Kabanata 34

51 4 0
                                    

GRASIA

Nagmadali akong lumabas ng maid's quarter dahil male-late na ako sa date namin ni Chen. Dito na muna ako tumutuloy sa kanila dahil hindi naman ako nakauwi ng San Lorenzo noong isang linggo. Sabi kasi ni Chen gusto niyang masulit muna ako. Ano 'yon, pagkain lang ang peg?

“Ay! Talagang bata ka!” sigaw ni Mana nang magkasalubong kami sa pasilyo. “Magdahan-dahan ka nga!”

“Mana male-late na ako sa date namin ni Chen!”

“Ang OA mo Grasia, kung maka-late ka naman akala mo na sa ibang bansa pa date niyo... Eh, d'yan lang naman sa second floor.”

Ngumuso naman ako. “Ano naman Mana? At least may date! Nakakahiya pa rin kahit late 'no!”

Nakanguso akong paakyat ng ikalawang palapag. Kahit kailan talaga si Mana, basag trip lagi. Eh, ayoko ngang ma-late saka alas otso usapan namin ni Chen. 'Yung date namin eh doon sa kwarto niya. Ewan ko ba roon ang daming pakulo sa buhay.

Dahil nga sa mansyon lang kami ay nagsuot na lang ako ng simpleng damit. Sa sobrang simple pajama at t-shirt lang ang suot ko ngayon. Napabuga ako ng hangin bago tumigil sa tapat ng pinto ng kwarto ni Chen. Ito ang unang beses ko na makakapasok dito. Kakatatok pa lang sana ako nang bigla itong magbukas.

Madilim ang paligid nang magbukas ang pinto. “Hoy, ano ba 'to? Horror room?”

Wala namang sumagot sa akin. Kaya pumasok na ako sa loob. Maya-maya pa ay isa-isang umilaw ang tinatapakan ko, dahil sa mga pailaw. Saka ko lang din nakita na may mga petals ng bulaklak sa sahig.

“Ang shala mo ha, may pa-christmas lights ka na kahit wala pang BER months,” sabi ko habang pinipigilan ang pagtawa.

Isang ilaw naman ang nagbukas sa itaas. Dim lang ito at hindi ganoon kaliwanag. Kaya unti-unti ko na rin nasisilayan si Chen malapit doon sa bintana niya. Sinindihan naman niya ang mga kandila na nakalagay sa mesa. May naka-ayos na rin doon na mesa at mga silya.

“Ang bongga, effort kung effort.” Lumapit na ako sa kung saan siya naroroon. Pumulupot ang kaniyang kamay sa aking bewang saka ako hinalikan sa noo.

“Did you like it?” tanong niya.

“Uhm, sobra!” sagot ko.

“Bago ang lahat... Let's take a picture.” Kinuha naman niya ang itim na camera na nakapatong sa mesa.

“Papakitaan mo ba ako ng photography skills mo?” nakangiti kong tanong.

“Bakit hindi? Kahit buong araw pa kitang kuhanan ng litrato hindi ako magsasawa.”

“Buong araw lang?”

“Forever.” Hinigit naman niya ako saka humalik ulit... Sa pisngi.

“Sus! Nakakadami ka na ha! Sabi mo magpi-picture muna?”

Natawa na lang siya sa akin. Matapos niyang ihanda ang camera ay umayos na kami ng puwesto. Maraming pose pa ang nagawa namin bago natapos. Halos lahat yata ng dinisenyo niya ay may litrato kami. Mula sa mga petals, christmas lights, balloons at bouquet ng flowers na ibinigay niya. Kinuhanan niya ako ng mga pictures.

Pagkatapos naming kumuha ng mga litrato ay pinagsaluhan na namin ni Chen ang mga ipinahanda niyang pagkain. Sila Mana pa ang nagluto nito para sa amin, dahil espesyal na araw namin ngayon ni Chen. Pagkatapos naming kumain ay inalalayan naman ako ni Chen doon sa veranda ng kaniyang kwarto.

Hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit at niyakap ako mula sa likod.

“Grasia...” panimula niya.

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon