GRASIA
“OMG! Sebastien!” mabilis naman na humabol si Cassy kay Chen. Tumayo na rin si Sir Xin at hinila si Ma'am Shirley sa kinauupuan nito bago tuluyang lumabas ng resto. Napailing-iling naman si Sir Xico dahil sa nangyari kanina.
“Da, I'm sorry napatulan ko na naman si Shirley.” Paghingi ng tawad ni Madam Helena sa kaniyang asawa.
“It's okay, Darling. It's not your fault... Magaspang lang talaga ang ugali no'n,” sagot naman ni Sir Xico sa kaniyang asawa.
Nang tumayo silang mag-asawa ay tumayo na rin kami ni Linnus maging si Sir Hinoeh at ang girlfriend niya. Lumapit naman si Madam Helena sa akin.
“Ayos ka lang ba Grasia?” tanong niya.
“O-opo, salamat po pala sa pagtatanggol kanina,” sagot ko.
“Wala 'yon, hija! Basta ikaw.” Malapad siyang ngumiti sa akin at hinaplos ang likod ko. “Oh siya, mauuna na kami huh... Linnus, Hinoeh, Kaye mag-iingat kayo.”
“Yes, Mom! Ingat din.” Nakangiti rin na nagpaalam si Sir Hino sa mommy niya.
“Ingat, Tita!” iyong girlfriend naman ni Sir Hino.
Nilingon ko naman si Linnus. Napansin ko na kanina pa rin siya tahimik. Ni hindi nga rin siya nakisali sa pakikipagtalo kanina. O baka mas pinili na lang niyang tumahimik dahil away matatanda iyon... Na ako ang naging sanhi. Kasalanan ko yata kung bakit sila nagkagulo.
“Linnus... Sorry, kasalanan ko yata 'to—”
Lumingon naman siya sa akin agad. “No, it's not. It was Shirley's fault. Don't think about it.”
* * * * *
Mansyon 2
“Grabe ka beh! Hindi mo naman kami in-inform na may something na sa inyo ni Sir Linnus!” pang-aasar naman ni Ate Budang.
Kaaga-aga ay inaasar nila ako. Hindi yata nakaligtas sa radar nila na ako iyong isinama ni Linnus sa family lunch noong isang araw. Ewan ko ba kay Ate Susan at mabilis na naichismis 'yung nangyari.
“Nako Ate Budang, issue ka masyado!”
“Sus, Grasia! Kunwari ka pa!” tiningnan naman niya ako ng nakaloloka.
“Wala nga... At saka nasaan na ba si Mana? Kanina pa yata siya wala ah?” pag-iiba ko ng usapan.
Kanina ko pa kasi siya hinihintay dito sa kusina. Dahil ang sabi niya may ibibigay raw siya sa akin kaya niya ako pinapunta rito. Mabuti na lang at wala kaming trabahuin sa kabilang mansyon kaya may time ako.
“Nasa taas pa iyon malamang, may mga bisita kasi sila Madam ngayon,” sagot naman ni Ate Budang. “Iyong mga magulang ni Ma'am Cassy...”
“Ah kaya pala, sige hintayin ko na lang si Mana rito.”
Kinuha ko muna ang aking cellphone at sinubukang tawagan si Tantan para makausap ko naman si Lola kahit sandali. Ilang ring pa ay sinagot na ang aking tawag.
“Hello? Ate Grasia?” nababatid kong sa boses pa lang ni Tantan ay bagong gising pa lamang siya. “Wala si Lola rito, nasa simbahan pa.”
“Hoy bata ka! Bakit ngayon ka lang nagising ha?!” napatayo agad ako at lumabas papunta sa likod ng mansyon. “Nagpuyat ka na naman kaka-online games mo ano?!”
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...