Kabanata 32

46 4 0
                                    

GRASIA

Malakas na simoy ng hangin ang tumama sa aking mukha habang sinisilayan ang mansyon na dati kong pinagta-trabahuhan. Ang mansyon nila Linnus... Napag-alaman ko kasi kay Mana na nakalabas na ng ospital si Linnus at patuloy na nagpapagaling sa mansyon.

Sa labas ko lang din nakausap sila Mana, Ate Budang at Ate Baby. Wala pa kasi akong mukhang maihaharap sa mga amo nila. Nahihiya akong humarap sa kanila, dahil sa lahat ng mga nagawa nilang mabuti sa akin ay bigla na lang akong tumakas.

Nahihiya ako... Lalo na kay Chen.

Naka-ilang doorbell na ako pero walang nagbubukas ng gate. Kaya nagdesisyon akong pumasok na lang. Nang makapasok sa loob ay nakasalubong ko naman si Ate Su. Humahangos ito palabas, batid ko na siya ang magbubukas ng gate.

“Ay! Ikaw pala Grasia. Pasensya na at wala kasi ang mga guwardiya.”

Ngumiti lang ako sa kaniya. Bigla naman namilog ang kaniyang mata at napagtanto niya yata na ako ang kaharap niya.

“Ayy! Ikaw nga Grasia?!” yumakap siya sa akin nang mahigpit. “Bruha ka!! Na-miss kita!!” halos mabingi na ako sa lakas ng boses at katitili niya. Pero kahit gano'n ay tumawa na lang ako dahil na-miss ko rin naman siya.

“I miss you too, TeSu!” kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Bibisitahin ko po si Linnus, nasaan ba siya?”

Nawala naman ang ngiti ni Ate Susan. “Nandoon siya sa kwarto niya... Hindi ko alam kung magpapapasok siya. Kasi mahigpit niyang bilin na 'wag tumanggap ng bisita.”

“Ganoon ba?” tanong ko. Pero hindi na ako nagdalawang isip pa. Kailangan kong subukan. “Pwede ba akong umakyat?”

Tumango lang si Ate Susan at saka sinamahan pa ako na pumanhik sa taas. Hinatid niya pa ako hanggang sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Linnus. Nagkatinginan naman kami ni Ate Su at hinawakan niya ako sa balikat.

*knock* *knock*

“Sir Linnus?” tawag ni Ate Su.

“How many times do I have to tell, that I don't want any visitors!” malakas ang boses ni Linnus mula sa kuwarto.

“Sir—”

“No!”

“Ako ito, Linnus...” Nagsalita na ako agad bago pa siya tuluyang magwala. “Si Grasia.”

Isang mabilis na pag-click ng doorknob ang narinig namin ni Ate Su. Napansin kong umawang ng kaunti ang pinto. Tumingin naman ako kay Ate Su. Ngumiti lang siya sa akin bago ako iwanan.

Dahan-dahan akong pumasok ng kuwarto ni Linnus. Ang pamilyar niyang pabango ang sumalubong sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang amoy ng kaniyang kuwarto. Naabutan ko naman siyang nakatayo sa harap ng kaniyang bintana.

Nakaharap siya roon at tinatanaw ang labas. Hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakatalikod siya sa akin. Noong nangyari ang aksidente ay dahil sa mabilis na pagmamaneho ni Linnus ay nabangga kami ng truck. Napag-alaman din na lasing iyong driver ng truck kaya nangyari ang aksidente.

At dahil sa masamang pangyayari na iyon. Bumalik ang mga alaala na matagal ko nang nakalimutan noong bata pa ako. Noong nasagasaan ang lolo ko dahil sa akin... Matapos niya akong iligtas.

“Linnus... Sorry—”

“Shhh.” Humarap siya sa akin, nakakabit ang matamlay na ngiti sa kaniyang labi. “Wala kang kasalanan.”

Naglakad siya palapit sa akin. Tiningnan ako nang diretso sa mga mata. Hinawakan niya ang aking pisngi at hinaplos ito.

“Wala kang kasalanan, Grasia... Ako ang may kasalanan sa'yo, pati ang pamilya ko.” Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kaniya. “Patawarin mo ako Grasia, patawarin mo kami.”

“Alam mo... Kahit nalaman ko 'yung paggamit mo sa akin. Nararamdaman ko na totoo lahat 'yung mabubuting ginawa mo sa akin,” sambit ko. “Hindi mo kailangan magpaka-miserable Linnus, maging masaya ka kahit hindi ako ang kasama mo.”

Gusto ko na kasing maging maayos ang lahat. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Alam ko rin na mali iyon, pero nangyari na eh.

“Thank you for making me happy Grasia, masaya akong makilala ka.” Pagkatapos noon ay kumalas na siya sa pagkakayakap.

“Uhm, basta magpaka-goodboy ka na ha?” ngumisi naman siya sa akin. “Magkaka-baby ka na eh, alagaan mo siya nang mabuti at magiging ninang pa ako.”

Nabigla naman siya sa sinabi ko. “How did you know?”

Ngumiti naman ako. “Narinig ko kayo noon ni Cass na nagtatalo sa resort,” sabi ko. “Sorry kung nakikinig ako sa usapan niyo.”

“Are you afraid na malaman niya o takot ka kasi masasaktan ka na rin Linnus kasi mahal mo na siya?”

“Sino ka ba para pangunahan ang buhay ko huh?!” isang sarkastikong pagtawa lang ang sinagot ni Ma'am Cassy.

“Mamaya malalaman mo sa engagement,” pahabol na sagot ni Ma'am Cassy. Pagkatapos noon ay narinig ko na ang mga yabag na palabas na siya ng CR. Kaya nagmadali na akong tumakbo palayo roon.

Bago pa ako tuluyang makatakbo ay biglang sumigaw ulit si Linnus. Kaya napahinto ako agad.

“Stop the fucking game Cass! What are you talking about?!”

“Do you wanna know now?” pang-aasar naman ni Ma'am Cassy. “Hmm... What if Chen is not the father of my child?”

Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Ma'am Cassy.

“What the fuck?!” sigaw na naman ni Linnus.

“Oh, chill... Chen already know this, aakuin niya lang ang magiging anak ko para hindi ako mapahiya sa pamilya niya—”

“Ano bang pinagsasabi mo?!” nakarinig ako nang dagundong sa loob.

Hindi si Chen ang ama noong dinadala niya at alam din ni Chen?

“Are you dumb?!” sigaw pabalik ni Ma'am Cassy. “Satingin mo ba kagaya mo si Chen huh? Kahit kailan wala pang nangyayari sa amin Linnus. Satingin mo sino ang ama ng pinagbubuntis ko huh?!”

Napatakip ang bibig ko dahil sa gulat. Ano pa ba ang dapat kong malaman sa gabing ito? Sobrang dami na... Parang sasabog na utak ko.

“Papanagutan ako ni Chen... Pero paano kapag nalaman niya na ikaw ang tatay Linnus?! Anong mangyayari?!”

“Hindi... Papanagutan ko ang bata. I'm the father—”

“What?! Bakit pa?! Handa si Chen—”

“I don't care. Ikaw na ang nagsabi na ako ang ama. Bakit mo pa sinabi sa akin huh? Para saktan ako?!”

“Wow! Ano ba naman Linnus hindi ka pa rin makamove on?!”

“Wala na akong pake sa'yo, Cass. Hindi na kita mahal... Ginagamit mo lang ako hindi ba? Kung magkakaroon man ako ng pakialam ay sa anak na lang natin,” sambit ni Linnus.

Dahil hindi ko na kinaya pa ang mga rebelasyon na iyon ay mabilis na akong umalis. Hindi ako makahinga.

“Ah... That's why...” napatango-tango naman si Linnus nang i-kwento ko sa kaniya 'yung mga narinig ko.

“Saka pala... Naalala ko rin 'yung unang gabi ko rito sa mansyon.” Hindi ko alam kung itutuloy ko pa dahil masyado na akong madaldal.

“What?” takang tanong niya.

“Ah... Wala, nevermind.” Natawa na lang ako nang maalalang muli ang gabing iyon. Ang isa sa hindi ko makakalimutang pangyayari. Ang makanood ng live.

Tama... Malinaw na sa ala-ala ko. Si Ma'am Cassy nga iyon. Iyong nakita kong kasama ni Linnus noong gabi. Siya 'yung multo—este babae na nagsabing "Please be gentle.”

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon