Kabanata 30

54 4 0
                                    

GRASIA

“A-ate K-kaye...” napatigil naman siya sa paghila sa kamay ko at saka humarap sa'kin. “Hindi na po, ayoko pong magulo ang engagement nila.”

“Grasia, this is your chance,” sambit niya na may bahid ng pag-aalala sa mukha. “Do you want to waste it?”

Umiling naman ako sa kaniya. “Ate... Sinabi ko po na mahal ko si Chen... Pero hindi ibig sabihin no'n ay pipigilan ko na ang engagement nila.”

“Pero Grasia... Papaabutin mo pa ba ito hanggang kasal nila? Tapos kapag kinasal na sila wala ka ng magagawa pa.” Lumapit siya sa akin saka marahan na hinawakan ako sa ulo.

“Nakapag-usap na po kami ni Chen kanina,” ani ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

“Nag-usap na kayo?” tanong niya.

Tumango lang ako. Kahit nasasaktan ako... Kailangan kong tanggapin ang lahat. Hindi ko kailangan maging hadlang sa kanilang dalawa. At ayokong madamay pa ang sanggol na wala namang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon.

“Mahal ko po si Chen, Ate... Kaya pakakawalan ko na siya kahit—”

“Mahal mo pero hindi mo kayang ipaglaban?” mapait siyang napangiti sa akin. Hindi ako makapagsalita. Walang sagot na lumabas mula sa bibig ko nang marinig ang tanong niya.

Alam ko naman iyon, sabi nga nila... Kapag mahal mo ang isang tao, dapat ipaglaban mo. Pero kung dahil sa pakikipaglaban mo na iyon ay may masasagasaan at madadamay kang tao. Kaya mas pipiliin mo na lang na umatras, hindi ka na lang lalaban kung ganoon. Alam kong pagiging selfish 'yon para sa taong mahal mo. Pero hindi naman lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan mo.

Depende na lang kung ito talaga ang magiging kapalaran mo at ang siyang ipagkakaloob ng Diyos para sa'yo.

Kahit may chance ako at may dahilan pa para pigilan ang engagement nila... Mananahimik na lang ako. Ayokong magmula sa akin iyon.

“Ate... Sorry po kung hindi ko po kaya ang pinaplano niyo...” Hinawakan ko ang kamay ni Ate Kaye. “Pero kakapalan ko na po ang mukha ko...Gusto ko po sana humingi ng favor sa'yo.”

“Ano iyon Grasia?”

* * * * *

Pagkarating ko pa lang ng mansyon ay agad ko nang iniligpit ang mga gamit ko. Wala na akong magagawa pa kun'di ang umuwi sa probinsiya namin. Nagmadali akong magligpit at nagbihis para nang sa ganoon ay hindi na nila ako maabutan dito. Mamaya ko na lang ipaliliwanag kay Mana ang lahat, tatawagan ko na lang siya kaagad pagkarating ko ng San Lorenzo.

Noong pagdating ko rito ay isang malaking bag lang ang dala ko at isang backpack. Ngayon ay nadagdagan na ito ng isa pa dahil na rin siguro sa naipon kong mga damit para kay Lola at Tantan. Kaya nang bitbitin ko na ang mga ito palabas ay nahirapan ako dahil sobrang bigat.

*peep* *peep*

Napaatras ako bigla nang bumusina sa harap ko ang isang sasakyan. Lumabas sa driver's seat si Linnus at gulat na gulat ang mukha nang makita ako.

“Grasia? What are you doing here?” takang tanong niya. Nang lalapit siya sa akin ay bigla siyang natauhan at huminto, pinanatili ang distansiya namin sa isa't isa.

Batid kong nagtataka siya kung bakit ako narito ngayon at wala roon sa resort. Pero ang mas nakakapagtaka ay kung bakit narito rin siya?

“A-ahm... Wala, Linnus,” sambit ko. Nagmadali na akong lumakad at tinalikuran siya. Hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kaniya.

“Wait, Grasia!”

Hindi ko na nagawa pang lumingon sa kaniya. Mas bumilis lalo ang paglakad ko matapos niya akong tawagin.

