Chapter 15: Running Away

449 23 0
                                        

SA unang pagkakataon nakaapak narin ako sa sentro ng Barbosa. Napakaganda ng isla, maraming mga tindahan, mga resto bar, at kainan. Hindi ko maiwasang mapanganga habang naglalakad kami patungo sa kaharian ng Pirate King.

May suot akong balabal para makaiwas sa tingin ng mga kasabay namin patungo rin sa kaharian. Abala ang lahat dahil sa kasiyahan na mangyayari. May mga batang nagtatakbuhan, habang may dalang mga bulaklak. May isang batang babae na tumigil sa aking harapan.

Ngumiti ako sa kaniya, at lumuhod ng konti para pantayan siya.

"You're beautiful," titig na titig niyang sambit.

"Thank you."

Kinuha niya ang asul na bulaklak sa kaniyang basket at ibinigay ito sa'kin. "You deserve more than a flower, but I think this flower suits the color of your eyes." Ngumiti muna siya bago tumakbong umalis. Napatitig ako sa ibinigay niyang bulaklak na kakulay ng mata ko. Isinabit ko naman ito sa tenga.

Napanganga ako nang matanaw na namin ang napakalaking kastilyo. Hindi ko maiwasang makaramdam ng excitement, ito kasi ang unang pagkakataon na dadalo ako sa ganitong kasiyahan.

Sa labas palang ng tarangkahan ay bata-batalyong mga guwardiya ang nakabantay. May ilang dumating na lulan ng karwahe.

Pagpasok ay sasalubong magandang damuhan ng kaharian na namumutiktik sa mga bulaklak, may fountain sa gitna, at may nakahilerang ilaw sa daan.

"Malapit na tayo," giit ni Aling Bettina.

Bago makapasok sa loob ay kailangang ipakita ang imbitasyon. Kaya hinarang muna kami ng dalawang guwardiya. "Invitation?"

Inabot ni Aling Bettina ang sobre. "Okay, but please remove your cloak," utos nito sa'kin.

"Okay." Nakayuko kong ibinaba ang talukbong sa ulo, bago tinggal ang balabal. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa mga taong labis ang titig sa'kin, at ang dalawang guwardiya.

"Maaari na ba kaming makapasok?" tanong ni Aling Bettina.

"Yes, Madam." Malaya nila kaming pinapasok ngunit ramdam ko ang tingin ng ilang bisita sa direksyon namin.

"Ang ganda mo kasi, nakukuha mo agad ang atensyon ng lahat," bulong niya sa'kin.

"Aling Bettina naman kasalanan ko bang maganda ang gown na ginawa mo."

Tumawa nalang kaming dalawa, at umupo sa bakanteng mesa. Pilit ko paring iniiwasan ang tingin ng iba. Sana pala ay nakiusap nalang akong hindi tanggalin ang balabal. Mabuti nga, at ang napili naming mesa ay hindi masyadong halata, at nasa tagong bahagi.

Palingon-lingon ako sa paligid, maraming hindi pamilyar na mga mukha ang nakikita ko. Gustong makita ang crew ng Argon ngunit sa dami ng tao masyadong imposible. Maganda ang dekorasyon ng hall, at sa harapan sa may bandang kanan nandoon ang grupo ng mga musikero. Sa 'di kalayuan ay makikita ang hilera ng nakahandang pagkain. Sa gitna ay matatanaw ang malaking entablado na may dalawang gintong trono, at sa likod nito ay ang napakalaking hagdanan.

Umayos na ako ng upo nang may lumabas sa entablado . "Magandang gabi sa inyong lahat! Ikinagagalak ng Pirate King ang inyong pagdalo." Nagpalakpakan ang lahat, at ginaya ko naman ang ginawa nila.

"Ngayon, tawagin na natin ang Pirate King, at ang kaniyang magigiting na mga Captains." Isa-isang lumabas at bumaba sa hagdan ang mga pamilyar na mukha, mula kay Captain Casper hanggang sa ilang kapitan, ang huli ay si Zion na suot ang pampirata niyang damit. I'm glad they are safe ngunit nasaan si Xyron?

Isang malakas na pagtambol ang sumunod, at parang yatang tumigil ang oras sa pagbukas ng malaking pinto sa itaas ng malaking hagdan. Ilang saglit ay makita ko ang tatlong lalake. Napanatag naman ang loob ko nang makita sa kaliwa si Xyron, suot ang isang magarang damit. Hindi parin nagbabago ang seryoso niyang titig na wala man lang ka emo-emosyon. Ang kanang lalake ay hindi pamilyar sa'kin ngunit kabaliktaran siya ni Xyron, nakangisi ito, at parang napakasaya sa atensyon na kaniyang nakukuha. Nang dumapo ang tingin ko sa nasa gitna ay napakunot ang noo ko, at hindi maalis ang mata sa kaniya. Halatang may katandaan na pero kitang-kita parin ang kagwapuhan na taglay. May suot siyang kulay itim na pampiratang damit, at isang kumikinang na korona sa ulo.

The Pirates And I (PUBLISHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon