GRASIA
Akala ko ay wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayong gabi. Masakit na sa pakiramdam iyong balewalain mo 'yung taong nagmamahal sa'yo... Lalo na't alam mo sa sarili mo na ganoon din ang nararamdaman mo para sa kaniya. Masakit pero kailangan mong tanggapin at magparaya. Pero hindi pa pala roon natatapos ang lahat.
Dapat sana ay umalis nalang ako nang tuluyan doon at hindi ko na ginawa pang makinig sa usapan nina Linnus at Ma'am Cassy. Isa iyong malaking pagkakamali na ginawa ko at pinagsisisihan ko.
Saglit din akong napa-isip. Kung hindi ko rin ba pina-iral ang pagiging usi ko... Ay patuloy pa rin niya sa akin na gagawin 'yon? Patuloy pa rin akong mahuhulog sa mga matatamis niyang salita at mapagpanggap niyang mga kilos. Hanggang sa paglipas pa ng mga panahon?
“What are you talking about Cass?” batid ko palang sa boses ni Linnus ang galit. Bakit siya nagagalit kay Ma'am Cassy? Bakit sila nagtatalo rito?
“Tss, don't fool me Linnus. I know you, hundred percent,” asik ni Ma'am Cassy sa kaniya. “Alam ko naman kung bakit mo nilalandi 'yung muchacha niyo!”
“Stop! Wala kang alam!”
“Ano ka ba Linnus, sa dinami-rami ng babae sa mundo bakit 'yung babae pa na 'yon? Sobrang baba na ba ng taste mo?” napapatakip na lang ako ng bibig dahil sa mga masasamang sinasabi ni Ma'am kasi... Alam ko naman na ako ang tinutukoy niya.
“Cass! Stop acting like this? Kailan ka pa ba nagkaroon ng pakialam sa buhay ko huh?! Ang unahin mo 'yung engagement niyo ni Chen!” malakas na sigaw ni Linnus.
“Ha ha ha. Ayan ang pinsan mo. Bakit? Nagseselos ka pa rin ba? Ano ba naman Linnus? Layuan mo na ako. Doon ka na lang sa muchacha mo.”
“H'wag mong idamay si Grasia rito!”
“Wow, bakit parang pinagtatanggol mo naman masyado 'yung babaeng 'yon! Bakit? Maganda ba ang serbisyo huh?! Masarap ba—” isang malakas na sampal ang narinig ko. Unti-unti nang naglandas ang luha sa pisngi ko.
“Kung wala kang magandang sasabihin kay Grasia, please, itikom mo na lang ang bibig mo.” Lalong sumeryoso ang boses ni Linnus. Sinampal niya ba si Ma'am Cassy?
“You fucking jerk!” basag na ang boses ni Ma'am Cassy at halatang nanggigigil na ito. “Mahal mo na siya? Kaya nagagawa mo na sa akin ito? Hindi ba ako ang mahal mo?”
“Ikaw ang unang bumalewala sa akin Cass, hindi ba ikaw 'yung patay na patay kay Chen?”
Kahit naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila ay patuloy pa rin akong nakikinig.
“Paano kong sabihin ko sa muchacha na 'yon na ginagamit mo lang talaga siya!”
Ano? Ako ginagamit lang ni Linnus? Bakit?
“Manahimik ka, Cass.”
“Are you afraid na malaman niya o takot ka kasi masasaktan ka na rin Linnus kasi mahal mo na siya?”
“Sino ka ba para pangunahan ang buhay ko huh?!” isang sarkastikong pagtawa lang ang sinagot ni Ma'am Cassy.
“Mamaya malalaman mo sa engagement,” pahabol na sagot ni Ma'am Cassy. Pagkatapos noon ay narinig ko na ang mga yabag na palabas na siya ng CR. Kaya nagmadali na akong tumakbo palayo roon.
“Grasia, ayos ka lang ba? Kaya mo bang um-attend ng party?” nag-aalalang tanong ni Mana.
“Opo, Mana,” tipid kong sagot. Alam kong simula pagbalik ko kanina ay nag-aalala na siya. “Espesyal na araw po ito ng bestfriend ko, nakakahiya naman po kung wala ako roon.”
Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya habang sinusuklay ko ang aking buhok sa harapan ng salamin.
“Grasia, alam kong nasasaktan ka ngayon. Pero hindi ka magiging masaya kung itatago mo lang 'yan lahat sa sarili mo.” Parang kung anong patalim ang tumama sa dibdib ko nang marinig ang sinabi ni Mana. Grabe Mana, mapanakit masyado.
Ngumuso naman ako sa kaniya. Tiningnan niya lang ako ng walang gana at saka kinurot sa tagiliran ko.
“Aray ko Mana! Ngayon naman namimisikal ka! Hmp!”
“Hayst, ewan ko sa'yo Grasia... Tama nga si Nay Rosita at dalaga ka na nga. Marunong ka na ngang lumablayp—”
“Mana naman eh!” pagmamaktol ko sa harap niya na parang bata.
“Tantanan mo ako Grasia, mukha kang ewan d'yan. Hindi bagay sa'yo.”
“Tss, tara na nga.” Pag-aya ko sa kaniya. “Late na tayo eh.”
Umirap naman siya sa akin. Kaming dalawa na lang kasi ni Mana ang naiwan dito. Dahil kanina pa nauna sila Ate Su, Ate Baby, Ate Budang at Ate Vicks doon sa venue kung saan gaganapin ang party.
...
Isang open space area ang napiling venue ng pamilya ni Ma'am Cassy. Sa paligid nito ay bukas na bukas at mataas ang ceiling ng lugar. Maging ang amoy ng dagat ay abot sa pwesto namin. Ang simoy ng hangin ngayong gabi ay talagang dumadampi sa aming mga balat. Medyo magarbo ang disenyo ng venue at marami ang pagkain.
Naka-beach outfit ang mga bisita. Hindi masyadong bongga dahil nasa resort naman kami at ganoon talaga ang tema ng party. Iyong iba pa nga ay naka-bikini na at pinatungan na lang ng see-through dress.
Matagal nagsimula ang pagdiriwang dahil wala pa ang soon to be engage couple. Kahit anino ni Linnus ay hindi ko makita sa loob ng venue. Maya-maya pa ay nagbukas ang malaking entrada ng venue. Magkahawak ng kamay na pumasok sina Chen at Cassy, kasabay nito ang malakas na palakpakan ng mga bisita.
Parang may bumara bigla sa lalamunan ko. Masayang-masaya si Cassy habang naglalakad samantalang si Chen ay halos hindi maipinta ang pagmumukha.
“Mana, punta lang ako sa CR... Napadami yata pag-inom ko ng juice.” Napalingon naman si Mana sa akin at si Ate Budang na katabi niya.
“Ha? Mag-uumpisa na oh... Oh siya bilisan mo at bumalik ka kaagad ha,” ani Mana.
Tumango naman ako at umalis agad sa puwesto namin. Dahil nasa bandang dulo naman kami at malapit ang puwesto namin sa exit ay mabilis akong nakalabas. Paglabas ko ay agad kong tinanggal ang suot kong sandals para makapaglakad nang maayos sa buhanginan.
Imbis na sa palikuran ang aking tungo ay kusang pumihit ang aking mga paa at dumiretso na lang sa dalampasigan.
* * *

BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...