Kabanata 22

47 4 0
                                        

GRASIA

Natutop ako sa kinatatayuan ko. Napakuyom ang dalawang kamao ko dahil sa sinabi noong babae. Huminga ako nang malalim at pilit sinusubukan na pakalmahin ang sarili ko.

Nilingon ko silang dalawa at walang ganang tumitig nang mariin habang nakatiim-bagang ako.

“Ano bang problema niyo? Masama bang maging maid ha? Maging kasambahay?” seryoso kong sabi. “Alam niyo, hindi ko ikinahihiya itong trabaho ko. Proud pa nga ako eh, at least marangal ang trabaho ko.

“Dahil hindi ko lang naibigay ang number ng amo ko? Minamaliit niyo na ako? Bakit? Sino ba kayo? Ni-hindi ko nga kayo kilala eh, kung maliitin niyo ako parang may nagawa akong mali sa inyo. Kung gusto niyong kunin ang number niya, sa kaniya niyo dapat hiningi hindi sa akin.”

Tumitig lang ang dalawang babae sa akin. Hindi pa nakatakas sa akin ang pag-irap ng isa. Dukutin ko mata niya eh, malaman niya ginagawa niya.

At ang una sa lahat, kahit ako nga hindi ko alam ang cellphone number ni Linnus. Anong ibibigay ko sa kanila? Numero ko? Tsk.

“Alam ko kasi 'yung salitang privacy kaya bakit ko ibibigay sa inyo? Nagkakagan'yan kayo dahil natarayan ko kayo? Hindi ko naibigay ang gusto niyo? Bago niyo sana ako pinagsalitaan ng hindi maganda, dapat sana inisip niyo muna 'yung ginawa niyo kanina kasi mas nakakahiya 'yon kaysa sa trabaho ko. Hindi ako katulad niyo na nanghihingi ng number ng lalaki. Pwe.”

“Grasia...” naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Linnus sa aking braso.

Dumiin lalo ang pagkuyom ng kamao ko. Pakiramdam ko ay anumang oras babaon na ang kuko ko sa palad ko.

“Tsk, daming sinabi ni ateng—”

“Stop!” halos mapatalon ako sa pagsigaw ni Linnus. “Ano bang problema niyo? Please, leave us alone.”

Nataranta naman sa pag-alis ang dalawa. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Linnus sa braso ko. Nilingon ko siya at seryoso na ang mukha habang naka-igting pa ang panga.

* * * * *

“Sana sinampolan mo! Nginudngod mo sana 'yung mukha sa sahig!” sigaw ni Ate Susan.

Nai-kuwento ko kasi sa kaniya iyong nangyari kanina sa supermarket. Halos manggigil din siya nang malaman iyong sinabi sa akin noong babae.

“Hay nako, Ate Su! Mabuti na lang din at nakapagpigil ako kasi kung hindi napatulan ko pa silang dalawa,” ani ko.

“Kung ako roon nako, nilampaso ko na sila sa sahig!”

Napabuntonghininga na lang ako. “Sige Ate Su, balik na ako sa taas ha baka kanina pa naghihintay si Linnus.”

“Oh, sige balik na rin ako sa trabaho ko roon sa likod mansyon. Hindi pa ako tapos maglaba eh.” Pagkatapos niyang magpaalam ay pumanhik na rin ako agad sa taas bibit ang tray ng pagkain na ipinahanda ni Linnus sa akin.

Bago pa ako makakatok ay nagbukas na ang pinto. “Oh, Grasia!” gulat ang kaniyang mukha nang makita ako.

“Oh, bakit? Parang nakakita ka naman ng multo,” saad ko.

“H-huh, wala!” kinuha na lang niya sa akin ang tray na hawak ko. Nauna na siyang pumasok sa kaniyang kwarto saka naman ako sumunod.

“May ipagagawa ka pa ba Linnus?” tanong ko.

Umiling naman siya. “Hmm... Wala na, pero sasabayan mo ulit ako kumain!” aniya.

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. “Hindi ako nagugutom—”

“Sige, samahan mo na lang ako,” aniya pa sabay ngisi.

