Kabanata 9

49 4 0
                                    

GRASIA

“Ahhhh! Ang sakit na ng balikat ko Ate Susan!” reklamo ko habang nag-i-stretching.

Kung ako ang inirekomenda ni Mana, si Ate Susan naman 'yung inirekomenda ni Ate Baby kay Sir Xico. Bali pinsan siya ni Ate Baby, sa father side.

Marami na kaming napagkuwentuhan nitong mga nakaraan. Kaya may alam na kami sa buhay ng isa't isa. Pati si Ate Vicky na kasama namin. Mabilis lang kaming naging close tatlo.

“Wews!”

Nasa dalawang dosena yatang mga paso ang binuhat namin ni Ate Susan. Ipinalipat kasi no'ng bruha naming amo 'yung mga halaman sa garden doon sa likod ng mansyon. Ang arte-arte! Ayaw niya raw sa mga halaman!

“Eh, alam mo naman si Ma'am Shirley. Parang araw-araw may dalaw!” pinanood ko lang si Ate Susan habang pinapagpag ang gloves na ginamit niya.

“Tss, correct ka d'yan Ate! Akala mo kung sinong maganda... Mas maganda pa nga halaman sa kaniya.” Umirap lang ako sa ere saka naupo sa malaking bato.

“Tama ka rin beh, mas mukha nga siyang lupa eh!” hirit ni Ate Susan.

Hindi na namin napigilan ang pagtawa. Nag-apir pa kaming dalawa dahil sa mga pambabash namin kay Ma'am Shirley. Mabuti na lang talaga at nagkaroon na ako ng mga kasama rito.

“Grasia! Susan! Pumanhik kayo rito sa taas!” sabay kaming napalingon sa ikalawang palapag ng mansyon nang marinig ang boses ni Ate Vicky. May hawak pa siyang walis tambo at hindi maipinta ang mukha!

“Yes Ate Vicks!” chorus na tugon namin ni Ate Susan. Si Ate Vicky kasi ang pinakamatanda sa amin.

Nagtatawanan kaming pumanhik ni Ate Susan sa taas. Wala naman ang mga amo namin ngayon kaya malaya kami. Mas payapa ang loob ng mansyon kapag wala si Ma'am Shirley.

“Bakit Ate Vicks? Anong kaganapan dito sa taas?” nagtatakang tanong ko.

Nakaharap siya sa bukas na pinto ng kwarto ni Ma'am Shirley. Pailing-iling habang hawak ang walis tambo.

“Ate Vicks naman maglilinis ka lang ng kwarto ni Ma'am —” naputol ang sasabihin ni Ate Susan nang makalapit na kami sa kwarto.

“Ayst! Yuck!!” sigaw namin ni Ate Susan.

Napatakip naman ako sa aking bibig nang makita ang mga bagay na nakakalat sa sahig. Masuka-suka naman si Ate Susan na nakapuwesto sa tabi ko. Padabog na pumasok si Ate Vicky sa loob.

“Hindi ko alam kung bakit ako pa ang maglilinis nito... Argh!” gigil na sabi ni Ate Vicky.

Natawa naman ako. “Te Vicks, ayos lang 'yan hangga't hindi pa badtrip si Ma'am Shirley sa'yo lubusin mo na.”

Napabuntonghininga lang siya. Sa aming tatlo kasi sa kaniya hindi nagagalit si Ma'am Shirley. Sa amin ba namang dalawa ni Ate Susan talaga namang inaasar pa namin 'yung bruha.

“Yuck—” Tuluyan nang umalis si Ate Susan sa tabi ko at tumungo sa banyo ng kwarto ni Ma'am. Pumasok na rin ako at nagpresinta na tulungan si Ate Vicky.

“Ganito ba talaga sila ka-wild, Grasia?” diretsahang tanong ni Ate Susan.

Natawa na lang ako. “Ewan ko sa kanila Ate Vicks, hindi ko pa naman sila naabutan ng live... Hindi gaya no'ng isa.”

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon