GRASIA
"Bakit mo naman tinanggap Grasia!" isang malakas na sigaw ang ibinaling sa akin ni Mana nang makabalik ako ng maid's quarter.
Wala na akong choice kun'di tanggapin iyon. Kailangan ko na ng pera para makapagpadala kay lola sa San Lorenzo.
"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na doon ka sa pinsan ni Madam! Grasia ano bang iniisip mo?!" Tahimik lang akong nakaupo sa kaniyang kama. Habang siya ay nakatayo sa harap ng pinto.
"Grasia... Kapag may nangyari ulit sa'yong masama? Paano na? Hindi kita natulungan noong una Grasia. Kapag nasundan pa 'yon? Ano satingin mo ang mangyayari sa'yo ha?
"Baka mas malala pa ang gawin sa'yo Grasia... Hindi mo na ba inisip ang lola mo? Ang mga taong nag-aalala sa'yo? Si Aling Rosita, si Tantan at Ako!"
Hindi ako makasagot kay Mana. Mali naman kasi talaga ako... Pero wala na akong iba pang maisip na paraan. Bago pa lang ako rito at hindi pa nga nakaka-sweldo pero sobrang dami ko ng problema. Nahihiya na nga ako kay Mana.
"S-sorry M-mana," sabi ko at sinubukang hawakan siya sa kaniyang balikat. Hinawi niya naman ang kamay ko.
"Tigilan mo ako Grasia, bumalik ka na sa mansyon nila Sir Xin ano pa bang ginagawa mo rito?" Batid ko ang pagkadismaya sa kaniyang boses. Satingin ko'y galit na rin siya sa akin.
Ano pa nga bang ginagawa ko rito? Hindi naman ako rito nagtatrabaho. Lumabas na ako. Lilipas din ang ilang araw alam kong magkaka-ayos din kami. Palutang-lutang ang isip ko habang naglalakad sa pasilyo paglabas ko ng maid's quarter.
Tuluyan na akong lumabas ng mansyon at saka ako humugot ng hangin. Magiging ayos din ang lahat Grasia! Magtiwala ka lang!
Naramdaman ko na may isang pares ng mata ang nakatitig sa akin mula sa malayo. Kaagad na lumingon ang ulo ko sa ikalawang palapag ng mansyon. Dahil doon ang itinuro ng aking pakiramdam.
Nasilayan ko ang pares ng mata na ibang-iba na kumpara sa unang beses ko itong nakita. Maging ang kaniyang mukha ay puno rin ng pagkadismaya habang nakasilip sa kaniyang bintana.
"C-chen--" kaagad niyang isinara ang kurtina ng kaniyang bintana nang makita ako. Galit din ang best friend ko sa akin.
"Sorry, Chen," ani ko habang nakatunghaw sa kaniyang bintana. Naglakad na ako palabas ng kanilang gate. Hanggang sa sumilay sa akin ang pamilyar na mansyon sa katapat.
Bumuntonghininga ako at iwinaksi ang mga iniisip. "Laban lang, Grasia," bulong ko.
Tinahak ko na ang mansyon nina Sir Xin at Ma'am Shirley. Pagkapasok ko ng gate ay may guard na nakabantay dito. May ilang kasambahay na rin akong nakita sa tabi ng garden.
Kumunot ang noo ko. Bakit kailangan pa nila ako rito?
Tumungo na ako sa loob ng mansyon. Dumiretso sa maid's quarter at nagpalit ng uniform. Nandito pa rin ang iba kong gamit. Mabuti na lang at hindi ipinatapon noong bruha.
Lumabas ako ng maid's quarter at dumiretso ng dining area. Doon kasi nagmumula ang mga boses na naririnig ko. Nangingibabaw ang boses ni Ma'am Shirley na daig pa palengkera!
"Linnus will be my substitute for a while, it's his opportunity to have an experience in our own company," sabi ni Sir Xin.
"What?! Si Linnus?! Bakit hindi ako?!" reklamo naman agad ni Ma'am Shirley.

BINABASA MO ANG
Captivated
RomanceAt a young age, Grasia left her province and decided to work for her grandmother's medication. She became maid of a Filipino-Chinese family where she got a terrible experience during her first day of work. Hindi naging madali. Sobrang hirap. Si G...