“May gagawin pa ako sa baba—”

“Naipagpaalam na kita kay Ate Susan, sabi ko may ipapagawa ako sa'yo,” aniya pa. Humugot na lang ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Wala na akong magagawa kun'di samahan siya. Napakakulit talaga ng isang 'to kahit kailan.

“Sige, sabi mo eh.” Mabilis akong pumwesto roon sa kaniyang couch. Kumuha pa ako ng unan saka humilata. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa habang inilalagay sa lamesita ang mga pagkain.

“Are you tired?” tanong niya.

“Alangan namang panoorin kitang kumain? Matutulog na muna ako ha, gisingin mo na lang ako kapag hinahanap na ako ni Ate Su,” ani ko.

Natawa ulit siya sa akin. “You already saw me eating, once... But not food—sige magpahinga ka lang d'yan!”

Napakunot ang noo ko dahil sa paglihis ng sinasabi niya. “Shh... 'wag ka na lang maingay ha kumain ka lang d'yan,” sambit ko saka ipinikit ang mga mata ko.

Tanging ang tunog lang mula sa aircon ang naririnig ko dahil sa hangin na lumalabas dito. Pinakikiramdaman ko lang si Linnus habang kumakain. Ang tahimik niya lang, kahit sa paghawak ng mga kubyertos ay halatang ingat na ingat siya.

Habang tumatagal ay lalong bumibigat ang mata ko. Kailangan ko na nga yatang matulog.

...

Unti-unting nagmulat ang mga mata ko. Kahit na malabo ang paningin ko ay naaaninag ko ang isang tao sa harap ko. Madilim ang paligid. Tanging ang liwanag ng buwan mula sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob ng kuwarto. Gabi na ba? Bakit nakapatay ang ilaw?

“Grasia...” isang boses ang tumawag sa aking pangalan.

Palapit ang kaniyang mukha sa akin, bakas sa kaniyang boses ang pag-aalala. Tanging ang pares lamang ng kaniyang mga mata ang nakikita ko sa madilim na kwarto. Napangiti ako saka hinawakan ang kaniyang mukha.

“Grasia... I'm so sorry.” Garalgal ang boses niya at punong-puno ito ng pagsusumamo.

Kahit nakahiga ay ramdam ko na nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang bumulong siya sa akin. Isinukbit niya pa ang aking buhok na nakaharang sa mukha sa likuran ng aking tainga.

“Akin ka lang, Grasia.”

Hinawakan niya ang aking pisngi. Parang may dumaloy na kuryente sa aking katawan nang gawin niya iyon. Gumapang sa aking batok ang isa niyang kamay. Pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Ang halik niya na tila ba sabik na sabik.

Biglang nagkagulo ang mga laman loob ko sa katawan. Hindi ko maipaliwanag. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon lalo na ng aking tiyan. May gustong kumawala o sumabog dahil sa isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

Tanging ang mga tunog ng halik ang nagbibigay ingay sa loob ng tahimik na kuwarto. Ang kaniyang labi na malambot at lasang jelly ace? Matamis.

“Ah...” napahabol ako ng hininga dahil sa tagal ng aming halikan. Hanggang sa maramdaman ko pa ang paghaplos niya sa aking likod na bumababa na.

“Grasia.” Isang matunog na halik pa ang pinakawalan niya sa aking noo.

...

Napaiktad ako bigla nang magising ako. Hinahabol ko pa ang paghinga at napahilot sa aking sentido. Medyo nanlalabo pa ang mata ko dahil sa biglaang pagbangon.

Anong oras na ba?

Gabi na?

Bakit ang dilim?

Nakapatay ba ang ilaw?

Kumapa-kapa ako sa paligid ko, pero hindi rin nagtagal nang magbukas ang ilaw. Napaharang agad ang kamay ko sa aking mata dahil sa biglaang pagbukas ng ilaw.

“Grasia.”

“L-Linus?”

Nalaglag ang panga ko nang makita si Linnus sa tapat ng switch ng ilaw. Prente siyang nakatayo at nakasandal sa pader. Habang may nakakabit sa kaniyang mukha na isang ngiti na nakaloloko.

Teka? Hindi ba ako nananaginip kanina?

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon