GRASIA
“Grasia... Ineng... Gising na.” Dahil sa malakas na pagyugyog sa akin ay agad na nagmulat ang mata ko. Napabangon ako bigla nang makita si Ate Vicky sa gilid ng kama ko.
“Ah!! Anong oras na Ate?” kaagad kong tanong.
“Alas otso na,” aniya. “Hindi ko na kayo ginising ni Susan kanina... Alam kong mga pagod kayo.”
Tumayo na ako at niligpit ang hinigaan ko. “Naku ate! Late na ako sa trabaho!”
“Grasia, ano ka ba? 'wag ka na mag-alala... Alam mo namang nagparty rin sila Sir at Ma'am kagabi,” sambit niya habang natatawa. “Tulog pa rin sila hanggang ngayon, baka tanghaliin na rin iyon ng gising.”
“Ahhh! Akala ko... Ayoko mawalan ng trabaho—teka, Ate Vicks? Hinatid ba ako ni Mana rito kagabi?” tanong ko.
Pinagmasdan ko naman si Ate Susan sa kama niya. Ang himbing pa ng tulog niya, pagod na pagod yata siya kapa-party kagabi.
“Hindi ko alam, mahimbing ang tulog ko kagabi eh. Saka no'ng naalimpungatan naman ako nand'yan ka na sa higaan mo,” aniya.
“Ha? Ako lang mag-isa? Si Ate Susan hindi ko kasabay?” tanong ko pa.
“Ikaw lang ang nakita ko. Bakit hindi mo ba maalala na pumasok ka rito?”
Napangiwi naman ako saka umiling. Bakit wala akong maalala kahit isa? Anong nangyari sa akin kagabi?!
Teka...
“Ate? Binihisan mo ba ako? Bakit nakapantulog na ako?” hindi na maubos ang tanong sa isipan ko.
“Hindi rin, nakabihis ka na no'ng nakita kita d'yan sa higaan mo,” sabi niya saka pumunta naman sa puwesto ni Ate Susan.
“Ha?” napahawak naman ako sa ulo ko.
Wala akong maalala. Hindi ko rin matandaan na nagbihis ako ng damit... Pati kung paano ako nakauwi ng mansyon! Kung paano ako nakapunta rito sa higaan ko?!
“Hoy Susan! Bumangon ka na r'yan!” dinig kong paggising ni Ate Vicky kay Ate Susan.
Nakahawak pa rin ako sa ulo ko. Oh my gosh! Bakit wala akong maalala kahit isa? Anong ginawa ko kagabi? Halos sambunutan ko na rin ang sarili ko dahil sa sobrang inis.
“Tumayo na kayo agad, maligo na kayo... Nagluto ako ng may sabaw roon... Pampawala ng hangover niyo,” ani Ate Vicks. “Kumilos na kaagad kayo, baka lumamig na iyon.”
Napahiga ulit ako sa kama at tumitig sa kisame. Kahit anong piga ko sa utak ko... Wala talaga akong maalala!
* * * * *
Pagkatapos nang maranasan naming party ay isang damakmak na linisin ang ginawa namin sa loob at labas ng mansyon. Panay reklamo pa si Ate Susan kasi hindi naman dito sa amin nagparty, kung bakit ba naman naisipan noong bruha naming amo na magpalinis kahit hindi naman marumi.
“Grasia... Ang sakit na ng balakang ko.” Dahil kanina pa nga nagrereklamo si Ate Susan wala na akong nagawa kun'di ang magpatuloy.
Kahit nangangalay na rin ako ay hindi pwedeng tumunganga kami. Baka makita pa kami ni Ma'am Shirley na nakatunganga rito. Itong wawalisin na lang sa labas. Last na talaga, puwede na kaming magpahinga!
“Grasia, hindi ka ba napapagod?” tanong ni Ate Susan sa akin habang nagdadakot ng mga natuyong dahon.
“Napapagod... Eh, trabaho natin 'to kaya kailangan kong gawin... Mamaya na lang ako magpapahinga,” ani ko.
“Aww... Nahiya naman ako sa'yo.” Napalingon naman ako sa kaniya at ngumiti. Papatayo na sana siya nang pigilan ko ito.
