Kabanata 33

50 4 0
                                        

GRASIA

Pagkatapos naming mag-usap ni Linnus ay magkasabay na kaming bumaba. Dahil sinabihan kami ni Ate Su na dumating na si Sir Xinto. Napag-alaman ko rin na pinalayas na pala si Ma'am Shirley dito sa mansyon dahil nalaman na ni Sir Xin ang panlolokong ginagawa nito.

“Hi, Son... Hi, Grasia.” Kaagad na bumati sa amin si Sir Xin.

“Hi, Dad.”

Sinalubong ko naman siya ng ngiti. “Maraming salamat po, Sir Xin...”

Kumunot naman ang kaniyang noo. “Para saan hija?”

“Naaalala ko na po ang lahat, ikaw po iyon... 'Yung tumulong sa amin ni Lolo dati.” Tila ba sa isang iglap ay naintindihan ni Sir Xin ang sinasabi ko.

Ang mga memorya ko sa kaniya ay tuluyan nang nagiging malinaw. Matagal na panahon na ang lumipas. Pero hindi ko malilimutan ang kaniyang mukha. Kahit na nakaramdam ako ng takot noon sa tuwing nand'yan ang presensya niya. O kaya naman kapag malapit siya sa akin.

Iyon pala ay dala lamang ng takot at trauma na naranasan ko noon. At hindi na rin ako nagtaka pa dahil mabuting tao rin siya kagaya ni Sir Xico kahit na noon ay pinagdudahan ko pa siya.

Noong bata pa ako, muntikan na ako mabunggo ng sasakyan. Pero dahil nakita ni Lolo na may palapit na sasakyan sa akin ay tinulak niya ako sa tabi. At siya ang nasagasaan at hindi ako. Mabilis na umandar muli ang sasakyan na nakabangga kay Lolo. Naiwan kami... Si Lolo naman duguan.

Labis ang pag-iyak ko noon dahil walang tumutulong sa amin. Si Lolo nakahandusay sa sahig. Humihingi ako ng tulong pero walang nakakarinig sa mumunti kong boses.

“Grasia, apo... Alagaan mo ang Lola mo... Maging mabuti kang bata... Patawad apo.” Hindi ko naiintindihan ang nangyayari pero bigla na lang siyang pumikit noon. Iyon pala ay wala na siya. Umiyak ako lalo dahil ayaw na niyang magising.

“Call an ambulance Lei.” Isang lalaki ang lumapit sa amin kasama iyong asawa niya na maganda.

“Lolo...” patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hinawakan naman ako noong lalaki sa balikat.

“Hija, tahan na... Dadalhin natin sa ospital ang lolo mo.” Pinagmasdan ko naman siya, base sa kaniyang hitsura ay mayaman siya. Sa kaniyang suot na damit at relo. Pati iyong maganda niyang asawa, ang puti-puti.

Kaya pala noong nag-aayos ako nang mga gamit ni Sir Xin at nakita ko iyong relo niya. Iyon 'yung relo na suot noong lalaki na tumulong sa amin ni Lolo. Ang sabi kasi sa akin ni Lola, labis ang trauma na naranasan ko noon dahil sa aksidente. Kaya ang ilan sa mga ala-ala ko ay nawala. Kaya ang ibang pangyayari sa buhay ko ay nakalimutan ko na. Pero ngayon... Unti-unti nang bumabalik.

“Walang anuman, Grasia,” sambit ni Sir Xin. “Masaya akong nagkatagpo tayong muli.”

* * * * *

“Wow! Grabe po pala ang tadhana sa inyo Ma'am,” manghang sabi ni Deniz sa akin. “Akalain niyo 'yon, si Sir Xin pala iyong tumulong sa inyo tapos siya pa 'yung naging amo mo.”

“Iba talaga kumilos ang tadhana, Deniz. Magugulat ka na lang kung anong susunod na mangyayari sa buhay mo... Pero iba pa rin talaga kumilos ang Diyos, siya ang mas nakakaalam sa magiging buhay natin.”

“Ma'am Grasia!” humahangos na pumasok ng kusina si Ate Jo. “Dumating na po si Calvin!”

“Mommy!!” malakas na sigaw ang sumalubong sa amin.

“Cav, anak!!” yumakap naman siya sa akin. “Sinong naghatid sa'yo rito? Kailangan ka pa umuwi galing America? Bakit hindi ka nagsabi? Ang laki mo na at ang gwapo pa!”

“Mommy, it's a surprise! Ayokong ma-late sa birthday ng aking favorite cousin!” natawa naman ako sa sinabi niya.

“Matutuwa si Gray, kapag nakita ka! At salamat naman ay magkakaroon na ng kasama si Shan dito!”

“Ahm... Who is she?” napagawi naman ang tingin ni Calvin kay Deniz.

“She is Gray's babysitter,” biglang sabi ni Shan na kapapasok lang din ng kusina. “Anyway, how are you 'couz? It's been a year since we last met.”

“Hay nako! Cav, 'wag mong pansinin 'yang si Shan.” Sinamaan ko naman ng tingin ang anak kong isa. “Cav... Siya pala si Deniz.” Itinuro ko naman si Deniz.

“Hi, I'm Cav! Nice to meet you Deniz!” bati naman ni Calvin. Mabuti na lang talaga at pala-kaibigan ang batang ito. Hindi gaya noong bugnutin kong anak na si Shan.

“Hi, Cav.” Pagbati naman ni Deniz sa kaniya.

“Oh, siya Shan. Samahan mo muna sa taas si Cav para makapag-ayos na.” Tamad naman na tumango ang anak ko.

“Sige, Mommy sa taas na muna kami... And see you later Deniz!” masiglang nagpaalam naman si Calvin sa amin. Nagkatinginan naman kami ni Deniz.

“Ah, iyon po pala si Calvin,” sabi ni Deniz. “Magkaiba nga po talaga sila ni Shan at malayo sa isa't isa ang mga ugali nila.”

“Oo, masiyahin iyong batang 'yon. Mukhang magkakasundo kayo no'n,” sagot ko. “Tingnan mo sabi nga sa'yo, see you later daw.”

“Uhm, sana nga po. Para may kaibigan na rin ako bukod sa alaga ko.” Iniabot naman niya sa akin 'yung mga babasaging baso para mamaya. “Ahm... Balik na po tayo sa kinu-kwento mo Ma'am, ano pong nangyari noon? Kuwento mo naman po 'yung mga sweet moments niyo ni Sir!”

“Ay, ikaw na bata ka ha! Enebe pere keng shere!”

“Sige na po, Ma'am!”

“Shempre, noong nagkita ulit kami ng Sir mo, medyo pabebe muna tapos wala nang paligoy-ligoy pa kasi mahal naman namin ang isa't isa.”

“Ah, paano ka po niya niligawan noon?”

“Ligaw? Wala nang ligaw-ligaw hahahahaha naging kami na agad!”

* * *

Paghatid sa akin ni Linnus sa labas ng gate ay pasimple akong sumungaw sa katapat na mansyon. Pinagmasdan ko ito at inalala ang mga magagandang karanasan ko rito. Lalo na ang mga mabubuting tao na nakatira rito. Sina Sir Xico, Madam Helena, Sir Hino, Chen at sila Mana, Ate Baby at Ate Budang.

Hindi ko lubos maisip ang lahat ng mga naitulong nila sa akin. Sa masasayang ala-ala na ipinaranas nila sa akin. At shempre kasama na rin sila Ate Vicks at Ate Su na nasa kabilang mansyon.

Nagbuga ako ng hangin pagkatapos ay tipid na ngumiti. Naglakad ako papunta sa tapat ng gate. Nagdadalawang-isip ako kung pipindutin ko ba 'yung doorbell o hindi.

Pumihit naman agad ako at umalis doon. H'wag na lang pala, nakakahiya naman. Saka ano bang gagawin ko roon?

Napalingon agad ako nang marinig ang pagbukas ng gate. “Ay! Anakng!”

“Are you looking for me?” nakapamulsa siya ngayon at nakangising nakaharap sa akin.

“Wow, ang hangin ha. Baka ako miss mo?” sagot ko naman.

“Bakit mo alam?” kaagad niyang sabi. Luh, parang ewan.

Wala na akong nasagot pa sa kaniya. Lumapit naman siya sa akin at kaagad akong hinagkan.

“I really miss you, Grasia.”

“I miss you more, Chen!” saka naman humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon