GRASIA
“G-grasia?”
Napaiktad ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Hindi naman nakamulat ang mata niya... Pero bakit niya ako tinatawag?
“H-huy... Linnus?” inuga ko naman ang kaniyang katawan para magising pero hindi naman nagmulat ang mga mata niya.
Mabuti na lang! Kung hindi maririnig niya ang mga pinagsasabi ko rito. Nananaginip yata siya?
Bumalik na ako sa pagpupunas ng kaniyang mukha saka ang leeg pababa sa kaniyang katawan. Binilisan ko na lang ang pagpunas sa katawan dahil baka lamigin pa siya. Tinakpan ko ulit ito ng kumot saka itinaas naman ang kaniyang pajama para naman mapunasan ko rin ang mga binti niya.
Naririnig ko pa ang pagdaing niya pagkatapos ko siyang punasan. Itinabi ko na ang plangganita at bimpo, saka ako nagtungo sa kaniyang kabinet.
Binuksan ko ito at naghanap ng kaniyang masusuot. Inisa-isa ko ang kaniyang mga nakahanger na damit. Isang kulay black na hoodie na lang ang kinuha ko. Masyado na rin kasing makakapal 'yung ibang jacket niya. Humalungkat pa ako sa mga drawer niya para maghanap ng medyas.
“Pasensya ka na Linnus, kailangan kong pakialaman ang mga gamit mo ngayon,” ani ko.
Pinagbubuksan ko naman ang mga drawer ng kaniyang kabinet. Nalaglag ang panga ko dahil sabog-sabog ang loob ng mga ito. Napatakip pa ako ng bibig nang mabungaran ang malaki at kulay itim niyang brief!
“Diyos ko po! Ang laki naman nito!” usal ko. Pinagsasara ko agad ang mga drawer na iyon. Baka kung ano pang makita ko roon!
Nagtungo pa ako sa isang malaking kabinet at pinagbubuksan ang mga drawer... At sa wakas! Nakakita rin ako ng medyas! Pero... May iba't ibang kulay dito at ang ilan pa ay may disenyo.
Napatagilid ang ulo ko nang makita ang pares ng medyas na nay naka-imprintang batman!
Natawa na lang ako at saka dinampot ang pares ng medyas. “Ang cute naman nito!”
Bumalik na ako sa kama ni Linnus, napansin ko na nagbago na ang kaniyang pwesto. Ang likot naman niyang matulog.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya. Inialis ko muna ulit ang kumot saka dahan-dahan na isinuot ang hoodie niya.
“Ang bigat naman ng braso mo,” utas ko. Nahirapan pa kasi ako sa paglusot-lusot ng mga braso niya. Nang matapos siyang suotan ng hoodie jacket ay nagtungo naman ako sa kaniyang paahan.
Hinawakan ko naman ang kaniyang paa. “Ang lamig ng paa mo!” parang nagyeyelo pa sa lamig.
“Dahil d'yan, susuotan muna kita nitong batman mong medyas!” saka ako humagikhik ng tawa. Tumayo na ako saka iniayos muli ang kaniyang kumot.
*knock*knock*
Nagbukas ang pinto at niluwa nito si Ate Susan.
“Grasia, nagdala na ako ng lugaw para makakain si Sir Linnus,” ani Ate Susan. “May kasama na rin ditong gamot, painumin mo na lang kapag nagising.”
Tumango naman ako. “Sige, Ate Su,” sagot ko.
“Baba na ako ha, may gagawin pa talaga kami ni Ate Vicks!” nagpaalam na siyang muli saka lumabas ng kwarto.
Iniayos ko naman ang mainit-init pang lugaw sa tray. May nakahanda na ring gamot at tubig sa tabi. Pero hindi ko alam kung gigisingin ko ba si Sir Linnus o hindi.
Lumapit na ulit ako sa tabi niya. “Linnus, huy... Gising ka na, kainin mo muna 'tong lugaw na niluto ni—”
“Hakshwhshshshshajabsh.” Kasabay ng pagsasalita niya ang pagdaing kaya hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Nakunot naman ang noo ko. “Ha? Anong sabi mo?”
“Haskahwhsbshahhashhs.”
“Hindi ko marinig ang sinasabi mo, Linnus,” ani ko. Dahil mahina ang boses niya at dumadaing pa siya ay wala talaga akong maintindihan.
“Haskahwjshsjsjkqhdiwhs.” May itinuro naman siya sa banda niyang balikat. Alam kong nanghihina rin siya dahil walang lakas ang kamay niya na inangat iyon.
Lumapit na ako saka hinila ulit ang kumot para makita ko iyong itinuturo niya. “Ano ba kasing sinasabi—ah!”
Bigla akong napatili nang hilahin niya ako papalapit sa kaniya. Napahiga ako bigla at ipinaloob niya rin sa kumot na nakataklob sa kaniya. Naramdaman ko ang mainit niyang katawan pati na rin ang kaniyang mabilis na paghinga. Nakapikit lang siya habang pinagmamasdan ko.
“H-huy, Linnus?” pinihit niya bigla ang katawan ko saka ipinatong ang aking ulo sa kaniyang braso.
“Stay with me, Grasia.” Mahina niyang bulong sa aking tainga.
Ha?
“L-linus... Anong ginagawa mo?” tanong ko. Hindi na ako makagalaw nang lumapit lalo ang kaniyang mukha sa mukha ko.
“Dito ka lang,” aniya.
“Ha? Ano bang sinasabi mo? Nagdedeliryo ka ba?”
Akmang tatayo na ako nang mapigilan niya ako. Inipit niya ng kaniyang binti ang mga hita ko. Sinakop ng kaniyang braso ang katawan ko. Kaya natuod na ako sa pwesto ko at hindi na makagalaw.
“Dito ka muna,” aniya kahit nanghihina pa.
“Huy, ano ba? Nagugutom ka ba? Kumain ka muna kaya?”
Umiling lang siya. “Mamaya na.”
“Ngayon na, para makainom ka na rin ng gamot,” saad ko.
Lalo pang lumapit ang kaniyang mukha sa akin at humigpit ang kaniyang yakap. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga. Nakapikit lang siya habang nakatingin ako sa kaniya. Humugot ako nang malalim na paghinga.
“Kailan ka pa may lagnat? Bakit ka nagkasakit?” tanong ko.
“Hmm... Naulanan ako kagabi,” aniya.
“Bakit ka kasi nagpaulan?” asik ko naman.
“Wala akong payong na dala—”
“Edi sana hinintay mo na lang tumila ang ulan, hindi 'yung sumusugod ka. Kasi ganoon talaga kapag naambunan eh, magkakasakit ka talaga!” asik ko ulit.
“Pinapagalitan mo ba ako?” seryoso niyang tanong. Bakit ba ayaw niya pang dumilat? Eh, gising naman siya! Pinagloloko niya lang ako!
“Bahala ka sa buhay mo, hindi na kita aalagan kapag nagkasakit ka ulit!”
Nagpumiglas na ako para makawala, pero walang epekto dahil kahit anong gawin ko hindi niya pa rin ako binibitawan.
“I'm just kidding, Grasia.” Mahina siyang tumawa. “So, inaalagaan mo pala ako ngayon?”
Napangiwi naman ako. “Hindi na ngayon, nakakainis ka na,” sambit ko.
Natatawa lang siya sa tabi ko. “Thank you for taking care of me... Siguro natutuwa ka kasi nakita mo na naman abs ko.”
“Ano?! Ang kapal naman ng mukha mo! Sa'yong-sa'yo na abs mo Linnus! Mayroon din niyan si Andoy ko!”
“Who's Andoy?” tanong niya.
“Boyfriend ko bakit?” mabilis kong sagot.
“Tss... I thought you're single?”
“Akala mo lang 'yon, may nagmamay-ari na ng puso ko,” sambit ko. “Bilisan mo na, kumain ka na tapos uminom ka gamot, para mabilis kang gumaling.”
Nabigla na lang ako nang magmulat siya ng mata. Ang mga mata niya na punong-puno ng mga natatagong emosyon... Tila ba nangungusap ang mga ito.
Napalunok naman ako. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko dahil sa pagtitig niya. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o ano pero sana... Hindi na lang pala siya nagmulat ng mata para hindi ko maramdaman ito.
Hindi dapat...
Mali...
“L-linnus, aalis na ako—” Humigpit lalo ang yakap niya sa akin at sa paraan niyang iyon ay tila ba ayaw niya na akong pakawalan mula sa mga bisig niya.
“Nilalamig ako Grasia, dito ka lang sa tabi ko.”
* * *
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...