“Ano ka ba Ate? Para kang sira d'yan, magpahinga ka na kaunti na lang naman ito... Ako na tatapos.”
“Sige, salamat!”
Mabilis ko rin nawalis ang ilang mga natuyong dahon. Pagkatapos itinali ko na ang sako at diniretso palabas ng mansyon. Sakto at padaan na rin iyong truck ng basura rito sa loob ng subdivision.
“Miss, isama mo na 'yan dito! Kaya mo ba?” sigaw noong lalaki.
Dahil hindi naman kabigatan ay agad kong nabuhat ang sako at iniakyat sa likod ng truck. Namangha ako nang makita ang mga nakaayos na sako ng basura.
“Salamat, miss! Buti ka pa hindi maarte, 'yung ibang kasambahay roon ang aarte eh,” sambit naman noong driver ng truck noong pabalik na ako sa loob ng mansyon.
“Ayos lang 'yon kuya! Ano ka ba,” ani ko habang pinipigilan ang tawa. Halata naman na badtrip siya ngayong umaga.
“Sige miss, salamat din!” lumagpas na ang truck na collector ng mga basura.
Papasok na sana ako nang makita na nagbukas ang malaking gate ng kabilang mansyon. Lumabas ang pamilyar na sasakyan ni Chen, kahit sa malayo ay kitang-kita ko na siya ang nagmamaneho. Nakababa kasi ang bintana ng sasakyan.
At... Kasama niya iyong... Fiancée niya! Tama naaalala ko, nakilala ko 'yung fiancée niya kagabi!
Nang makalagpas na ito ay nakatingin pa rin ako. Nakangiti ako dahil ang galing lang... Ikakasal na pala ang best friend ko. Kailan kaya ang kasal nila? Ilang taon na kaya silang engage?
Marami akong tanong sa isip ko nang magulat ako dahil tumigil 'yung sasakyan. Napaatras agad ako nang lumabas ang ulo ni Chen sa bintana ng kaniyang sasakyan.
“Grasia!” kumaway pa si Chen sa akin.
“Chen! Ingat kayo!” kumaway rin ako pabalik. Maya-maya pa ay nagbukas din ang maliit na gate sa pinanggalingan kong mansyon.
“Grasia, are you busy?” napatalon ako nang magsalita si Sir Linnus.
“P-po? Katatapos ko lang po maglinis...” ani ko. “May iuutos po ba kayo Sir?” Tumango naman siya.
Bigla na lang humarurot ng mabilis iyong sasakyan ni Chen. Hindi ko na siya napansin dahil dumating si Sir Linnus.
Pumasok na ako sa loob at sinundan sa paglalakad si Sir Linnus. Wala na rin si Ate Susan doon sa kaninang puwesto namin, bumalik na yata siya sa quarter namin dahil kanina pa siya napapagod. Lumingon naman sa akin si Sir Linnus kaya nanlaki ang mata ko.
“Can you get me some drinks?”
“What kind of drinks, Sir?” tanong ko pabalik. Wow, Grasia englishera ka day?
“Hmm... Anything available in the fridge... I don't have my stocks in my room.”
Tumango naman ako. “Sige po Sir, kukuha lang po ako sa kusina susunod na lang po ako sa taas.”
Mabilis akong nagtungo sa kusina. Binuksan ang ref... Na walang kahit anong drinks? Kun'di 'yung milk chocolate na pinalamig ko rito! Hindi pa pala kami nakakapamili ng mga groceries. Kaya pala wala na ring stocks si Sir Linnus sa taas!
Sabi ni Sir Linnus... Kahit ano raw na drinks ang available... Bahala na nga siya. Kinuha ko ang dalawang milk chocolate na binili ko. Paborito ko kasi ito kaya palagi akong nabili.
Pumanhik na ako sa taas saka kumatok sa kwarto ni Sir Linnus, bago ito binuksan. Hindi naman kasi naka-lock kaya binuksan ko na.
“Ay! Anak ng tipaklong!” bigla akong napaatras nang makita si Sir Linnus na naka-topless na naman.
Ahhhhhh!! Naalala ko na naman 'yung unang gabi ko sa mansyon na 'to!
“Uh, sorry... Pupunta ka nga pala rito,” biglang sabi niya na nakangisi pa.
Nananadya ba siya?!
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...