Kabanata 6

61 4 0
                                        

GRASIA

“Dahil d'yan sasabayan mo ako sa pagkain! Bawal tumanggi! Kapag hindi pumayag hindi na magkakajowa! Magiging single na forever!”

Natawa naman siya sa akin. “Ang daya mo, wala akong kawala. At ayokong maging single forever 'no!” sagot niya agad.

Nagtawanan na kaming dalawa. Excited niyang iniayos ang mga pagkain, prutas at itinabi ang damit sa kama ko. May nakita naman akong lugaw! Napalingon naman ako sa tupperware sa mesa. May lugaw rin doon na dala ni Sir Linnus.

“Let's eat! Baka lumamig pa 'to!” aya niya sa akin. Kumuha lang siya ng isang upuan at magkatapat na kaming kumain.

“Yes ang sarap! Kanina pa talaga ako nagugutom!” sambit ko nang matikman ang lugaw.

“Special porridge 'yan ni Mommy... Palagi niya niluluto kapag nagkakasakit kami ni Hino,” sabi niya habang isinasalin ang mga hiniwang mansanas sa platito.

“Ang swerte niyo sa Mommy niyo! Maganda na mabait pa, tapos masarap din magluto!” hindi na mawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ko.

“Dapat pala sinama ko rito si Mom para narinig niya 'yang sinasabi mo,” sabi niya habang nilalagyan ng mga prutas ang plato ko.

Natawa naman ako. “Totoo nga... Hindi katulad ni Ma'am Shi—ay wala! Hayaan mo na nga!”

Hilaw naman akong natawa. Bakit ba ino-open ko pa ang mga ganoong usapan? Dapat kumain na lang kami at magpakasaya.

*knock*knock*

Nagbukas ang pinto at pumasok ang isang nurse. May bitbit itong supot na kulay brown.

“May nagpapaabot po nito, room 323 daw po eh,” sabi ng nurse.

“Yes, this is room 323. What's that?” tanong ni Chen.

“Hindi ko po alam Sir, pinaabot lang no'ng lalaki na nakasalubong ko.” Inilapag na lang no'ng nurse 'yung supot sa tabi ng basket na dala ni Sir Linnus. Nagtaka naman ang mukha ni Chen nang makita ang mga pagkain doon.

“Galing 'yan kay Sir Linnus,” banggit ko saka napadako ang tingin ni Chen sa akin.

“What? Kay Linnus? Pumunta siya rito?” sunod-sunod niyang tanong.

“Uhm, nagulat nga ako eh. Akala ko ikaw 'yung dumating,” sagot ko. Tumayo si Chen saka lumapit doon.

“Nurse, kindly get this basket. We don't need it here. Just bring it back to the guy or throw it away,” ani Chen. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Pati ang nurse ay nalito na rin.

“Po?” tanong ng nurse.

Iniabot naman ni Chen ang basket sa nurse. Walang nagawa ang nurse kaya lumabas siyang dala ang mga pagkain na galing kay Sir Linnus. Bumalik na si Chen sa pagkakaupo.

“May problema ba?” tanong ko agad.

Umiling lang siya. “Nothing. Just don't accept any foods from them especially from Tita Shirley... What if they put a poison on the foods?” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ganoon ba talaga sila kalala?

“I warned you, Grasia. Makinig ka na lang sa akin.”

* * * * *

Nang ma-discharge ako galing ospital ay dumiretso kami ni Chen sa kanilang mansyon. Dahil sabi ng doktor kailangan ko pa nang maayos na pahinga. 'Yung bills naman sa ospital sinagot daw ni Sir Xin.

“Mana... may trabaho pa kaya akong babalikan?” tanong ko habang yakap-yakap ang unan sa kama ni Mana. Kasalukuyan siyang nagtutupi ng mga damit niya. Habang ako ay pinapanood ang ginagawa niya.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon