha.
"Anong ginagawa niyo rito?" Umayos ako ng upo at sumandal sa dingding.
"Kinuha nila kami at inilayo sa aming tahanan," paliwanag ng isa sa kanila at napaiyak na nasundan na ng iba. Ano naman ang gagawin nila sa mga ito? Napatigil ang kanilang pag-iyak nang marinig ang pagbukas ng pinto, tatlong lalake ang pumasok at ang barakong pirata lang ang pamilyar sa'kin.
"Magandang araw mga Binibini," bati niya sa mga babae. "At sa 'yon na rin." Sabay tingin niya sa'kin. "Maganda ba ang pananatili mo sa magarbo kulungan?"
Masama ko siyang tinitigan, kung nakakamatay lang ang pagtitig marahil nakahilata na siya sa sahig. "Magarbo na ba ang tingin mo rito, o nagpapatawa kalang?"
Kung lobo pa siya ay isang tarak lang ng karayom malamang sasabog na siya sa laki ng kaniyang katawan. Ang double chin niyang lumaylay na at kapag naglalakad ay para itong sumasayaw.
Humagikgik siya at ang iba niyang kasama. "Kahit anong gawin mo para magmukhang iba ay makikilala at makikilala kita. Sa mala-karagatan mo palang na mata ay hindi na nagsisinungaling sa'kin."
Napakuyom ako sa sinabi niya, dahil lang sa kulay ng mata ko mararanasan ko ang ganitong mga pangyayari.
"Ako nga pala si Captain Monger," pakilala niya.
"Anong pake ko?"
May binulong siya sa kaniyang tauhan at binuksan ang aking kulungan. Napaatras naman ako nang pumasok siya at unti-unting lumapit. Narating ko na ang kanto at mabilis niya akong nahagip. Marahas niya akong hinawakan sa mukha. "Alam mo bang nangangati na ang kamay at ang mga crew para galawin ka sa kagandahan mong taglay. Hindi naman kami napagsabihan na mala-diyosa ang ganda mo."
Nilapit niya ang kaniyang mukha kaya pilit kong makawala sa pagkakahawak niya. Damang-dama ko ang mabaho niyang hiningang tumatama sa balat ko. Ilang taon na ba ang dumaan noong huli itong nagsipilyo?
"Swerte ka lang at hindi mo pa oras, malaki ang makukuha kong pera sa Pirate King at may tiyansang ibigay niya ang trono sa'kin kapag malaman niyang napasakamay kita. Gagalawin lang kita kapag makakuha na ako ng sagot niya. Para sa oras na makita ka niya, hindi ka na buo at masahol ka pa sa maduming babae," umalingaw-ngaw ang kaniyang tawa at umalis.
Nanggagalaiti akong suntukin siya sa mukha kung hindi lang ako nakagapos. Nang tuluyan na silang umalis ay nabalot ng katahimikan ang paligid at ramdam ko ang tingin ng mga babae sa kabilang rehas na nakatitig sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)
RomancePirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. On a small island of San Carlo, a young lady named Ireen with ocean blue eyes taken by the pirates, an order from the Pirate King. And she m...