GRASIA
Tirik na tirik ang araw, mabuti na lang ay sumakto ito ngayong naglaba ako. Dito lang kasi sa likod mansyon kami puwede magsampay. Pagkatapos kong magsampay ng mga damit ko ay naisipan ko munang magdilig ng mga halaman.
Buhay na ang mga halaman dito sa mansyon dahil naaalagaan na namin ito nang maayos. Hindi katulad dati na puro lanta at patay na sila, halos hindi na yata nadidiligan at nasisikatan ng araw.
“Hi, Grasia!”
“Ay anak—” sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Linnus. Nakapamulsa pa siya habang papalapit sa akin. “Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?”
Ngumiti siya ng nakaloloko sa harap ko. “Um... Let's go out for a while?”
“Ha? Saan tayo pupunta?” takang tanong ko saka pinatay ang gripo. Tumigil naman ang dumadaloy na tubig sa hose na hawak ko.
“D'yan lang sa labas ng subdivision, may bibilhin lang ako,” aniya.
“Kaya mo na 'yon, kalapit-lapit lang eh, saka may ginagawa pa ako—”
“Oh, you have sets of colorful underwear huh?” nanlaki ang mga mata ko nang mapalingon sa kaniya.
Nakatitig ang kaniyang mata sa mga nakasampay kong mga panty at bra! Inipit ko kasi sa malaking bilog na ipitan ang mga underwear ko.
Kaagad ko siya nilapitan at pinatalikod. “Umalis ka na! Bakit ba tinitingnan mo mga panty ko ha!”
Mahina naman siyang natawa. “Maybe it's a tie now Grasia... Hmm, and now I know your sizes.” Lumapad ang ngiti niya nang muli siyang humarap sa akin.
Parang nanlalambot na ang dalawang pisngi ko sa pinagsasabi niya.
“Hoy Linnus! Walang hiya ka, pumasok ka na roon bilis!” tinulak ko na siya papasok ng mansyon habang nakahawak pa rin ako sa likuran niya.
Lalong lumakas ang tawa niya nang makapasok kami. “Why are you shy, Grasia? Nakita ko lang naman... Mahiya ka kapag ako na mismo nagtanggal—”
“Ahh!! Manahimik ka na!!” napasigaw na ako sa tinakpan ang bibig niya.
Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako sa kahihiyan. Bakit ba sobra-sobra ang pang-aasar nito sa akin? Mas malala pa siya kay Chen!
“Hak2jevswkwjsjsj.”
“Please, manahimik ka na! Sasamahan na kita!” kung aasarin niya rin lang pala ako edi sana pumayag na akong samahan siya kanina pa.
Parang puputi lahat ng buhok ko sa lalaking 'to ah!
“Tara na.” Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila palabas na ng kusina.
“T-teka, magbibihis muna ako,” sambit ko.
“No need,” tipid niyang sagot.
Bumuntonghinonga ako. Tuluyan na lang akong nagpadala sa paghila niya. Nang makarating sa parking area ay pinagbuksan niya pa ako ng sasakyan.
Tiningnan ko naman siya. “Bubuksan ko pa ang gate,” sabi ko.
“Grasia, we have guards here... Bakit ikaw pa ang magbubukas ng gate?”
Napabuntonghininga na lang ako ulit. Bakit kaya ayaw na akong tantanan nitong lalaki na 'to? Halos araw-araw niya lang ako pinuputakte sa pagtatrabaho ko.
Padabog akong pumasok ng sasakyan. Umikot naman siya papunta sa kabila at pumasok na rin sa driver seat.
“Galit ka?” tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/275018573-288-k661751.jpg)
BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...