“Grasia!” narinig kong umandar ang makina ng kaniyang sasakyan.

Ilang segundo lang ay nakasunod na siya sa akin, sakay ng kaniyang kotse. Nakikita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa akin habang nakalabas ang ulo sa bintana ng sasakyan. Nagmadali lalo akong maglakad dahil nasasabayan ako ng kotse niya.

“Grasia, wait! Saan ka ba pupunta? Aalis ka?” sunod-sunod niyang tanong.

“Oo, kaya please hayaan mo na lang ako,” sambit ko nang hindi siya nililingon.

“But why? Gabi na oh? Saka bakit narito ka na? Sinong naghatid sa'yo—”

“Hayaan mo na ako Linnus, puwede?” nilingon ko siya na ikinabigla naman niya. Itinigil niya ang sasakyan at pagkatapos ay itinaas ang dalawa niyang kamay.

“Uh-oh... Meron ka ba?” nakangiwi niyang tanong.

Kung wala lang siguro ako sa ganitong sitwasyon. At hindi ko pa nalaman ang ginagawa niya sa akin siguro ay nadala na naman ako. Siguro tumatawa ako ngayon dahil sa tanong niya. Pero hindi... Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Galit? Sama ng loob? Pagka-inis? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon dahil sa kaniya.

Nagtagal ang titigan naming dalawa. Naputol lang ito ng isang pamilyar na sasakyan ang natanaw ko mula sa kinatatayuan ko. Kapaparada lang ng kotse ni Chen sa harap ng kanilang mansyon. Nang makunpirma ko na siya nga iyong driver noon ay mabilis akong umikot para makasakay sa kotse ni Linnus.

“Wait, wait.” Gulong-gulo na ang mukha ni Linnus sa nangyayari. “Bakit? Tinatakasan mo ba si Chen?”

“Mamaya na tayo mag-usap Linnus,” ani ko. “Kailangan ko munang makaalis dito.” Hindi na sumagot si Linnus at tumango na lang sa akin.

Bago pa tuluyang umandar ang kotse ay sinilip ko mula sa side mirror ng kotse si Chen. Nakatayo siya sa harap ng kaniyang sasakyan hawak ang kaniyang cellphone. Hindi siya mapakali at halatang balisa. Nang tumama ang kaniyang paningin sa direksyon namin ay gulat ang reaksyon nito. Kasabay nang pagkahulog ng kaniyang cellphone sa kalsada.

“Pakibilisan Linnus, please.” Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mata ko. Nagbabadya na namang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Gaya nga nang inaasahan ko ay biglang tumakbo si Chen para habulin kami. Lalong binilisan ni Linnus ang pagmamaneho.

“Grasia!!!” malakas na sigaw ni Chen. Pasimple ko pa rin siyang tinitingnan mula sa side mirror.

Nagsunod-sunod muli ang paglandas ng likido mula sa aking mata. Maya't maya naman ang pagtingin sa akin ni Linnus kaya agad ko ring pinunasan ang basa sa pisngi ko. Napapakagat na rin ako ng labi para pigilan ang paghikbi. Hindi ko alam kung ano ang hitsura ko ngayon. Siguro ay mukha na akong kaawa-awa sa paningin ni Linnus.

“Grasia!!! Linnus!! Itigil mo ang sasakyan!!!” nagkatinginan naman kami ni Linnus. Mabilis akong umiling sa kaniya. Kaya hindi niya itinigil ang pagmamaneho.

“Grasia!!!” nakikita kong hinihingal na si Chen at napapagod na siya. Nabungaran na namin ang gate ng subdivision.

“What's happening, Grasia?” tanong naman ni Linnus.

“A-alam kong alam mo ang nangyayari Linnus,” ani ko. Napatingin siya sa akin at napansin kong humigpit ang hawak niya sa manibela ng kotse. “Ilayo mo muna ako rito, please.”

Nang makalabas na kami ng subdivision ay narinig ko pa ang huling pagtawag ni Chen sa akin.

“GRASIA!!!” sumulyap akong muli sa kaniya. Nakahawak na siya sa magkabilang tuhod niya at hingal na hingal.

Patawad, mahal ko.

* * *

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon